Chapter 10 New Beast

22 0 0
                                    

Nasha's POV

Nakakabadtrip. Sa lahat ng kidnapper na nakilala ko ang beastwood ang pinakamaarte. HAYST LIFE!

Kaartehan neto ni Kiel pawalk out walk out pa eh.

Okay naman tong si Arturo ah magaling nga to eh pero sa bagay baka kaya ayaw kase hindi naman talaga ang manalo ang purpose nila sa Dancezolar.

Pero kahit na eh hindi sila makakrating sa grand finals at makikita si Lewis Kors kung hindi nila gagalingan kaya pasok pa ren si Arturo, oo tama magandang alibi yun.

IJUJUSTIFY KO SI ARTURO SA NGALAN NG ARAW ARAW NA SUPPLY NG ICE CREAM. BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!

Hindi ako kuripot ah practical lang kahit maraming pera akong nakukuha sa trabaho ko di paren tama na gumastos ng gumastos ayaw ko namang dumating yung araw na mamulubi kame ng mga kuya ko. HINDI BAGAY SAKEN MAGING PULUBI HUH!

"OMG SISSY. You're not the leader naman pala of this group tapos you decide agad. Kawawa naman ang ego ni.... Uhmm who's that hot guy? He's the most handsome of them all pa naman tapos inaway mo."

WALANGHIYA TO SI ARTURO AKO HIRAP NA HIRAP MAGISIP KUNG PANO KO ILULUSOT SYA TAS SYA INIISP PA YUNG KALANDIAN NYA! HANGAL TALAGA KAHIT KELAN -____________________-

"Masama pa naman magalit si Kiel. Sya ang taong hindi mo dapat banggain." segunda ni Adam.

"He's a beast Nasha LITERAL" sabi ni Zach na talagang diniinan pa ang literal.

"And he's your worst nightmare" Indigo with matching tantalizing eyes pa.

"Lagot ka Nasha!" Kiefer na ginagalaw pa yung finger nya ng sign na 'Lagot ka'

"Seriously kiefs? Ang ganda ng mga litanya nila tas ikaw lagot lang ang sasabihin mo?"

"Hehe. Wala nakong maisip eh nasabi na nila" nahihiya nyang sabi sbay kamot sa batok neto.

"Natatakot ka na ba Nasha?"

"Tinatakot nyo ba ako Adam?"

"Hindi ah sinasabi lang namen kung bakit mo dapat katakutan si Kiel"

"So tinatakot nyo nga ako?"

"HINDI NGA!" Sabay sabay nilang sigaw.

"Kyaaaaaaaaaaaaaa Sissy ang kyut kyut nila-- aray! Makabatok naman eh my precious head"

"PINAHAMAK NA NAMAN AKO NG KALANDIAN MO ARTURO! KAYA TIGIL TIGALAN MOKO SA KAKATIHAN MO AH AT PAG AKO DI NAKAPAGPIGIL IPAPAKAMOT KITA SA TIGRE! AT KAYO WAG NYO KONG TINATAKOT DAHIL HINDI AKO NATATAKOT! ALIS SA DADAANAN KO!"

"Scary Nasha"

"HEH! DAPAT LANG MATAKOT KAYO TARA SA LABAS PUPUNTAHAN NATIN YUNG 'LEADER" NATENG PINAGLIHI SA SAMA NG LOOB!"

Lumabas ako ng tunnel vision at nakita kong nakasandal si Kiel kay Baby Cvette ko.

Tumikhim ako para makuha ko ang atensyon nya. Nilingon nya ko at nakita ko na naman ang poker face nya. Dapat ito yung ginawang music video ng kanta ni Lady Gaga na poker face kahit ipakita lang yung mukha ni Kiel the whole time panalo paren. -_-

"Kiel"

"What'"

"About sa kanina ano..... Ughm"

ANG HIRAP NAMAN NETO EH! BAKIT KASE DI KO TO MABULYAWAN WALA RIN NAMAN KASENG MANGYAYARI KUNG SISINDAKIN KO DAHIL HINDI NAMAN SYA NASISINDAK. KALMA LANG NASHA KAYA MO YAN. PARA SA ICE CREAM!

Alam ko anong iniisip nyo na ang babaw ko dyan kayo nagkakamali sa tingin nyo ba isasali ko yang baklang yan kung hindi ko sya mapapakinabangan. Tss. In the right time magagamit ko si Arturo.

"Kung wala ka ng sasabihin aalis nako"

"Ughhm.... Sorry"

"Say what?"

"SABE KO SORRY! AYAN NA NARINIG MONA! Aish naman. Ano sorry pero Kiel di ko naman gusto isali sa Arturo dahil lang sa Ice Cream di naman ako ganun kababaw. Di ba sabe mo saken nung kinuha nyo ko gusto nyo manalo sa Dancezolar? He can help us magaling si Arturo at alam kong alam mo yan."

"And what if he only join our group because he want to steal some steps at gamitin yun ng grupo nila?"

Okay nacorner ako dun ah. May point naman sya dun but on the other hand kaylangan paren makapasok ni Arturo!!! Arrrrrrrrrrrrrrrrrrrgh.

"I will never do that Mr. the reason why I want to join your crew is to dance with Nasha again. Matagal na kameng magkaibigan ni Nasha, we used to dance together when we're young but something happen and we parted ways. I never had the chance to dance with her again and now na nakita ko na sya ulit I will never let go of this chance to be with her. Siya na lang yung natitira saken."

I was shocked ng marinig ang boses ni Art. Nandun na pala sila.

Oh crap. I feel so guilty. Bestfriend ko si Arturo dati tama yung sinabi nya we used to dance together yun yung pinakabonding namen grade 3 kame nun palagi kameng nasa garden nila and we always dream to have our own crew.

Pero dumating yung time na naghighschool na kame magkaiba kame ng school nun at medyo madalang na kame magkita. 1st year ako nung nakilala ko si Firce at ang grupo nila sa sobrang gusto ko na makapasok sa crew nila ay nageensayo ako magisa. Lageng tumatawag si Arturo para mag-aya pero I always say na busy ako. Iniwan ko sya.

Papasok ako sa ibang grupo. Hanggang sa last call nya na pupunta na daw sya sa probinsya at dun na magaaral he said na maghihintay sya sa garden nila to dance with me bago sya umalis pero hindi ako dumating kasama ko si Firce nun nagpasama syang bumili ng bagong sneakers di ako makatangi knowing Firce is the Leader of the group, nagpapalakas ako sa kanya plus the fact that I am secretly inlove with Him. I chose to be with Firce than to be with Art on his last day after that I never saw Art again until today.

"Please Kiel" yun na lang ang nakaya kong sabihin dahil sobrang bigat na ng pakiramdam ko. I'm so rude back then.

Tumango lang sya ng at naglakad palayo.

Then I turned to Arturo. I hugged him tight.

"Sorry Art. Sorry"

"It's okay Sissy ano ka ba matagal na yun ang mahalaga you're my sissy na uli."

Kumalas ako sa yakap at ngumiti sa kanya.

"Awww. Group hug?" nakangising tanong ni Zach.

"Ay bet ko yan tara mga fafables group hug tayo!"

Binatukan ko si Arturo.

"Kalandian mo na naman eh!"

Nagpout lang ang loko.

Narinig kong nagbuntung hininga si Adam.

"Problema mo?"

"Kase Nasha buti pa sya nakiss ka na sa lips tas nayakap pa. Bakit ang unfair ng buhay?"

Nagulat ako ng ikiss ako ni Art sa lips at bumelat kila Adam.

"LIFE IS SO UNFAIR!!!" sabay sabay nilang sigaw.

"Gusto nyo kiss nyoko para indirect kiss kay Nasha? Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaa"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Kiss nyo daw si Art oh!"

Kanya kanyang alis yung apat habang hinahabol sila ni Arturo.

Naiwan akong magisa sa tapat ng kotse ko.

Napabuntong hiniga na lang rin ako.

Di talaga patas ang buhay. Palaging may masasaktan para magtagumpay yung iba. Palaging may magsasakripsiyo para may makakuha ng gusto nila.

Sorry Art dahil mukhang masasaktan na naman kita sa pangalawang pagkakataon. Sorry pero kailangan kita sa misyon ko.

A/N: So sabaw. Huhuhuhu. Madramang chapter! Omg madrama kase ako ngayon kaya yan ang resulta. Sorry sobrang tagal ng update kung may patamaran lang ng paguupdate panalo na siguro ako. Eh kase bakasyon magala si Author. Salamat sa mga nagtitiyaga. Sa inyo ata napunta yung sipag ko. Lols. Kbyeeeeeeeeeeeeeeeeeeee :*

She's on a MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon