PROLOGUE

269 4 0
                                    

Nakakamangha naman ang ganda ng Manila!

Napakagat ako sa labi ng pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko.Siguro ay sa buhok kong ginto na napaka haba hanggang talampakan..May suot akong pink dress offshoulder na hanggang tuhod.Nabili ko lang ng makababa sa bus na sinakyan papunta dito.Bitbit ang aking malaking puting tote bag.Maghahanap ako ng matutuluyan.

Nakataas at madaming kalorete sa buhok ang bumungad sa akin ng tumawag ako sa bahay na may na ka pastel na Room for Rent.Pinagmasdan niya ako ulo hanggang paa at pinunas ang kanyang kamay sa kanyang daster.Malusog ito at amoy maaasim!.

"Available pa po ba yung Room for Rent niyo."mahina kong sabi at napahigpit ang kapit sa aking bag.Hindi kasi ako sanay na makipag-usap sa tao.Tingin palang nila ay hinuhusgahan na nila ako sa buhok ko.

"May pambayad ka ba?."mabilis akong tumango.

"Isang taon na po ang aking babayaran kung sakali."nagliwanag ang mukha niya at mabilis akong pinapasok sa loob.Bumungad sa akin ang napakaingay na paligid.Mga babaeng nakashorts na sobrang ikli at kita ang mga pusod.

Tiningnan nila ako at napaiwas ako at sinundan ang babae.Pero ramdam ko pa din ang tingin ng mga babae doon.

Tumigil kami sa pinakadulong kwarto na may itim na pintuan at binuksan.

"5,000 per month ang bayad dito hindi ka naman magsisisi at sadyang maganda ang kwarto at may balkonahe.Ito ang kwartong pinakamaganda dito.Ang mga nakita mo kanina ay magkakasama sa iisang kwarto at mga walang pambayad!".pagsasalita nito.

Pumasok ako at pinagmasdan ang kwarto.Maganda nga at hindi luma katulad ng kwarto ko sa probinsya.May queen size bed ito at may punda may cover na puti.May dalawang unan at may sidetable.Mayroon ding puting malaking cabinet at sliding door na papuntang balkonahe at may roon ding banyo.

Napatango ako."Magbabayad na po ako ng isang taon."kuminang ang mata niya tumango tango.

"Kung ganon sa aking opisina natin pag-usapan..."

Nanatili ako doon ng isang linggo at namili ng mga pagkain ko sa malapit na may nakalagay sa taas na 7-eleven.

Sanay na ako sa pagpapasada ng tingin ng tao saakin at pinag sasa-ambahala ko nalang.Hindi ko akalain ng isang araw na lumabas ako sa aking kwarto ay may lumapit sa aking nakajogging pants at tshirt at nahihiyang ngumiti sa akin.

Siya lang siguro ang bukod tanging maayos ang suot sa mga babaeng narito.Nakahalf ponytail ang maiksing hanggang leeg niyang buhok.Maputi siya at medyo matangkad sa akin ng kaunti.

"Hi!Im Pauline..."paglalahad niya ng kamay at tinanggap ko naman kahit hindi ako komportable.Ngumiti ako.

"Ruspel..."ang inimbento kong pangalan ko na nakapinta sa aking siko.

"Nice meeting you,Ruspel,"tumango lang ako.Natawa siya.

"You shy..Okay..Uhmm we can be friends para naman may kausap ako.Pansin ko din kasi hindi ka nalabas ng kwarto mo and i dont like the atmosphere of others here ikaw lang ang sa tingin ko ay matino.By the way im also new here pinalayas ako ng tigre kong nanay.Lumayas ako!Ako pa tinakot nila!."mahabang pagkwekwento niya.Nakinig lang ako sa mahabang pagkwekwento niya habang hawak niya ako sa braso at hinila sa labas.

CLAIMING THE WAVES BEAUTYWhere stories live. Discover now