Encounter
Yesha Fontillan
"Hoy! Gumising ka na dyan!"
Rinig kong sigaw ng tita ko bago ko maramdaman ang malamig na tubig na bumuhos sakin.
Agad akong napabangon dahil sa lamig na dulot nito, agad akong napatingin sa tiyahin ko na may hawak na timba at nakataas ang kilay sakin."Ano? Wala ka pa talagang balak tumayo jan!?" Masungit na bulyaw nito sakin kaya agad akong napatayo at dumiretso sa cr para maghilamos.
"Dalian mo dyan at marami ng tao sa Carenderia!
Kababaeng tao tamad!" Rinig kong sabi niya bago tuluyang lumabas sa kwarto ko.Fifteen palang ako ay kinupkop na ako ng Tiyahin ko. Ulila na kasi ako dahil namatay ang mama ko dahil sa pagsilang sa akin samantalang si papa naman ay namatay sa aksidente, ayon sa nakakita pauwi daw siya nun at lasing ng bigla daw syang tumawid at nahagip ng rumaragasang sasakyan ngunit ang nakakagalit rito ay di man lang ito huminto bagkus ay tuloy tuloy lang na paramg walang nangyari.
Kay Tiya Meriam ako napunta dahil sya nalang ang kamag-anak na may kontak samin. Wala na kasi kaming connection sa mga kamag-anak ni mama dahil nagalit sila samin at sinisisi kami sa pagkawala ni mama.
Dali dali akong naghilamos at nag-ayos bago bumaba para makatulong sa Carenderia.
"Pabili po ng tig-isang serving nitong Dinakdakan at Dinuguan tapos extra rice po" sabi ng isang Customer.
"Dito niyo na po ba kakainin o ibabalot nalang po?" Magalang kong tanong.
"Dito na"
"Sge po, upo na po kayo ihahatid ko nalang po ito" tumango lang ito at naghanap na ng mauupuan. Agad akong nagtakal ng mga sinabi niya kanina at hinatid ito sa kanya.Ganun lang ang nangyari hanggang umabot na ng alas-sinco ng hapon. Dali dali akong naghugas at nagbihis dahil may susunod pa akong trabaho sa 7/11 sa Bayan.
"Tiya alis na po ako" paalam ko at lumabas na may nakasalubong pa akong lalaki na mukhang Chinese at sinusundan ng mga naka-itim na mga lalaki.
Nakita kong nakaparada ung tricycle ni manong Bert sa malapit na waiting shed kaya dali dali akong lumapit.
"Manong Bert papasada po kayo?"
"Oo naman Isha, papasok ka na ba sa 7/11?" Tanong nito.
"Opo"
"Sige,sakay ka na"sabi nito. Alam ni manong Bert kung saan ako nagtatrabaho dahil siya na halos ung laging naghahatid sakin dun.
Nakasakay na ako sa tricycle pero agad akong napapikit ng mariin ng maalala kong naiwan ko pala ung wallet ko sa kama ko kanina." ayy manong Bert saglit lang po, pwede pong pabalik saglit sa bahay?naiwan ko po kasi ung wallet ko" magalang na sabi ko.
"Sige"Agad akong bumaba ng tricycle. Malapit na ako sa pinto ng mapansin kong medyo bukas ito kaya rinig mula sa kinaroroonan ko ang usapan sa loob lalo na at malakas ang boses nila.
"Ako wag mo loko Meriam, nasan na bayad mo sa utang mo" Rinig kong sabi ng bisita namin kaya sumilip ako. Siya pala ung lalaking chinese na nakasalubong ko kanina. Kausap niya ngayon si tiya habang nakatayo siya, kita ko rin na nakaluhod si tiya kaya agad agad akong pumasok.
"Tiya" tawag pansin ko dito. Agad naman siyang lumingon ngunit di parin tumatayo.
"Bakit ka po nakaluhod dyan?" Tanong ko at tutulungan na sana siyang tumayo pero tinabig niya ang kamay ko.
"Ano ba!? Bat ka bumalik dito, diba pumasok ka na sa trabaho mo!?" Mahinang sigaw nito sakin.
"Uh naiwan ko po ung wallet ko, kukunin ko po sana" nakayukong sabi ko.
"Edi kunin mo na! Bilisan mo, pakielamera!" Bulyaw niya.
"Per-" natigil ako sa pagsasalita ng panlisikan niya ako ng mata kaya dali dali na akong umalis.
YOU ARE READING
Behind The Universe
RandomHe's a super star I'm just a maid He is famous I'm just a nobody He is rich I'm broke He is love by everyone I'm hated Yes he is beyond my reach, a star that shines brightly. Will the universe let me reach him? Will the universe let us collide? Stor...