50

81 2 0
                                    

Walang nagsalita sa amin ni Tita tungkol sa nangyari kanina nang dumating sila daddy. Ikinalma niya at inayos ang sarili kanina sa kwarto niya. Everything was so heavy earlier. Kahit ako ay nalulungkot sa mga nalaman kanina.

At ang makita si Tita na ilabas ang lahat ng mga hinanakit niyang dinadala sa halos dalawang dekada ay nakakalungkot nang sobra-sobra. Hindi ko alam na ganoon ang pinagdaanan niya. Paniguradong malala pa doon dahil hindi lang siguro 'yon ang nangyari sa buhay niya.

She's been living in pain for the past 2 decades. And it's because of love. It's scary.

This is why I never love before. I just play with boys. Hindi ako naghahalo ng nararamdaman sa kanila. Ng pagmamahal, dahil natatakot akong maranasan ang sakit na dulot noon.

But when I experienced it, I almost can't get over it. Hindi ko inasahan na mararanasan ko 'yon. Ang masaktan dahil sa pag-ibig kasi una pa lang, hindi ko balak na magmahal.

But someone made me do it. Someone made me love. Tinuruan niya akong magmahal at isa iyon sa pinakamagandang pangyayari sa buhay ko. Na kahit nasaktan ako, sumuko ako, sa kaniya pa rin ako babalik dahil siya mismo ang nagpakita sa akin kung gaano kasarap magmahal.

Na kapag nasasaktan ako, inilalayo ko ang sarili ko sa kaniya kasi lalo lang kaming masasaktan. But he made me realize that love isn't about quitting and giving up when you feel like the world is against you. It's about fighting for it. Kahit na masakit, susugal at susugal ka pa rin para sa taong mahal mo.

"Are you sure you're gonna be okay alone, Tita?" I said after hugging her.

Nasa airport na kami at ihahatid na siya. She looks elegant and sophisticated wearing black coat, under it is her white fitted tube dress.

Natawa si tita at hinawakan ang braso ko. "Parang hindi ako sanay mag-isa..." she smiled but I can sense sadness in it.

"But it's different now. Hindi ka namin basta-basta lang mapupuntahan.."."

She squeezed my hands. "You can video call me anytime, Paige." Aniya bago bumaling kay Adi para yumakap din sa kaniya.

"I'm gonna miss you so bad, Tita"

Tita laughed elegantly. "At least, bago ako umalis, natupad ang wish ko sa'yo. May boyfriend ka na!"

Ngumiti lang si Adi. Bumaling naman si tita kay daddy para yumakap. Hinimas ni Daddy ang likod niya.

"Lagi kang mag-iingat, Ate. Huwag ma huwag ka na ring maglalasing mag-isa" ani daddy na ikinatawa ni Tita at kinurot ang pisngi ni daddy.

"I left them all in my condo, Simon. I'm gonna miss you, baby bro..." Tita teased dad before hugging mommy.

Mommy sighed after they hugged. "You can always love again, Ate"

Tahimik lang silang nagtinginan bago umiling si tita. "I have myself, Karina. I can always love myself."

"Pinatawad mo na ba? Forgiving them will set you free..." Mommy said silently. I was surprised that Tita nods.

"Matagal na pero hindi ko paaalam sa kanila 'yon. Bahala silang basahin ako" ani Tita bago tumawa.

Namumula na rin ang mata niya kanina pa kaya hindi na ako nagulat nang pumatak ang luha mula doon. Maingat niya 'yon pinunasan. "Hindi na ako magtatagal pa. Papasok na ako at baka magbago ang isip ko na hindi na lang tumuloy"

"Edi huwag na, Tita!" Adi exclaimed. Umiling si Tita.

"Of course I will always have a vacation here. Or kayo, lagi niyo akong bisitahin!"

Malungkot akong napangiti kay tita. She'll be all alone in America. Mag-isa siyang titira sa kaniyang bahay na ipinatayo doon. Doon na rin siya magtatrabaho kaya doon na talaga siya magsesettle.

Taking over the Storm (AS#3) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon