•Kiara's POV•
Balik normal naman ang lahat pagkatapos ng program na iyon at ito ako ngayon nakamukmuk sa upuan at iniisip kung sino ang maswerteng babae ang nagustohan ni Jayson at Tristan...ang swerte niya nagustohan siya ng dalawang gwapo...at di ako na krasbak dahil sa kanya...patayin ko kaya char lang pweding sakal muna tas sasaksakin ng dalawang daang beses tas pagbabarilin ng limampong libong beses tas tatadtarin ng pinong pinon at ipapakain sa asong gala...ang galing ko talaga mag plano bwahahahaha...pero hanggang sa isip ko nalang siya mapapatay ng unti unti dahil di naman ako mamatay tao no.
"Kiara!"-sigaw ng kung sino...tinignan ko naman ito ng bored...pero si Gerald naman ngiting ngiti...tinaasan ko lang sila ng kilay..
"May siniship kami! Dalawa tas kailangan namin ang opinion mo kung kanino ang mas maganda"- saad ni kyle tinignan ko naman siya ng 'oh-tapos-look'
"Tapos kung sino ang mapili mo sa dalawa ay siyang panalo!"-napa 'ahhh' naman ako...
"Ito na yung name ng ship namin"-napakunot naman ako ng noo...
"May ship kayo?"-tumango naman sila...kaya napa 'ahh' naman ako...sana all yayamanin may ship sila sana ako din..para makapaglayag sa gitna ng karagatan hayst
"Oh anong pangalan ng ship niyo?"- bored kong tanong..
"Sa amin dito sa Section V ay TriAra! Tas sa Section H at E ay JaRa....so saan ka nagagandahan?"-sabik na sabi ni Hanz...di ko panga nakikita ang ship nila eh tas nagagandahan agad? Ay baka sa pangalan lang ang bobo mo selp pano mo ipapasok ang ship dito sa school?
"Maganda yung TriAra pero maganda din naman yun JaRa eh ewan ko nalilito ako kung saan ako nagagandahan talaga...tsaka na siguro pag nakita ko na at nasakyan"-saad ko..kumunot naman ang mga noo nila at yung iba napaface palm tas may iba din na ginugulo ang buhok...eh? Problema nila? Ship nga diba barko yun sa tagalog bobo lang?
"Oh bat ganyan ang mukha niyo? Tama naman ako eh pano mo masasabing nagagandahan ka kung pangalan lang ang alam mo diba dapat sakyan mo muna bago mo masabing maganda ang ship niyo? Wag nga kayong bobo tss...makalayas na nga baka hawaan niyo pa ako ng kabobohan eh"-saad ko at kinuha ang bag tas umalis sa section na iyon..
•Kyle's POV•
Ampaka slow bobo ng babaeng yun anong akala niya masasakyan niya ang dalawang yun?! Amputa lang ah tas may gana pa siyang sabihin na bobo kami at baka mahawaan namin siya abat ipatapon kaya kita sa lalaking di ka gusto para masaktan ka bwahahahaha
"Akala niya siguro barko yun"-saad ni Hanz napatango naman kami..
"May pagkaslow pala yung huguterang yun?"-saad naman ni Gerald na nakakunot ang noo.
YOU ARE READING
The Only Girl In Section V
Teen FictionThis story is a originally made by me the author and this story is a bit messy because of the plot ... Hope you all Like this!