Shot? -Sa baso ba, O sa puso?

94 11 1
                                    

[WIN'S POV] • IKATLO
--

FROM: BESPREN <3
"Arat shot?"
"Saan ka? Dorm? Punta ako."

Eto ang mga natanggap kong mensahe kay Bright. Matik, hindi siguro naging maganda usapan nila.
Shit Metawin! Handa mo na atay mo.

Bumili na ako ng alak na lagi naming iniinom. Inaantay ko na lang siya dito sa sala habang inaayos itong aming iinumin maya-maya.

**DINGDONG**

Potangina! Si Bright na 'to. Shuta! Hoy. Bakit ako kinakabahan? Parang gago eh. Ayos mukha Tawin!

Lumapit ako sa pinto at binuksan ko ito. Inangat niya sa mukha ko yung mga dala niyang tigpipisong chichirya na malamang ay binili sa tindahan na lagi naming pinagbibilhan. Suki mo na kami Aling Minda ha? Solid tong mga customer niyo na 'to.

"Hoy! Natulala ka dyan Tawin? Anyare?" Pag-waksi niya sakin sabay ngiti. Potangina. Eto mga dahilan kung bakit ako nahulog eh, shet! Yen keye keheneen ke Bright. Emz!

"Gago wala! Tagal mo naman. Parang may dinaanan kpa ha?" Binuksan ko ng malaki ng pinto para makapasok siya sa loob.

"Bakit? Miss mo na ako? Sus. Tska wala na akong dadaanan, iniwan na ako eh. Haha." Shet, sabi na eh.

Ibinaba ni Bright ang mga dalang pulutan sa maliit na lamesa ko dito sa sala.

"Gagi, huwag ka ngang mag-biro ng ganyan Bright, sumbong kita kay Taktak." Binuksan ko ang Mucho na aming iinumin ngayon at saka nag-salin sa tig-isang baso namin.

"Mukha ba akong nag-bibiro Win? Seryoso ako. Nakipag-break na siya sakin. Gago legit yung sakit! Ganito pala yun? Pota, parang may nawalang kalahati sa buhay ko."
Pag-umpisang kwento niya na may bahid ng lungkot habang sinasabi niya ito. Ramdam mong nasaktan talaga siya. Dito ka sakin bebe ko, di kita sasaktan. Char! Tawin, umayos ka. Kailangan ka ng bespren mo ngayon.

"Teka nga kasi. Sinunod mo ba sinabi ko kanina? Hinabaan mo ba pasensya mo? Alam mo naman yang si Taktak eh, may pagka-mainitin din ulo minsan."
Sabay kuha ko ng Cheepee na tigpipiso para maging pulutan.

"Oo noh. Ang hinahon ko nga kanina, kaso siya, tinaasan ako ng boses tapos may pagka-sarcastic pa ampota. Partida ha? Nasa Caf pa kami nun, eh ayoko ng Iskandalo, kaya umalis kami dun tapos dumiretso kami sa likod ng Econ building, buti na lang walang tao. Kakahiya eh!"

May bahid nang pagka-inis ang tono ni Bright. Sa totoo lang, mahaba talaga pasensya nito, as in. Siya yata yung tao makikilala mo na may pinaka-mahabang pasensya, nagkataon lang talaga na sobrang dami niyang dala-dala at maraming inaalala.

"Oh tapos? Inexplain mo ba naman sa kanya yung kailangan mong tapusin? Mga needs mong ipasa sa Acads? Yung Thesis mo? Knowing Kat? Maintindihan niya yun."

  Si Kat, jowa ni Bright. Naging close na din kami after nung araw na naging silang dalawa. 'Taktak' tawag namin sa kanya, wala. Naisip lang bigla ni Bright na yun i-tawag namin. Alam niyo ba kung bakit Taktak? Kasi daw, KAT-TAK. Oh dba, parang gago ng Bespren ko? Well, hinayaan ko. Mahal daw niya eh, sige! Simpleng babae lang si Kat pero malakas ang dating. Hindi siya maarte kaya nakasundo ko siya. Hindi naman talaga topakin yung babae na yun, sa sumatutal nga, mas mahaba pasensya niya kesa kay Bright, ewan ko na lang talaga 'bat netong mga nakaraan eh, naging ganun siya.

"Oo, sabi ko intindihin niya naman ako kasi nga maraming ginagawa. Tapos alam mo ang potangina? Sabi niya bigyan ko daw siya ng oras? Like, gago kba? Kalahati ng buhay ko binigay ko sayo. Ilang taon kami Win, malapit na kami mag-4th Anniversary, imaginin mo yun? Sa 4 na taon namin, buong oras at pahinga ginugol ko sa kanya. Tapos ngayon, hihingi pa ng Oras? Wala naman kaso sakin yun Win eh, bibigay ko naman. Ang akin lang naman, potanginang yan! Intindihin niya ako. Bigay niya naman sakin 'tong hinihingi ko."

- 𝑷𝑨𝑵𝑺𝑨𝑴𝑨𝑵𝑻𝑨𝑳𝑨 🎶Where stories live. Discover now