1

25 0 0
                                    







"Riva ! Anak !" Rinig na rinig ko ang boses ni Mama at hinihintay akong magising.





"Isang tawag ko pa sayo malilintikan ka sakin!" Inis at maingay na sigaw ni Mama saakin.





"Oo Ma! , Pababa na! " Pumasok ako sa banyo at sinubukan ko na buksan ito, Pero nakalock siya at niririnig ko si Francine na kumakanta habang naliligo


"Bilisan mo naman diyan !" Sigaw ko sakaniya at padabog ako na kumatok sa pinto.


"Sandali lang ate!"


"Anong Pipiliin mo ? Dota o ako ? Anong mas gusto mo pag kasama ayan ang nasa isip"


Rinig kong pagkanta ni Francine.


"dalian mo diyan ah, pag ako nalate bata ka" Pasigaw na sabi ko sakaniya.





Nainis nalang ako at bumaba na ng hagdan para kumain. Nakita ko si Jennika at Ella na kumakain na.





"Kumain ka na anak, malalate ka pa sa application mo" sabi sakin ni mama at inaya na akong umupo at kumain.





Pagtingin ko sa orasan 7am pa naman, kaya may oras pa ako na kumain at malayo layo rin ang biyahe ko papuntang Eastwood. Dapat mga 10am ay nandoon na ako at baka malate ako sa trabaho na pag-aaplayan ko.





"Hindi ka ba magbabaon ng pagkain mo nak?" rinig ko na boses ni tatay sa likuran ko at nakapangbihis na papuntang trabaho. Naka tuxedo siya na may pagka pale-black ang kulay at kita ko na hindi pa siya nakakapag sapatos.





"Bibili nalang ako sa Eastwood tay, maraming bilihan ng pagkain doon"





Tumango nalang si papa at humalik sa noo ni mama at nagpaalam na kanila Jennika at Ella.





"Mag-ingat ka" Sabi ni mama kay papa na mukhang kinikilig sa paghalik ni papa sa noo niya.




Nakita ko sila Jennika at Ella na kinikilig kanila Mama at Papa. Tinaasan sila ng kilay ni mama at nagpatuloy nalang sila na kumain.


"Hays, When kaya?" Sabi ni Ella ang Pangatlo sa magkakapatid. Never nag ka-boyfriend si Ella and I won't expect anything anymore, she just turned 18 this year.





"Ella, Tapusin mo muna ang pag-aaral mo bago ka mag jowa jowa" Irita na sabi ni mama.





"Ate, ikaw na!" Rinig ko na boses ni Francine na katatapos lang maligo.





"Buti naman akala ko ginawa mo nang boracay yang banyo" sagot ko.





Nag-ayos na si mama ng plato pag tapos namin kumain, tinulungan namin nila Jennika at Ella si mama na mag-ayos ng pinagkainan .





Si Ella na ang nag hugas ng plato dahil malapit lang naman ang school niya at 10am pa naman ang pasok niya.





Pumasok na ako ng banyo para maligo, binilisan ko na ang pag-ligo ko baka kasi traffic pa paglabas ng Commonwealth.





Nagsuot lang ako ng white blouse at black pants, sinuot ko rin ang necklace na binigay sakin ni papa, inayos ko na rin ang buhok ko at ang resulta ay naging bun ito.





Kukunin ko na sana yung bag ko pero nakalimutan ko na mag-perfume, nagspray ako ng Jo Malone na pabango na regalo sakin ni mama nung pasko.





Somewhere Around You ( City Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon