SEVEN/ELEVEN CHRONICLES

82 11 1
                                    

• [WIN'S POV] • [IKALIMA]
--

Monday ngayon at napag-kasunduan namin ni Bright na sabay pumasok, actually siya talaga nag-insist na sabay kami, ewan ko ba dito. Anong trip ng taong 'to. Magkita na lang daw kami sa 7/11 malapit sa University.

Isang linggo na din ang nakalipas after nung inuman session namin nung nakaraan, at pinanindigan din niya na babawi daw siya sa mga bonding na nawala samin.
Consistent ang kuya mong Vachirawit. Sana all.

  Nakatayo na ako dito nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko.
Zzz. Zzz. Zzz. Kinuha ko ito sa aking bulsa at nang makita ko ang mensahe at nabasa kung anong nilalaman ng text ay siyang paglaki ng aking mata. Gulat.

FROM: BESPREN <3
Lapit na ako. Dyan kna ba? Huwag kang aalis dyan. Ingat. Labyu.

Dug dug. Dug dug. Potangina mo Bright. Ano yun? Gago.

TO: BESPREN <3
Oo, andito na ako. Saan kna ba? Oi. Anong labyu labyu ka dyan. Kilabutan ka nga!

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tila'y sumali ako sa isang Marathon sa sobrang bilis ng tibok neto at hindi pa yata nakatulong ang pag-inom ko ng kape kaninang umaga.
First time. It was the first time na sabihan niya ako ng ganun. As in. Buong buhay ko na nakilala at nakasama ko siya, ngayon lang. At? Ang saya ko. Ang saya ng puso ko!
Alam ko din namang biro lang yun. Knowing Vach? Part lang 'to ng kalokohan at pang-aasara niya sakin. Walang ibig sabihin nun. Pero hindi talaga mawala ang ngiti sa mga labi na hindi ko din namalayan na nakarating na pala siya.

"Hoy! Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Parang tanga. Kung may ibang makakakita sayo iisipin nila nababaliw kna." Pang-gugulat niyan sakin.
Gago. Ikaw ang dahilan ng mga ngiting 'to.

"Oo. Baliw sayo!" Wait. Bobo.

"Ha?? Anong baliw sakin?"

"Wala! Bungol. Sabi ko bingi ka. Halika na nga at baka ma-late pa tayo." Pagyayaya ko sa kanya at baka mahalata pa niyang namumula ang pisngi ko sa sobrang hiya.
Metawin naman kasi. Bibig mo talaga kahit kailan walang preno. Jusko!

"Wait muna Win. Bili muna tayo sa 7/11. Gugutom na ako eh. Kumain kna ba? Anong gusto mo?" Huh?

"Nag-kape lang ako. Ayos na ako dun. Bumili kna at baka mahuli pa tayo."

"No! Kailangan mong kumain dahil major ang first subject mo ngayon. Anong sayo?"
Tanong niya sakin habang kumukuha ng Hotdog bun at Spicy Hungarian na favorite niya.

"Ang kulit mo talaga Vach. Sige, ano na lang sakin. Siopao. Asada flavor ha? Yung big na tska ano pala Hopia na din. Libre mo naman dba? Hahaha."

Oo. Siopao asado at Hopia dahil naninibago ako sa mga ikinikilos mo at baka sa kakaganyan mo, umASA ako at maging HOPia sayo. Tangina.

"Ay wow naman Tawin! Ayaw-ayaw kpa nung una tapos ngayon, mas marami pa order mo sakin kesa sayo. O'na! Libre ko na. Gipit kba?"
Pagrereklamo niya habang pumunta naman siya sa area kung saan andun ang City Blends.

Wait. Matik! French Vanilla kukuhain neto. 16oz.
HA?? TEKA?

"Wait Vach. Hershey's Dark Chocolate? Nagbago na favorite mo?"
Takang tanong ko sa kanya.
Nagbago na ba? Bat di ko alam?

- 𝑷𝑨𝑵𝑺𝑨𝑴𝑨𝑵𝑻𝑨𝑳𝑨 🎶Where stories live. Discover now