Kabanata 1

2 0 0
                                    


Masaya.

Yun yung nararamdaman ko ngayon. Makita siyang nakatayo sa harapan ko. At tinatanong kung anong pangalan ko.

Lucian Troy Simon.

Matagal ko na siyang crush.
College pa lang. Palagi ko na siyang tinititigan sa malayo. Kasama ang mga kaibigan niya habang nagtatawanan at nagbibiruan.
Masaya ako sa tuwing nakikita ko siyang masaya.
Masaya ako sa tuwing dumadaan siya at napapatingin sa akin.
Masaya ako kahit di niya ako kilala.
At ngayon nandito siya sa harapan ko at tinatanong kung anong pangalan ko.

"Maeve." Sagot ko at inabot ang kamay niyang nasa harapan ko.

"Hi Maeve. Im Lucian." Ngiti niya sa akin at mahigpit na pinisil ang kamay ko.

Hindi ko alam pero parang hihimatayin ako sa kilig. Sa apat na taon ko sa college ay ngayon lang niya ako napansin at sa mismong graduation pa. Best gift ever.

"Yeah. Kilala kita. You're quite popular." I smiled at him.

"Hahaha di naman sa ganun", sabay hawak niya sa batok at ngiti.

Perfect teeth.
I smiled dreamily again.

"Baka gusto mong sumama sa after party mamaya. Buong batch natin ang kasama. Hindi ka pa daw kasi nag confirm kung sasama ka kaya ako ang inutusan ni Pres na tanungin ka." Sabi niya habang nakatitig pa rin sa akin.

Paano ba naman ako makakatanggi?
At syempre hindi talaga ako tatanggi.

"Oo. Sasama ako." Sagot ko na tila natatanga sa kanya.

"Sige. Sabihin ko kay Pres."

"San nga ba ulit yun?"

"Sa Midnight."

Isang sikat na bar sa may cavite.
Papayagan kaya ako ni Papa?
Ah bahala na nga.

"Sige. Punta ako." Ngiti ko sa kanya bago tuluyang nagpaalam na babalik na sa parents ko na nag aantay sa akin.

"Congrats anak!" bati sa akin ni papa pagkalapit ko palang sa kanila.
Niyakap nila ako ni mama ng mahigpit.

"Salamat Pa. Salamat Ma. Dahil sa inyo nakapagtapos ako. At isa na akong Architect." Naiiyak ako habang iniisip na napakaswerte ko sa kanila.
Dahil kahit sobrang hirap ng buhay namin ay napagtapos nila ako.
Utang ko ang lahat sa kanila.

"Hindi anak. Salamat kasi dumating ka sa amin. Salamat kasi di mo kami binigo." Namumula ang mata ni papa bago niya ako tuluyang niyakap. At si mama naman ay tahimik na humihikbi sa gilid.

Lucky.

Sobrang swerte ko dahil may parents akong mabait. Laging nandiyan para sa akin. At higit sa lahat ay  mahal na mahal ako.

Im Maeve Gaia Dela Cruz.
Happy and contented.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Used To Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon