Pag gising ko ng umaga, agad kong kinuha cellphone ko. Nakita kong nagchat kagabi si Sunio kaya kaagad kong tinignan iyon.
Cesar Sunio: Chloe galit ka?
Cesar Sunio: Sorry na 'te prinank ko lang naman yung mga kaklase ko.
Cesar Sunio: Sorry te ha huhuhu.
Sino nga ba naman ako para hindi siya patawarin diba? Napahiya lang naman ako sakanya at sa mga kaklase ko. Hindi ko alam gagawin ko kagabi nung nalaman kong hindi siya sa SRCS mag aaral. Sa loob ng 2 linggong pag uusap namin ni Sunio nasasanay na akong kausap siya palagi. Nasanay na ako tapos ngayon di ko na siya kakausapin? Parang ang unfair para sakanya yun tapos hindi ko din alam kung paano tatapusin pag uusap namin. Okay lang naman sakin e.
Chloe Guevarra: Okay lang 'te nakakahiya lang at napahiya ako. Sorry din naniwala ako kaagad sayo haha.
Cesar Sunio: Sorry Chlo! Bawi ako, tara laro tayo?
Araw-araw ganyan set up naming ni Sunio laro lang lagi minsan Granny House nilalaro namin o kaya'y among us kapag hindi kami nag lalaro ng mobile legends, dumating yung time na may quiz kami at chinat ko siya.
Chloe Guevarra: Magaling ka sa math?
Cesar Sunio: Syempre!
Agad nagliwanag ang mukha ko, kasi sa wakas may tao ng tutulong sakin sa math, math pa naman kahinaan ko.
Cesar Sunio: Hindi HAHAHAHAHAHAHHAHAHA
Chloe Guevarra: Gago ka talaga!
Cesar Sunio: Pero mag civil engineer ako HAHAHAHA, bat mo pala natanong kung magaling ako sa math? Papaturo ka?
Chloe Guevarra: Oo sana may quiz kami e, hahahahaha!
Cesar Sunio: Ahh, mangopya ka nalang HAHAHAHA.
Napairap nalang ako at sineen nalang siya. Sabado naman ngayon sa Lunes pa naman yung quiz naming manonood nalang ako sa youtube. Sa totoo lang mas natututo pa ako sa Youtube kesa sa teacher namin. Mas komplikado pa sa teacher namin e.
Naglinis lang ako ng bahay buong araw at nanonood sila mama, ako na din nag luto ng tanghalian namin, nag pakabusy ako ngayong araw at hindi ko nahawakan yung cellphone ko. Feel ko pag weekends need ko mag socmed break, masyado ng toxic ang social media para sakin ngayon. Parang di nakakayanan ng powers ko. Pagkatapos kong naglinis at nag luto pinaliguan ko aso ko, si skye. Wala din naman na ako gagawin kaya pinaliguan ko na siya.
Nakaka refresh ng utak pag andito ako sa may garden lalo na't magaganda pa mga halaman ni mama kaya nakakahinga ako ng malalim. Pagkatapos kong paliguan si skye, pumasok na ako sa loob para maligo. Kailangan kong maligo dahil amoy aso ako. Nag toothbrush ulit ako bago lumabas. Paglabas ko nasa hapag na sila mama, wala akong gana kumain ngayon. Ewan ko din kung bakit.
Pumunta nalang ako sa kwarto at binuksan ang aircon, September na pala bukas, Malapit na birthday ko. Naalala ko nanaman yung hiling ko last birthday ko....
"Alam mo aqy, kahit iregalo lang sakin ni Jb na bumalik siya. Yun na ata ang pinakamagandang regalong matatanggap ko ang bumalik siya."
Natawa nalang ako ng maalala 'yon, ganon na ba ako katanga? Tangina.
Kinuha ko ang cellphone ko at chineck yon, pakshet.
Bakit di ko alam na may meeting pala kami ngayon para sa TLE? Chinat ko kaagad si Warren dahil Cookery ang specialization niya, orientation lang din ngayon dahil si ma'am lagman ay wala last meeting kaya ngayon ginanap. Actually buong august dapat orientation lang pero yung isa naming teacher nag pa quiz agad.
YOU ARE READING
Transferee
FanfictionChloe Guevarra is a strong independent woman. It was hard for her and for her family when the pandemic came. Will she still be able to face her problems even if Cesar Sunio enters her life? Cesar Sunio..... the man she thought was a new student in...