8

280 13 13
                                    

CLYTE:

“arrrrgggggg!!!” dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko

“Shhhh…Wag ka muna kumilos” naramdaman ko na may umalalay sakin para makabalik sa pagkakahiga ko “okay na ba ang pakiramdam mo?” tanong niya

“Oo. Pasensya na. Ano nga pa lang nangyari?” taka kong tanong sa kanya

Ngumiti naman siya bago sumagot “sumakit lang ulo mo kaya dinala kita dito sa clinic”

“ahh. Sumakit na naman ba?” tumango naman siya. Sa totoo lang, matagal ko ng iniisip kung bakit madalas ang pag sakit ng ulo ko ngayon. Hindi naman ako ganito dati.

“gusto mo na bang umuwi?”

“pwede na ba?”

“Oo naman. Saka nakauwi na din ang lahat” inalalayan niya akong tumayo at inayos ang gamit ko saka kami tuluyang lumabas ng silid. Nagpaalam na din kami sa nurse na nakaduty doon.

“Bakit nandito pa kayong dalwa?” napalingon ako sa taong nagtanong samin

“Nako Miss, sumama po kasi ang pakiramdam ni Clyte kaya pinag-pahinga ko po muna siya sa clinic” sagot naman ni Jed

“Ah. Ganoon ba! Ohh siya, umuwi na kayong dalwa at hapon na malapit nang magsara ang school” pagpapatuloy nito

“Opo. Miss”

Lumakad na kami papalayo sa kanya

“Clyte!” tawag niya sakin

“Yes miss??”

“mag-iingat kayo” yun lang at tumalikod na siya.

Dire-diretso naman kaming lumakad at umuwi.

“Hindi ka pa ba uuwi?”

“Mamaya na, aanatayin ko muna na dumating ang mommy at daddy mo. Ayoko iwan ka mag-isa dito baka sumakit na naman ang ulo mo” sagot niya sakin

Hindi ko alam pero may kung anong hayop ang gustong kumawala sa tiyan ko. Bigla ding bumilis ang tibok ng puso ko kaya naman naramdaman ko ang kakaibang pag sikip ng dibdib ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko??

“Clyte??? Okay ka lang?? Bakit namumula ka? May masakit pa ba sayo?” pag aalalang tanong niya sakin

Dalian naman akong umiiling at yumuko. Tama ba tong pakiramdam ko???

“Bakit ang bait-bait mo sakin?” tanong ko sa kanya

“Diba sinabi ko na sayo dati na magkakababata tayo kaya naman ganito ako sayo?” bahagya siyang lumapit sakin at hinawakan ako sa balikat

“Kababata???” bakit ng marinig ko ang salitang yan ay may kakaibang kirot sa puso ko? bakit biglang sumakit?? Hindi ko na maintindihan to. Tumakbo ako papunta sa silid ko at dumamba sa kama ko. Naramdam ko na lamang  ang likidong dumadaloy sa pisngi ko. Bakit ako umiiyak?? Bakit ganito nararamdaman ko??

Hinawakan ko ang dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang sakit.

Kababata.. Kababata.. yun ang dahilan kung bakit napaka bait niya sakin. mahal niya ko bilang kababata. Kaibigan. Kapatid. Kapamilya. Yun yun. Yun lang yun.

“Arrrrrggggggggg!!!” sigaw ko.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? tuloy-tuloy pa din tumutulo ang mga luha ko.

“Clyte????” narinig kong tawag niya mula sa labas. “okay ka lang ba??” gusto kong sabihin na HINDI. Gusto kong isigaw na MASAKIT pero hindi tama. Mali. Mali ang nararamdaman ko.

STUDENT's NOTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon