1

15 5 0
                                    


Itong linggo na 'to malalaman ang section namin. Agad kong tinawagan si Warren, bestfriend ko. Para sabay naming titignan ang section namin. Nakakakaba naman.

"Pim! Ano kaya section natin taena nakakakaba naman please lang sana wag ko siya maging kaklase!" hindi ko alam kung naintindihan niya sinabi ko sa sobrang lakas at bilis ko mag salita. Aware naman ako na maingay at madaldal ako. Pero sa labas ko lang yun napapakita.

"Tangina kaaga aga ang ingay ingay mo letse! Ano ulit sinabi ko? Ambilis bilis mo mag salita! Armalite kaba Chloe ha!" Natatawa nalang ako sa boses niya, gantong ganto si warren pag naiinis na, daig niya pa si mama.

"Ay sorry ha? Nakakakaba lang naman kase malay mo kaklase ko si Jerry! Anong gagawin ko pag kaklase ko siya?! Legit talaga pim gosh pag kaklase ko siya di ko knowings gagawin ko baka mag habol ako kahit alam kong malabo pa sa malabo niya akong balikan!" sunod sunod kong sabi kay warren, inopen niya ang cam niya at nakita ko siyang nakakunot ang noo.

"Gago ka kadaldal mo! Sana nga kaklase mo! Ano oras ba ipopost yun? Check ko nga wait!" nakita kong may chinecheck si Warren kaya naman pumunta ako saglit sa ref para mag hanap ng makakain. Nakita ko ang oreo kaya kinuha ko ito at dinala sa kwarto.

"Oh shit 103 ako Chloe! Ikaw ano ka?" nagtatakang tanong sakin ni warren.

"Tao bestie!" Nang icheck ko ang akin nanlaki mata ko at

103 din ako

"Hoy gago ansaya! 103 din ako mag kaklase tayo bobo! Omg ansaya." tatawa tawa kong sabi kay War.

"Nagchat si Jed sakin sila daw nila Roland, Sean, Earl 103 daw! Reunion ba ito ng section natin nung Gr. 7?! Sayang di tayo face to face" ilang oras pa bago kami matapos ni war sa pag uusap. Ilang saglit lang naisipan kong magchat sa Puyots para tanungin kung ano number ng section nila.

PUYOT KAMING LAHAT DITO
You sent a photo.

Chloe Guevarra: Oy! 103 ako kayo?
Atazha Sonza: 104 ako, same kami ni alyana!
Patricia Dizon: 106 meh, kasama ko si aries hehehe.
Chloe Guevarra: Ay may pagpainggit! hope oil! E sila Jiro or Randy anong section?
Jiro Guevarra: Mag kakasama kami nila randy at aries chlo.
Alyana Lopez: Chloe may sinend sakin si Jb, Same naman kayo ng schedule so 103 din siya? yieeeeeee
Randy Martinez: Muling ibalik ang tamis ng pag ibig!

Napatulala ako ng mabasa ko ang sinabi ni alyana, totoo kaya yon? Sana hindi. Hindi parin kasi ako handa kahit 2 taon na ang nakalipas.


"Chloe, hindi ako ang makakaintindi sa ugali mo. Hindi tayo bagay. Kung hindi man ako ang forever mo makakahanap ka ng lalaking mas deserving sakin. Yung mas mamahalin ka. I love you babe,baby,love,mahal,baboy ko Salamat sa lahat" yan ang huling sinabi sakin ni Jerry bago ako tuluyang iwan.


Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung saan ako mag sisimula. Alam kong sobrang hirap. Alam kong sobrang tanga at rupok ko, naubos ako non. Sobra. Binigay ko lahat. Alam kong puppy love lang yun kasi mga bata pa kami, pero ngayon nakikita ko na na grabe pala akong magmahal lahat gagawin ko para lang sa taong gusto ko. Sa taong gustong gusto ko.

Lumabas ako at pumunta sa balkon, ang hirap ng ganito, sana sana hindi ko siya kaklase kahit alam kong online class lang naman. Tanga ako e, Sobra. Baka mag habol nanaman ako, kilala ko sarili ko. Kilalang kilala ko.


Isang oras din akong nakatulala at naiiyak nanaman ako, ang hirap ng ganito miss ko na si papa tas....gugulo nanaman sa isip ko si jerry, hindi pa ako nakamove on.

Bakit kaya nakakaya nilang mag move on? Bakit nakakaya nilang mag move forward? Ang hirap gawin non.

Siguro kaya mahapdi at masakit to, kasi childhood crush ko na siya. Ansakit sakit sobra.

TransfereeWhere stories live. Discover now