Chap. 7

1K 70 3
                                    


Ash P.O.V

Papalabas na ako ng room. Dahil tapos na ang klase namin. Oo ganun ka bilis!

Even ang break time mabilis rin, swerte nalang sa makakain ng maayos

"Hoyyy!, tekaaa hintayin mo'kooo!" Agad kung tinkpan ang tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Aj. Ang lakas! Nabulabog lahat ng tao dito mismo sa hallway!. Napahinto lang ako ng may humawak sa balikat ko

"Oh?, kelangan mo?" Sabi ko habang naka talikod, alam kung hindi si Aj toh eh

"Ikaw" hindi na ako nanglaban at nag pahila sa kanya papunta sa Gym!!

King ina! Alam ko na kung sino toh!

Si mahina!

"Alam mo bang masakit ang ginawa mo sa'kin kanina?" Mahinang bulong nya na alam kung pagalit na

Napangise ako

"Hindi, hindi naman ako ang natamaan" sabi ko, humigpit naman ang hawak nya sa balikat ko

"Ilabas nayan!!" Malakas nyang sigaw, tinignan ko naman kung anong lalabas

Agad nanlalake ang mata ko ng si Aj ang makita ko, may mga lalake sa likod nya.

"Tumakbo kana" basa ko sa bibig nya dahil hindi nya yun sinabi ng malakas. O baka sinadya nya yun para walang makadinig.
Agad naman akong umiling. Hindi ako yung tipo ng tao na iiwan ang isang kakilala sa gitna ng patayan

"Hahayaan ka naming makuha si Aj, basta labanan mo kaming lahat" nakangiseng sabi nya

Yun lang bah?!!

Tsk! Nandamay pa ng iba ako lang naman pala ang gugulpihin! Mga mangmang!

Napangise naman ako "bakit hindi?, napatumba na kita kanina kaya kung ulitin yun hanggang sa mawalan ka ng hininga" mahinang sabi ko pero kahit sino makakarinig dahil masyadong nag eecho sa lugar na'to ang boses ng kahit sino

Ramdam kung natigilan sya.

Scared?!

Tinulak nya naman ako, pero hindi manlang ako nagawang patumbahin ng tulak nya.

Umilag lang ako sa mga suntok nya, pati mga sipa. Ng masaulo ko na ang galawan nya, hinuli ko kaagad ang paa nya at binalibag sya patalikod

"Malakas ka" sabi nya at tumayo sabay sugod papunta saakin. Agad naman akong umiwas at tinuhod sya sa tyan

"Ugh!" Inda nya at namilipit kaagad sa sakit

Comfirmed! Mahina nga!

"Mahina" sabi ko at agad na tinadyakan sa mukha. Kaagad ko namang hinarap ang iba nya pang kasamahan na ngayon ay parang takot na

Leader nga mahina, mga bata pa kaya?

Naglakad ako papunta sa harap nila na syang ikina-atras nila. Napangise naman ako ng malawak

"Umuwi na ka'yo mga bata, mag gagabi na baka hindi na kayo abutan pa ng umaga kapag nanatili pa kayo sa harapan ko" seryoso pero nakangiseng sabi ko

Agad naman silang nagtakbuban papalayo saakin. Hinarap ko naman ang leader nilang masama ang paningin saakin pero hindi makatayo

"Kilalanin mo muna ako bago mo kalabanin, kasi kahit mag dala kapa ng batalyon hindi mo ako mapatutumba" seryosong sabi ko

May sarili akong batalyon, kahit hindi ako mag-utos sila na mismo ang gagawa ng hakbang para mapatumba kung sino man ang may gustong magpatumba saakin. That's how they protect me

Agad kung hinarap si Aj. Na ngayon ay may paghanga sa matang nakatingin saakin. At nakatali ang kamay

Kaya naman pala hindi nakalaban!

Lumapit ako sa kanya at mabilis na pinutol ang tali gamit ang kamay ko

"Woahh, astiggg" nakangiteng sabi nya.

"Arayy!" Binatukan ko nga ng isa

"Tsk!, tara, tara para kang bakla" inis kung singhal at nauna ng tumalikod

Away na naman Ash!!!

THE ONLY GIRL IN SECTION SAGITTARIUS (Re-Write) Where stories live. Discover now