Chapter 2:
"HAHAHa sabi kuna nga ba e" humahalakhak na sabi ni Isabel dahilan para siringan ko sya't inis na tinungga ang tequila sa baso ko.
Inaya ko si Isabel na uminom dahil hindi lang pagka dismaya at pagkainis ang nararamdaman ko, kundi pagkapahiya sa sarili dahil inisip ko agad na may ibig sabihin ang pinagsasabi ni Clendon sakin kanina sa school. Normal naman na sakin ang magmukhang ingot sa harap nya dahil sa kakiligan, dahil alam kung wala akung hinihintay na anumang kapalit o tugon. Pero iwan ko ba... Over acting nga lang ba ako? o normal na reaction lang tong nararamdaman ko, na parang pinagkakatuwaan nya lang ako kanina.
"Hoy Gaga! Hahaha sigi lang ubosin mo lang yan, mag lasing kalang at kahit saang sulok dito pwede mong sukahan o higaan hahaha" tatawa-tawang sabi ni Isabel na mapupungay na ang mga mata, halatang lasing.
"Pwede bang hinaan mo yang boses mo't baka marinig tayo ni Mazilla!" Mahina ang boses ngunit maydiin kung singhal sa kanya habang pinandidilatan ko sya nang mata, nagbabala.
Sana kwarto kasi kami ngayun, dahil hindi naman kami naka pag plano nang pwede naming idahilan para maka pag bar, at hindi ganun kadaling makombinsi ang mama ko, kaya dito sa kwarto ang bagsak namin. Gaya nang nakasanayan, bumili lang kami sa convenience store ng dalawang bote ng tequila, tig iisa kami para siguradong tulog. Ganyan kame ni Isabel pag nasa bahay lang ang inuman, sinisugarado naming lasap na lasap talaga namin ang inumin.
Dahil nga naman nag-iisang babae lang din ang lola nyo, ay medyo hinihigpitan din. Yun nga lang... Nakakahanap tayo nang lusot, kesyo may birthday, may anniversary, christening, wedding at farewell party. Lahat na yata nang okasyon naidahilan ko na, kaya minsan with drama nalang para talagang totoo nang payagan ang tiyahin niyong maganda. Minsan panga kaming napagalitan ni Isabel, dahil isang bwan talaga kami gabi-gabing gumagala at umaga na kung umuwi. Simula noon, nilalagyan na namin nang dalawa hanggang apat na araw na pagitan ang pagbabar para hindi masyadong halata.
"Jusko day... Sa talas ba naman nang pakiramdam ng mga mother dear natin, tingin mo hindi nya parin alam na umiinom tayo ngayun?!" Lalasing-lasing nyang sagot sabay sinok.
" Yawa jud ka bayhana ka..." Mahina ngunit inis kung sambit.
"Hey! Stop cussing will you ?Isusumbong kita kay Mazilla..." Pagiinarte nitong sabi at akmang tatayo na agad ko rin namang napigilan.
" Gusto mong itulak kita palabas ng bintana ko? Ha!" Pagbabanta kung singhal, pilit hinihinaan ang boses.
"Ito naman di na mabiro..." Nakanguso nitong sabi tsaka ngumiti, nagpapacute. "Lalabas lang naman kasi ako dahil nagugutom ako e" dagdag nito.
"Tss. Dito kalang ako nang kukuha, Ano ba gusto mo?" Inis kung tanong at tumayo na ikinangiti pa nya nang pagkatamis.
" hehe your so sweet Greil hehe *hik* " sinisinok man ay nakangiti parin syang tumingala sakin " tell Mazilla I'm *hik* craving for her embotido please" pagpapacute nyang dagdag, naglapat pa ang mga palad nya sa ibaba nang baba nya habang pinapasingkit ang mga mata sa pagkakangiti.

BINABASA MO ANG
Not Yours
De TodoSkipping, that's all we needed. Especially when everything you thought was real, was yours, is Not Yours at all. Why can't we just jump in duly? Yours Trilogy #1 (On Going)