┊ii. sungit

22 5 0
                                    



-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-




Lumipas ang ilang araw simula nung nangyari 'yong ginawa ng lalaking may salamin sa'kin. Bawat araw din ay hindi ko maalis yung mata ko sa kanya. Pogi siya aaminin ko. Siya rin yung tipo ko sa lalaki—pero hindi kami talo e.



Tahimik lang siya sa gilid ng klase. May mga kausap naman siya pero hindi naman natatagal ang mga paguusap na 'yon. Like I said, hindi maalis yung tingin ko sa kanya simula nung ginawa niya yun sa'kin.



Nasa grounds kami ngayon kasama ko si Bea. Kumakain ako ng noodles habang siya naman ay kumakain ng burger.



"Uy. Napapansin mo ba yung lalaki sa klase na'tin?" biglang tanong ko sa kanya kaya nagtataka siyang tumingin sa'kin.



"Dalawangput lima ang lalaki sa klase na'tin, Shaina. Sino roon?" tanong niya sa'kin.



"'Yong lalaki sa harapan tapos nakaupo sa gilid." Padedepina ko sa lalaking tinutukoy ko.



"Ahh. 'yong nakasalamin. Bakit? Anong ganap doon? Crush mo?"



"Ulol. Hindi no!" Mabilis akong tumanggi sa sinabi niya pero binigyan niya lang ako na nakakalokong ngiti.



"Kilala kita, Shaina. Alam ko kung saan titibok ang puso mo." Tinarayan ko lang siya. Masyado na siyang maraming nalalaman sa'kin. Sumimangot na lang ako habang kinakain ang binili kong noodles. Nang matapos na kaming kumain ay bumalik na kami sa classroom na'min. Pagkabalik namin ay nakita kong nakaupo pa rin yung lalaki na 'yon sa upuan niya. Hindi ba sumasakit ang pwetan niya kakaupo? Tsaka hindi ba napapanis yung laway niya dahil siya nagsasalita?



Mahina akong napailing habang dumaan sa harap niya. Pasimple ko siyang tiningnan sa pwesto pero ni isang beses ay hindi niya 'ko tiningnan man lang, kahit sadyang maglapat ang tingin namin ay wala talaga. Tsk. Taena niya! Bahala siya!



Natapos na ang klase namin. Ilang minuto kaming nagantay sa next naming teacher, which is Filipino. Naexcite ako dahil madali ang Filipino para sa'kin, and besides teacher ko ng grade 7 yung teacher namin ngayon kaya kilala ko na siya. Mabait naman si Ma'am Espinosilla at tsaka naiintindihan ko yung tinuturo niya, kaso hindi nga lang ngayong araw.



Nakapalumbaba lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Maya-maya ay pasimple akong tumitingin sa lalaki 'yun pero inaalis ko rin kaagad kasi hindi naman siya tumingin sa'kin.



"Nagpaalam na 'ko sa adviser niyo na maglilipatan tayo base sa mga unang letra ng mga apilyido niyo." Napatingin ako kay Ma'am Espinosilla dahil sa sinabi niya. Lipatan? Hala? Bakit? Paniguradong nasa likod na naman ako. Badtrip!

The Reunion | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon