Yani's Point of View;
Weekends ngayon at walang pasok. Actually late nakong nagising. Sinadya ko talaga para mabawi yung tulog ko.
Mabuti na lang hindi ako ginising ni Mama. Sabagay wala na mang pasok kaya Free ako matulog kahit anong oras.
I check my phone, and 10:07 am na. Bumangon na ako, niligpit ko na rin higaan ko. Na ligo muna ako bago lumabas ng kwarto.
"Good morning Mom". Masayang bati ko kay Mama.
"Good morning din anak". Naka ngiting bati niya.
"Hinanda ko na rin ang agahan niyo, hali na at kumain na tayo". Si mama habang hinahanda ang almusal namin.
"Si kuya po Ma?". Tanong ko pa habang papalapit sa sa lamesa.
"Baka na sa kwarto niya, tawagin mo na ng tayo'y maka kain na".
Pumunta ako sa kwarto niya para yayain siya, para sabay na kaming kumain.
Kinatok ko muna ang pinto ng kwarto niya. Mag kaharap lang ang pintuan ng kwarto namin nasa kanan siya at sa kaliwa naman yung kwarto ko, malapit ang kwarto namin sa kusina.
"Naka bukas yan". Dinig kong sabi niya. Tsaka ako pumasok sa kwarto niya.
"Kuya gumising kana diyan". Malakas kong sabi.
"Gising na ako, na una pako sayo". Saad pa niya habang hawak-hawak ang cellphone niya.
"Este! Bumangon kana diyan, hali kana, kakain na kuya...". Hinahampas ko siya ng unan.
"Oo na". Maikli niya sagot saka sabay na kaming lumabas ng sa kanyang kwarto.
Kumakain kami ng walang kibuan, ng nag salita na si mama.
"Wala na tayong grocery, kayo na munang dalawa mag grocery". Sabi pa ni Mama.
"Si bunso na lang ang mag go-gorcery Ma". Saad pa ni kuya.
"Hindi samahan mo kapatid mo".
"Ma malaki na siya, kaya na niya yan".
"Ok lang ma para naman maka gala ako". Sabi ko pa.
"Mag pa sama ka sa kuya mo, baka ano pang mang yari sayo".
"Kaya ko na po sarili ko Ma".
"Sige ikaw bahala".
"Ikaw Kairo tulongan moko mag linis ng bahay dito".
HAHAHA! Buti na lang ako mag grocery mas ok na yun kesa tumulong kay mama na mag linis ng bahay.
"Ma... Samahan ko na lang si bunso". May ngiti pa sa mukha niya.
"Hindi tulungan moko dito mag linis".
"Kaya nga kuya tulongan mo si Mama". Sabi ko pa saka ngumisi sa kanya. Inis niya kong tinignan.
Tapos ng kumain si Mama. Kaming dalawa na lang ni kuya ang na iwan sa lamesa.
"Sabing samahan moko Eh HAHAHA!! yan mag linis ka dito". Pang asar ko sa kanya.
Hampasin niya sana ako ng kutsara ng nag sumbungan ako kay Mama.
"Ma si kuya oh! Ayaw niya daw mag linis". Malakas kong sabi, para ma inis man lang siya.
"Bilisan niyo na diyan kumain dalawa". Sabi pa ni Mama na sa sala siya nag wawalis.
"Kuya tapos nako kung kumain. Ikaw na mag ligpit nito". Tumayo na ako saka ngumisi sa kanya.