"Hey baaaabe?!" Pagkuway kung tili, tinatawag ang atensyon hindi lang ni Clendon na kasalukoyang naglalakad papasok nang building namin, maging mga kaklase namin ay tumingala sa ingay ko.
Napaka gwapo talaga nang babe ko!
Nasa ikalawang palapag ako nang college building namin sa labas nang classroom nang susunod naming klase, kinikilig akung kumakaway kay Clendon babe kung may hawak na parehabang box, prenteng naka tayo at napaka gwapo nya sa kulay dilaw na uniform, itim na slacks, at makintab na itim na sapatos. Halos tatalon na ako sa kakatunghay habang kumakaway kay Clendon babe ko at malapad ang pagkakangiti, nagpapacute. Kunot-noo naman itung tumingala sa akin, ina-aninag ang mukha ko at bahagyang ngumiwi, pinipigilang ngumiti.
"Aray!" Bulway ko nang may malakas na dampi nang kamay na dumapo sa batok ko.
Inis kung nilingon ang demonyetang may-ari nang kamay at pasiring tinitigan, agad naman akung nilabanan ng tingin nito na nakataas pa ang kilay at naka ngiwi, inis na inis kung tumitig sakin.
"Hoy! Babaeng kuragan! Ano na nama't naka tunghay ka nanaman kay Clendon diyan! Kung ihulog kaya kita?" Singhal nang nag-iisa kung human diary na si Isabel habang dinuduro-duro ako at ang kinaruruonan nina Clendon.
" Sinabi nang itigil mo nayan eh! Maghanap ka na nang straight pwede ba? O baka gusto mong plantsahin ko yang utak mo't making straight din ang pag-iisip mo?!" Giit nito, na talagang walang palya ang mabilis nitong bunganga, puno nang inis at talagang nagpapalit-palit pa ang magkabilang kilay na itinataas, iwan ko ba't pano nyang nagagawa ang ganon. Sya lang ata ang kakilala kung kayang mag taray sa buong linggo habang ginagawa ang ganon sa kilay niya.
Hindi maingay at mataray ang kaibigan ko until nakilala nya ako, sakin nya lang pinapakita ang totoo nyang ugali, at sakin nya lang din pinapadanas ang ka demonyohan ng mga kamay nya sa twing natutuwa, nagugulat, natatakot, at naiinis siya, well... pati nadin sa family kung naging close nya pa kesa sakin dahil sa pabalik-balik nya sa bahay. Sya ang naging kabiyak ko sa lahat ng bagay, maging sa kahangalan. Hindi namin tinutoring na best friend ang bawat isa masyado kaming napaplastican sa term na yon, at maliban sa mga kapatid ko- si Isabel ang lagi kung kabangayan sa pagkain, gamit at kung ano man ang gustohin naming pag awayan ay talagang pag-aawayan namin hanggang sa humantong sa tawanan.
" Hindi kana ba talaga titigil Greil?! Tama na ang 3 years ok! Ibigay muna ang huling taong ito para sa sarili mo for God sake! Gagraduate na tayo't lahat Clendon ka parin ng Clendon! E Bakla nga ang lola mo babae at hindi muna kaylanman mababago yun!" Deri-deritso nitong sabi at pinagkadiinan pa ang mga salita, walang bahid na kalokohan, totoong seryoso sya at batid kung hindi nya na nagugustohan ang mga pinag-gagawa ko. "At kahit pa maghubad ka sa harapan nya... Hinding hindi lalabong ang tanim nya dahil hindi ikaw ang makakadilig non! Ka fencing ang hanap noon gurl at hindi basketball ring!" Dagdag singhal nito.
Ngumoso naman akung napabuntong hininga sa sinabi nya, nawawalan na nangpag-asa. Tama si Isabel, dapat ko nang itigil ang kahangalang to, huling taon na namin to at gagraduate na kami pero ni isang beses- Hindi parin ako nakakapag boyfriend sa subrang faithful ko sa lalaking hindi paman ay alam ko nang wala na talaga akung pag-asa, sadyang pinipilit kulang talaga.
Clendon babe ko... hindi ko kaya...
Napahugot uli ako nang napakalalim na hininga sa naiisip, may kung anung kirot sa dibdib kung dahilan upang makaramdam ako nangpagkapahiya, hindi lamang sa lahat nang nakakaalam kundi maging sa sarili kung tila nalulung sa masamang besyo at ngayon lang namulat sa kahangalang nagawa ko.
"Yuh... I think kailangan ko na talagang tumigil Isabel, kahit mahirap ." malamya kung tugon at bahagyang bumuntong-hiningang tumongo.
"No." Sambit nito.
"Oo na nga gurl... titigil na ako" suhistyon ko na naka tungo parin at bahagyang nagpalubo nang bibig, parang bata.
"No...way..." mahinang pag-uulit niya tila hindi makapaniwala.
"Tama ka naman e, masyado na ata akung nalunod sa besyo at ngayun kulang na realized na 3 years talaga ang nasayang ko gurl NBSC tuloy ang tyahin mo" deritsong tugon ko pa.
"No... Freaking... Way." Pag isa-isa nyang sabi hindi parin makapaniwa na tila ba napakalaking rebilasyon ang narinig.
"Ang OA nang rea-" napatigil akung nag angat nang tingin sa kanya nang makitang hindi ako ang tinitignan nya, dahilan para kunot-noo akung mapalingon sa aking likoran at matigilan.
Kasabay nang mga ungol at tili nang aming mga kaklase, magkahalong gulat at kilig ang nangingibabaw sa mga mukha at tinig nila ay sya namang pigil ng aking hininga nang makita ang isang Clendon Valendez na subrang lapit at nakatungong tumitig deritso sa aking mga mata at may hawak pang bouquet at chocolate na nakapaloob sa isang hugis puso na box.
" It always seems impossible until I feel it, until I fell for you" Mahinang sambit ni Clendon dahilan upang mahugot ko ang hininga.
Nasalubong ko ang mga titig nya, palipat-lipat ang tingin ko sa magkabilang mata habang bahagyang napamaang, hinahanap ang kasiguraduhan.
"Tell me this isn't happening..." Dinig kung sambit ni Isabel ngunit hindi namin binigyang pansin maging ang mga nanunukso at nagugulat na mga tingin at tinig nang mga nakapaligid sa amin.
"Aizzle Greil Montemor, will you be my babe for real?" Matamis ang ngiti at napaka lambing nitong tanung sakin.
Iwan ko ba, maingay, madaldal at maraming nasasabi naman ako sa maraming bagay, ngunit parang napipi ako sa sandaling ito. Umurong ata ang dila ko at naiistatwa, hindi pakapaniwala sa mga nangyayari.
Yawa man diay ko!!! Shit shit Lord thank you!!!
Hindi ko alam kung tama ba ang nahihiyaw ko sa isip, pero sa ngayun isa lang ang alam ko, subrang saya ang bumabalot sakin ngayun.
Not Yours
All rights reserved..
©UDon't1naKnow

BINABASA MO ANG
Not Yours
RandomSkipping, that's all we needed. Especially when everything you thought was real, was yours, is Not Yours at all. Why can't we just jump in duly? Yours Trilogy #1 (On Going)