5

439 11 8
                                    

THIRD PERSON:

 “Ang tagal mo” saad nito habang nakaupo sa isang sulok at may nakasubo na lollipop sa bibig.

“Sensya naman. Nag iingat lang. Baka may nakasunod sakin. Mahirap na!” sagot naman ng taong pumasok sa loob ng silid “Hindi pa ba gising yan?” pagpapatuloy nito.

“Hindi pa nga eh! nakakainip na huh!” tumayo ito at tumungo sa babaeng nakatali sa isang upoan. Minasdan nito ang mukha nito. “Tsk… Sayang ka!”

“Sigurado ka ba sa gagawin natin?”

“Bakit naduduwag ka na kapatid?” nanunuksok tanong nito sa kausap

“Pweeh!! Pwede ba. Wag na wag mo akong matawag na kapatid. Nakakadiri”

“Hahahahahaha……….. Hindi ka pa din nagbabago”

Ngunit irap lang ang sagot ng kausap nito.

“Hmmm….Hmmmm…”

“Mukhang gising na siya” sabi nito habang nagtatalon sa tuwa

Dahan-dahan siyang dumilat at pilit na inaaninag ang paligid.

“Hi” habang niwewave ang mga kamay nito sa babae

Nang maging maliwanag na buong paligid at bumalik na sa ulirat ang babaeng nakatali ay hindi nito maiwasan ang makaramdam ng pagkabigla sa nakita niya.

“Ano ginagawa ko dito??? s..sa..saka bakit ako nakatali?”

“Yehey!!!!! Gising siya… Gising siya…” pumalakpak pa ito

“Anong ibig sabihin nito? Cy…Lee…” maotoridad na tanong nito

“Tsss… Pwede ba? Wag mo nga kaming tawagin sa pangalan na yan. Nakakasuka lalo na pag kaw ang nagbabangit”

“Tama..Tama.. Hindi na yan ang pangalan namin ngayon”

“Kung ganoon. Anong dahilan ng pagkakatali ko dito?” matapang na tanong nito sa dalawang taong harapan. Ni walang bakas ng pagkatakot o kaba man lang “Wag niyo sabihin na gagawin niyo sakin ang ginawa ko sa babaeng yun” pagpapatuloy nito

“Hmmmm….Sinong babae?? Hmmmm… Ahh! Romadel ba ang tinutukoy mo?” pagtatanong nito

“Come on Cy.. Kilala kita. Ako ang nagpalaki sa inyo ng kapatid mo diba? Ako ang humubog sayo maging ganyan. Hahahahahahaha” pagmamayabang nito

Nag smirk lang ito at nagsalita “Alam mo Ma’am Emmie.. Este ATE Emmie matagal ko nang gustong gawin to sayo. Kaya lang” lumakad ito papalapit sa kanya “Wala kong dahilan.. Pero ngayon….MERON na!” pagkasabi nito ay nakaramdam ng sakit sa bandang tailiran si Emmie. Nilingon niya ito at nakita niya ang isang pares ng gunting na nasasaksak sa katawan niya

“Hahahahahahaha… Masarap ba sa pakiramdam Cy?” panunudyo nitong tanong. Hindi mo mababakas sa pag mumukha nito ang takot kahit na alam na niya kung saan hahantong ang lahat.

“Hindi” sabay hugot ng gunting “kasi kulang pa!” sunod sunod na pagsaksak ang ginawa nito sa bahaging tiyan ni Emmie.

“Ahhh…Ahhh…Ahhhh” tanging sigaw at pagtalsik ng dugo ang maririnig mo sa loob ng silid

“Mag makaawa ka!” sigaw ni Cy na galit ang mababakas sa mga mata

“Hahahaha” tumawa lang si Emmie habang sumusuka ng dugo “Hindi ako magmamakaawa sayo” sumuka ulit ito ng dugo “Ako ang naghubog sayo na maging hayok sa dugo at pagmamakaawa ng bibiktimahin mo diba?? Kaya hindi ko ibibigay sayo ang pleasure na gusto mo.” Pagkasabi nito ay tumawa ito ng bahagya kahit na naghihina na ito sa sobrang sakit at dami ng dugo na nawawala

STUDENT's NOTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon