05

26 5 0
                                    

Nang Sabado ay napilitan kaming umuwi ni Remedios sa Laguna. Ibinalitang nagkasakit ang nanay. Kinailangan ko ring bumalik ng Lunes kaya nagpasya si Remedios na magpaiwan at lumiban na lang sa klase. Isang buwan nawala si Remedios kaya ganoon ding natigil ang sulat ko para kay Juli. 

Inabala ko ang sarili sa pagsulat ng tula at pagbabasa. Nitong nakaraan ay naaaliw  akong basahin ang mga nobelang, The Count of Monte Cristo at Three Musketeers. Iniidolo ko ang mga bida rito dahil sa buong istorya ay lumalaban sila para sa hustisya. Matapos kong pangalawang beses na mabasa ang Monte Cristo ay hindi mawaglit sa isip ko si Juli. Nagpasya akong magsulat sa kanya. 

Sulat para kay JuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon