Nasha's POV
Matapos nameng magbadingan este bonding ng mga kuya ko eh dumiretso nako sa Forbes. May pasok ngayon ang mga halimaw at syempre kailangan andun din ako.
Imbyerna lang dahil hindi ko mahagilap ang beastwood. Ang seye!!
Naglalakad ako sa may hallway habang tinitignan ang mga classroom ng may bumangga saken. Ang tanga naman oh! Nakakainis.
"Oh hi there miss!''
Tinignan ko kung sino ang nagsalita
Si Kuyang pinagbeauty rest ko sa hallway dahil bv ako nun at umepal pa sya.
"IKAW NA NAMAN? Di ka lang pala mahina tatanga tanga ka pa! Sayang ang binabayad mo sa gym walang kwenta laki ng katawan mo!"
Naigting ang panga nya sa sinabi ko. Halatado rin na nagpipigil sya ng inis. Hayup ka kase ayaw moko lubayan.
"Matalas talaga ang dila mo ah!"
"ABA OO NAMAN!! GUSTO MO GILITAN KITA GAMIT ANG DILA KO?"
Winner naman kase ang kumag na to. Umepal daw ba sa mga panahong buryo ako? Aba naghahanap ata talaga ng sakit sa katawan.
"Talaga? Sa tingin ko hindi mo na magagawa yun eh."
Tinakpan nya ng panyo ang ilong ko at di ko na alam ang sumunod na nangyare.
-------
Nagising ako sa marahas na pagtayo saken ng dalawang lalake na nakahawak sa magkabilang braso ko.
Dang!! Ano to kidnapp? Pero nandito kame sa gym ng Forbes at nakasarado nga lang ito.
"Hoy! Kung gusto nyo pa mabuhay bitawan nyo ko." Kalmado kong sabi.
Sino ba ang mga hampaslupang ito? Talaga naman love na love ako ng kapahamakan!!
LOVE YOU TOO DANGER :* To the moon and back, mukhang may forever kame ni Danger -____-
"Matabil ka nga talaga! Kaya ka napapahamak eh. Ginalit mo si Leo Vaughn. Wala pang babae ang nang gaganun sa kanya ikaw palang at mukhang matapang ka talaga ah. Sayang maganda ka pa naman."
Kung hindi lang talaga ako nanghihina dahil sa pinaamoy nila saken malamang kanina pa malamig na bangkay ang mga to. Wengya naman talaga ngayun pa kung kelan naiwan ko ang baril ko sa Lambo nagpalit ako ng kotse naiwan ko pala dun. IRESPONSABLENG AGENT. -.-
"AH SI LEO VAUGHN PALA YUNG PINATULOG KO SA HALLWAY. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH! PAKISABI BAKLA TALAGA SYA KAYLANGAN MAY RESBAK PARA MAKUHA AKO? MGA UGOK DI NYO KO MAPAPATUMBA!"
Bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Leo Vaughn, ang duwag sa lahat ng duwag kasama ang dalawa pang lalake. Bakla nga talaga ang hayop! Kaylangan may mga fafables! Wititit.
"Masyado kang maraming sinasabi. Eh kung bumigay ka saken nung araw na yun edi sana wala ka dito ngayon."
Tumawa pa sya na akala mo ay huling halakhak na nya. Tama yan sulitin mo na nararamdaman ko nang bumabalik ang lakas ko.
"Marami akong sinasabi kase meron akong sinabe eh ikaw andami mo na ngang sinabi wala ka paring sinabe!"
TIME! HAYOP TO KAKANUOD KO LANG NG LABAN NI SINIO SA FLIPTOP! ANO KA NGAYON SA REBUTTAL KO AH? DUROG KA PARE.
Mukhang nasagad ko na si Leo Vaughn Bekimon at akmang susuntukin na nya ko. Handa na kong pataubin ang may hawak ng mga braso ko dahil medyo bumalik na ang lakas ko ng may pumasok sa gym. Mga bobo gaganti na lang saken di pa inayos! Mabigyan nga ng tips ang mga to.
BINABASA MO ANG
She's on a Mission
RandomNasha the passionate dancer turns out to be a reckless daughter. And her way to make things right is to be a girl with a mission. Ang misyon na may package na 5 hot dancers at may leader na may katakot takot na mood swings. Her mission is to wreck t...