KABANATA 1: Ang Kasaysayan Ng Mga Alamat

29 4 6
                                    

"Ilang libong taon na ang nakakalipas ng isilang ang kambal na magkapatid, isang babae at isang lalake.

Ang magkapatid ay may magkaibang kaugalian, Ang babae na may magandang pangangatawan, magandang itsura, magandang asal. Maraming tao ang nagigiliw sa kanya kaya naman ang mga ibang tao ay gustong kupkupin ang batang babae.

Habang ang lalake naman ay kinaaayawan ng lahat dahil sa mapusok nitong kaugalian, hilig nyang makipagbuno, hilig nya ang nakakakita sya ng dugo.

Isang araw sa masukal na kagubatan habang nangangaso ang magkapatid, isang lupon ng halimaw ang biglang pumalibot sa kanila at handa silang patayin.

Agad na prinotektahan ng batang lalake ang kapatid nyang babae, habang lumalapit ng mabagal sa kanila ang mga halimaw isang liwanag ang bumaba at dumiretso sa kinatatayuan ng magkapatid.

Sa isang iglap ang dalawang magkapatid ay naglaho na parang bula.

Wala nang sinuman ang nakahanap sa kanila kahit ang mga tao sa nayon."






Kai POV

"Ang pangit naman po ng kwento nyo lolo" sambit ni Kevin habang nakatingin sa hawak nyang cellphone.

"Kaya nga po lolo wala ka bang alam na ibang kwento bukod dyan. Yung tungkol sa nakaraan mo yung love story parang ganern hehe" sabat naman ni Katherine na ngayon ay nagluluto para sa tanghalian.

"Baket hindi na lang nating hayaang ituloy ni lolo yung kwento mukhang maganda naman" sambit ko naman.

Napangiti saken ng bahagya si lolo.

Napatigil ang lahat ng tumayo si lolo sa kanyang kinauupuan.

Dumiretso ito sa silid nya na parang may kinukuha.

Pagkalabas isang malaking kakaibang espada ang nakita namin sa mga kamay nya.

"Ano po yan?" tanong ni Benjie na kanina lang ay nanonood ng tv.

Matapos magtanong ni Benjie lahat kame ay walang kibuan, walang umiimik hanggang sa makaupo si lolo.

"Isa itong alamat..." bitin na sambit ni lolo.

"Alamat?" napalingon ako ng makita ko si Roy na kakalabas lang sa kwarto nya.

Parang may kakaiba dito, yung espadang hawak ni lolo parang may isang enerhiya na kung saan hinihigop yung lakas namen.

Anong klaseng espada yan? Saan nya nakuha yan? Atsaka baket parang ngayon ko lang nakita yung espada na yan sa tagal na namin dito baket parang pati sila nagulat nung ilabas ni lolo yung espada...

"Sinabe ko na sa inyo. Hindi lang ito basta alamat isa itong kasaysayan." ani lolo.

Nakita kong may binuksan si lolo sa dulo ng hawakan ng espada at may kinuha sa loob.

Isang sinaunang papel!!

Napatayo ako.
Bahagyang napalapit.

"Ano... yung mga yan?" napalingon kaming lahat sa pintuan ng marinig namin si mama na nagsalita.

Binuklat ni lolo ang hawak nyang papel at dun tumambad samin ang mga kakaibang sulat na ngayon lang namin nakita sa talambuhay namin.

Nahulog din naman sa sahig ang isang telang may dugo.

"Ito ang DNA ng sinasabe kong alamat" ani lolo.

"At ito ang mapa ng lupain ng Dawn".

"Para san naman yang espada na yan?" sabat ni Benjie.

Ang lahat ay nakatingin kay lolo, hinihintay ang mga bawat sasabihin.

"Ito..." napangiti sya.

"Ito ang espada ni Argus limandaang libong taon na ang nakakalipas".

Beyond LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon