•Chapter 3•

336 23 0
                                    

•Kiara's POV•

     Pagkatapos ng nangyari kanina ay umalis nalang ako dun at t-next si Jane na kunin niya nalang yung pagkain niya sa counter dahil nawalan ako ng gana dahil sa nakaaway ko kanina nakakabwesit kasi eh tsk... makapunta na nga lang sa room... Mabuti pa doon kasi binubwesit ka na di ka parin mabubwesit dahil sa mga mukha nilang pinaglihi sa unggoy...

     Habang naglalakad ako ay may napansin akong kumpulan ng studyante parang may binubully ata eh... at dahil may pagkachismosa ako ay pumunta ako dun...

     Sumingit naman ako sa mga studyante at dun nakit ko yung nerd nalalaki  na binubully ng limang lalaki din tsk... Kawawa naman to ang gwapo pa naman... Hayst

     "Stop it"- malamig kong sabi... tumigil naman sila at sinamaan ako ng tingin pero di ko nalang yun pinansin at tinulungan na tumayo ang lalaking nerd na ito... Kung makasama ng tingin ah ano kayo gwapo? Eh mga mukhang tae naman kayo hmp!

     "S-salamat"- utal na sabi niya... kita ko naman yung mga pasa na nasa pisnge niya... yung uniform niya na gusot na... pero bat ganun gwapo parin siya huhuhuhu bakit pinagpala tong nerd na to?! Bakit yung mga classmate ko hindi?!!

     "Hoy babae! Sino ka ba?!"- sigaw nung matabang lalaki tsk... tinignan ko lang siya ng malamig at nginisihan ng malademonyo... kita ko namang napaatras siya... Oh ngiti palang yan takot kana pano pa kaya kung kamao ko na?

     "Ako to si Kiara na sabik na sabik sayo"- saad ko... napangisi naman siya... ay aba't manyak hahahaha.. ang daling mauto nitong gagong to hahaha..
    
     "Sabik na sabik sayong maletchon ka baboy"- pagpapatuloy ko kaya ayon nawala ang ngisi niya at napalitan ng galit na mukha pfft hahahaha... Pero sigurado akong masama ang lasa nito pag niletchon hahahaha

     "Tsk! Kahit babae ka pa! Papatulan kita!"- napairap na lamang ako sa sinabi niya... Patulan mo walang pipigil sayo.. sa laking mong yan?

     "Bakit bakla lang ba ang pinapatulan mo? Wampipti ka boi?"- mapang asar na saad ko sa kanya... kaya ayon di nakatiis at sinugod ako... ng sasapakin niya na sana ako ay agad akong yumuko at sinuntok siya sa tyan niya ng malakas aya napaatras siya at napasuka... yuck nagkalat pa tsk... May cr naman eh bakit dito pa? Ang baho na tuloy..

     "Puta! Ano pang hinintay niyo?! Sugurin niyo na!"- sigaw niya sa mga kasamahan niya kaya ayon nga sinugod ako... may dala dala pa silang tubo at baseball bat teka san nila yun nakuha?!... hahampasin na sana ako nun ng masalag ko ito at sinipa siya sa tagiliran at sabay suntok sa mukha kaya ayon tulog...  kinuha ko naman yung bat at nakangising hinarap ang tatlong susugod pa sa akin... sabay sabay silang sumugod sa akin at hahampasin na sana nila ako ng naunahan ko sila... hinampas ko sa ulo yung nasa left side ko kay tulog na... sinipa ko naman sa tyan yung nasa likod ko sabay hampas sa likod niya kaya napasuka siya at nawalan ng malay... Tumingin naman ako sa right side ko at agad na napabend dahil sa hahampasin na pala ako buti nalang at nakailag pa kung hindi nako lagit nanaman ako sa mga kuya kong spg... agad akong umayos ng tayo at hinampas siya sa tyan at likod kaya tulog na din... tinignan ko naman yung baboy pero ayon takot na takot at di makapagsalita kaya pinabayaan ko nalang... nilapitan ko ulit yung nerd at inalayan... binitawan ko na yung bat at nag simula na kaming lumakad papuntang clinic... siya naman ang taga sabi kung saan liliko... Eh sa hindi ko alam pasikot-sikot dito eh!!

•Clinic•

     Ng makarating kami rito ay agad ko siyang inihiga sa clinic bed at pinaasikaso sa nurse... umupo lang ako sa sofa dito kaharap ang bed kung san siya nakahiga habang inaasikaso...

The Only Girl In Section VWhere stories live. Discover now