"Lola sigurado ka ba na school talaga to?" Tanong ko kay grandma. Dahil kanina pa ako nagtataka bakit sa gitna ng gubat ay may nakatayong malaking building, kung building nga to, para kasing palasyo. Sabi ni lola dito daw ako mag aaral simula ngayon dahil kailangan ko daw matutunan kung panu gamitin ang kapangyarihan. Pero hindi ko talaga alam kung naka drugs ba si lola sa sinasabi niyang kapangyarihan. Oh well wala na akong pakielam kung totoo man yun o hindi, sabi kasi ni lola dito ko daw matututunan kung paano ipagtanggol ang mga mahahalaga sa buhay ko. Bata pa lang ako madalas na akong sabihan na malas ako. Nang dahil sa akin namatay ang mga magulang ko, lola ko na lang ang kasama ko kaya hindi ko na mapapayagan na mawala siya sa akin.
Pagtingin ko sa malaking gate ng school na to. May iilan din na kasama namin naghihintay, 6:52 na ng umaga sabi ni lola mga 7:00 pa daw binubuksan ang gate.
"Apo, kahit anung mangyari isipin mo na mahal ka namin. Ang mga magulang mo siguradong proud sila sayo. Kaya wag mong iisipin na malas ka ha. I love you Ezra." Napatingin ako kay grandma, hindi ko alam pero parang may mali sa kanya, iiwan na din ba niya ako? " I love you too lola, Bakit ganyan ka magsalita? Iiwan mo din ba ako? "." Hindi apo, mamimiss lang kita" ngumiti si grandma,dun lang ako napanatag. Alam kong hindi niya ako iiwan. "Bakit ba kasi kailangan ko pa dito magdorm. Pwede naman ako umuwi na lang sa atin" Tiningnan lang ako ni lola. Alam kong wala na akong magagawa. Nabaling na lang ang tingin ko sa gate, nagsisimula na itong bumukas , nakita ko na ang mga kasama ko na pumipila sa harap ng gate " "Oh pano apo, kailangan ko nang umalis, mag iingat ka" Umoo ako kay lola at nagsimulang maglakad papunta sa gate at sa huling sandali tumingin ulit ako kay grandma, ngumiti ako sa kanya bago siya mawala sa paningin ko. Iingatan kita grandma..
Nakita ko ang isang lalaki na nag aasikaso sa mga studyante, may ibinibigay yung mga studyante na transferri slip, yun yung binigay sakin ng principal ng school na pinangalingan ko. Tapos ipapasok ito sa parang machine at magiging ID na. Woah ang galing.

BINABASA MO ANG
BLEACH ACADEMY
FantasiaIsa lang naman siyang babae na walang pakialam sa mundo. Mas gusto pa niyang makinig na lang ng musika. Ang bagay na lagi niyang kasama. Siya si Ezra Colline Asuncion. Isang babaeng transferee sa school na buhay ang labanan.