Simula

3.1K 145 34
                                    

Nakatingin ako ngayon sa report card ko habang ang guro ko ay nagsasalita sa harap ng klase. Ibinigay niya ito sa amin kanina at ngayon, iaanunsyo niya ang top achievers sa first semester.

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin sa grades ko. Malaki naman siya at sa totoo lang ay kuntento na ako sa nakuha ko. Ang tanging problema ko lang ay ang mga magulang ko na sobra ang expectation sa akin. Hindi ko alam kung matatanggap ba nila kung malalaman nila ang ranking ko sa semester na ito o hindi.

Palagi nilang sinasabi sa akin na magsikap at hindi magpapatalo. Palagi rin nila akong kinokompara sa mga kapatid ko na mga achievers noong sila ay high school pa. Sa totoo lang, ginawa ko na ang lahat. Not to brag pero matalino ako ngunit…

"Congratulations to Joseph for being the highest honor in the class this semester!" maligayang anunsyo ni Ma’am na nagpatigil sa aking mundo.

Agad kong binalingan ang nag-iisang sagabal sa pagpupursige ko. He was smiling. Masaya siya sa kanyang narinig. Umusbong ang inis sa akin at naikuyom ko ang kamao ko.

Why can’t I beat him? Gaano ba siya kagaling? Hindi pa rin ba enough itong effort ko para lang matalo si Joseph?

Nang napansin niya na nakatingin ako sa kanya ay nagbago ang kanyang ekspresyon. Agad akong nag-iwas ng tingin at saka nagbaba ng tingin.

Bakit ba hindi ko siya matalo-talo? Bakit siya na lang palagi? Ginawa ko ang lahat! Gusto ko maging proud ang parents ko sa akin. Gusto ko marinig ang "congratulations" sa kanilang mga bibig gaya ng ibang mga magulang na kino-congratulate ang kanilang mga anak sa achievements nila.

Nagbago ang takbo ng mundo ko simula nang maungasan ako ng lalaking iyon. Simula grade 7 hanggang grade 10, ako ang nangunguna sa buong batch pero ngayong senior high na ako, pangalawa na lang ako palagi.

Bakit kailangan ko pa siyang talunin? Bakit kailangan ko pang makipagkompetensya sa kanya? Gusto ko lang naman makapagtapos and my grades are good enough to apply to prestigious universities. Pero ang mga magulang ko, gusto nila na palagi akong nangunguna.

"Ang talino mo talaga, Joseph! Wala nga lang jowa!" pabirong sambit ng isa kong kaklase na lalaki at nagtawanan sila pagkatapos.

Hindi ako maka-relate sa kanila dahil hindi ko naman sila close. Ang tanging pinoproblema ko lang simula nang umapak ako sa senior high ay kung paano talunin ang lalaking iyon.

"Princess, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Queeny, seatmate at kaibigan ko. "Baka mapunit mo na ang report card mo," aniya sabay tingin sa report card ko.

Agad kong niluwagan ang pagkahawak sa report card at binalingan siya.

"I’m okay," tanging sagot ko at saka umayos ng upo sa upuan ko.

"Hindi ka ba kontento sa grades mo?" pabulong na tanong naman ni Lassy na siyang nakaupo sa likuran ko sabay dungaw sa hawak ko. Namilog ang mata niya nang nakita ang card ko at gulat na tiningnan ako. "Malaki naman, ah!"

Malakas ang pagkasabi niya sa huling sinabi niya kaya nakuha niya ang atensyon ng guro na ngayon ay nasa amin na ang tingin.

"Is there something wrong with your grades, Miss Zamora?"

Lahat ng kaklase ko ay napatingin sa akin. Lahat sila ay kuryuso. Nakita ko ang iba kong mga kaklase na babae na napairap nang tiningnan ako.

"Wala po," I said with finality.

Tumango si Ma’am at ibinalik ang atensyon sa lahat. "That’s all for today, class! Goodbye!"

Nang umalis si Ma’am ay lumapit si Lassy sa akin at masaya akong tiningnan.

Hostile Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon