Chapter 1

0 0 0
                                    

"Is that what you've got, Agent 17?" nagtangis ang bagang ko nang paulanan ako ng suntok sa tiyan ni Commander Mori.

Sa limang oras ba naman na iginugol ko dito sa training area, natural naman na matatablan din ako ng pagod. 5 hours of training isn't that bad kung hindi ako isinabak kahapon sa kaparehong training.

Bugbog sarado na nga ako kahapon sa halos isang araw kong training, ngayon naman hindi man lang ako pinagpahinga.

What do I expect? All the authorities here are mercilessly cruel. Kung hindi kondisyon ang katawan mo, either mamatay ka sa training o gugustuhin mo na lang mag bigti para isahang paghihirap na lang. In my fucking case, I have no choice but to finish this training without giving up.

I was still 1 year old when this organization adopted me and made me part of this family, the AGENT FAMILY. Funny how these trainees do have different perceptions and goals as they nearly kill themselves for trainings. Some of them wanted to get revenge, others wanted to be validated, at ang iba naman ay gustong makatulong sa mga naapi.

Habang ako?

Wala.

Wala namang direksyon ang buhay ko. Wala akong pangarap kasi hindi naman tinuturo ng organisasyong ito na mangarap ang bawat Agents nila. Yes, we do have a chance to learn. Pero hindi para magkaroon ng pangarap paglaki. This Camp only taught us how so survive on a deadly missions, how to defend one's self, how to make and defuse bomb and to use guns and other deadly weapons.

To sum up, we are just weapons and instruments for this Organization to stood firmly in few more years. Pero isa lang ang hinahangaan ko sa organisasyong ito... they are willing to help the people in need specially for security purposes.

This organization would send agents to monitor, to kill and to stop any illegal and business transactions na againts the law.

No, this is not governmental organization. This Camp was totally an NGO. No one knows this place except the board members and the founder that is still unknown.

Kung tatanungin ako tungkol sa buhay ko, mahihiya akong sumagot... because I don't even know important details about myself. Isa lang ang alam ko, labin walong taong gulang ako. My nationality? I can't even figure it out. Some of the agents said that I look like japanese. Ang iba naman, mukha raw akong half american and half filipina.

Ewan ko. Basta buhay ako, ok na'ko.

The higher authorities said that my parents were killed by Yoggana, the clan that I hated the most. Ever since I was a kid, I've been rooting for their death. But it was not the reason why I've been training hard. Mababaw lamang ang dahilan na 'yan para sayangin ang buhay ko para sa training. Perhaps, I still have enough reason why I remained active in this oragnization... or maybe, I just don't have any choice.

"Focus!" Commander shouted as I lost my balance while dodging his attacks.

That's it. We're like a pet trying to follow all of the commands that was given to us. We're being dictated. Fuck this.

Perhaps his last word became my signal para ganahan at tumayo. Wala lang, nag-init lang ang pakiramdam ko at gusto ko na lang siyang patayin sa mismong kinatatayuan niya.

Itinukod ko ang siko ko at agad tumayo habang tinitigang mabuti ang buong pagkatao niya. Napaatras siya ng bahagya saka ako ngumisi ng palihim.

One stare, and you're shaking, Commander.

"Fuck" i heard his curse as I gathered all my remaining strengths to attack him.

I have nothing in my hand, habang may dala naman siyang dalawang patalim na inihiwa niya sa magkabilang braso ko.

I didn't used any weapon. Purong kamay at paa lamang ang gamit ko habang panay naman ang ilag niya.

Nag ngitngit ako sa inis nang mailagan niya ang huli kong suntok. But that doesn't mean na wala na akong sunod na atake.

Hinila ko ang kamay niya saka siya binalibag sa pader pero ang gago, nakatayo pa rin at nakangisi pa.

He punched my face kaya napaatras ako. Nang magkaroon ng kaunting distansya, I kicked his head and immediately punched his stomach na hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pagbuga niya ng dugo.
basta-basta magpapatalo ang isang Commander. I sense him behind me kaya agad kong ginamit ang paa ko para sumipa bago sumampa sa kanya at ipinulupot ang paa ko sa leeg habang hawak ang dagger na nabawi ko na nakatutok sa leeg niya.

"Fuck you, Agent 17" he tapped my foot, a sign of defeat.

"Thank you, Commander. Practice well, baka pag nagkatuos ulit tayo, matalo mo na ako"

Saka ako humalakhak.

I grabbed my towel as I head towards the washing area. Gusto ko na lang matulog dahil sa pagod. Bukas wala akong training sa hindi ko malamang dahilan. Himala nga at nagkaroon ng konsiderasyon. Kung sakali mang magkaroon nga ako ng training bukas, 'yan na siguro ang unang pagkakataon na mapatumba nila ako. I've never been defeated.

Ang sabi ng karamihan sa mga kasamahan ko, I'm the strongest female Agent that this organization has. I can deal with both men and women. Wag lang akong isabak sa hilahan  ng buhok serye dahil paniguradong talo ako.

I was walking back to my room nang tawagin ako ng informant. Napa irap ako dahil alam ko na naman ang pakay niya.

"Pinapatawag na naman ba ako?" tanong ko, inunahan ko na.

Kamot batok siyang tumango. I sighed in frustration. Akala ko pa naman, makakapagpahinga ako ng mas maaga.

Alas singko na ng hapon kaya marami ng Agents ang umuuwi sa kani-kanilang mga silid. May mga bata, pero mapapansin mong binuklod ang mga lalaki at babae. Sa kabilang building sa medyo may distansya sa building na tinutuluyan ko ngayon, doon namamalagi ang mga lalaki.

Kahit pagod na pagod na ako, pinilit ko pa ring makapunta sa 8th floor ng building, doon ang conference room.

Pagkadating ko roon, bumungad sa'kin ang mukha ng mga pamilyar na tao. They're from different divisions at iilan lang din ang kilala ko personally dito.

I sat beside an old man, the seat that was intended for me kasi 'yun lang naman ang bakante. I didn't feel anything. Like I was alread used to this scenario. Lagi naman, wala ng bago.

Tumikhim ako, to ease the confusion that is starting to build inside me.

'Bat ako lang ang nag-iisang agent dito? 'Bat puro with high authorities ang nandito?

"You're turning 18 in 5 months" the old man stated . Simple words pero nagbigay ito ng matinding epekto at kaba sa'kin.

Kung normal lang na babae, siguradong matutuwa dahil pinag-usapan ang darating na birthday. But in my case, bukod sa hindi ako siguradong birthday ko talaga dahil wala naman talaga akong alam sa pagkatao ko, alam kong nakahanda na ang una kong misyon. Putangina, wag naman sana.

"You'll be handling your first ever mission in next 2 weeks. Weather you like it or not, you will follow the higher authorities' command. You are bound to do this. We asked your presence here to inform you about your first ever assignment. You will be called again to prepare you prior doing it in actual. Dismissed"

Am I a pet? Yes, obviously. 'Bat pa ako magtataka? Mag lalabin walong taong gulang na ako kaya expected na dapat na pinaghahandaan na talaga ako nilang isabak sa misyon.

Ang pinagtataka ko lang, 'bat ang aga? In next 5 months pa ako mabi-birthday. Kadalasan naman, ang ibang agents kinakailangan pang tumuntong ng 18 para magkaroon ng misyon.

What's with you, Camp Heitron.

The Agent 17Where stories live. Discover now