Part one

5 0 0
                                    

~Niche~

Malugod kong sinalubong ang mahalinang ihip ng hangin na tumatangay sa mahaba at maalon kong buhok

Maganda ang panahon ngayon tila nakikisabay sa payapa at masayang damdamin ko ngayon.

"Hoy anlaki ng tulong mo sa mundo ah nasimot mo na lahat ng pollution dito"

Natigil ang pag appreciate ko sa hangin ng sumama ang ihip ng hangin

napadapo ang tingin ko sa likod ni Reign at walang pasabing kinurot ang tagiliran nito na ikinaliyad niya

"uyy Gag* ka madisgrasya tayo!" sigaw nito pero alam kung di yun mangyayari, alam kong responsabling driver ang kapatid ko wala nga lang license.

muli kong dinama ang pag hampas ng hangin sa aking mukha sabay nang pag buka ng aking mga kamay

nakasakay kami sa motor na hiniram niya sa ninong niya na bumisita sa bahay at nakipag inuman sa ama namin

"pag ako nasinghot mo Niche ah, ibaba mo nga yang kamay mo pag yan nahagip ng sasakyan putol yan"

"epal ka?" taas kilay na tanong ko dito at binaba ang kamay sinagot niya lang ako ng tawa at pinaharorot ang motor.

ako ang panganay samin at minsan niya lang akong tinawag na ate, sa bagay bukod sa isang taon lang agwat namin mas mukha akong bata sa kanya haha

at ayon sa kanya ayaw niya akong tawaging ate kasi mas matangkad daw siya sakin, pero hindi, nasanay lang kasi siyang nasa likuran ko sa tuwing pila ng flag ceremony nung elem. dahil ayaw ko sa likod.

isang oras pa ang biniyahe namin bago makarating sa isang food hub
napag desisyunan kasi naming mag babarkada na mag celebrate bilang pagtatapos ng Senior high.

"Congrats nakagraduate kau!" salubong sakin ni Huri pag ka park namin ni Reign, nasa likuran nito si Glaidel na nginitian lang ako habang inaayos ang pagka park ng motor niya

Huri is a gay pero hindi niya kinoconsider na gay siya pero kita naman sa galaw niya ewan ko ba. pinaka mahinhin nga samin lahat yan ih nagiisang lalaki, sabagay mas mukha siyang tomboy

ih kasi naman maputi siya at maliit mahaba din ang buhok niya na brown at kulot na humaharang sa mukha niya.

while Glaidel is a chubby girl malaki ang hita at balakang niya.

"Congrats din sa inyo beh, Nagsabay kayo?" tanong ko at sumulyap kay Glaidel

"sinundo ko siya, pinaghintay nga ako ng isang oras sa sobrang tagal kumilos" sagot nito na ikinaikot ng mata ni Huri

pumunta ito kay Reign at nakipag asaran sa likuran ko habang si Glaidel naman ay sumabay sakin at sabay sabay kaming naglakad sa bukana ng food hub

sumalubong saamin ang mga nakaupong ibang kaibigan namin sa table

agad kaming nagbatian nila Karlie, Grace, Anastasia at ni Hanzel na ngiti lang ang ginawad sa lahat

Karlie is a sassy and classy type of girl na kabaliktaran ni Anastasia na simple at inosente well mas inosente si Hanzel dahil hindi ito nagsasalita

yup di siya nag sasalita and according to her mother nagkaroon ng trauma dahil sa aksidente.

si Grace naman ay mas mabagal pa sa isang snail kung maka gets sa sobrang slow but ghorl pag dating sa lalaki maraming alam yan nawawala ang pag ka slow niya.

Agad akong sumingit sa gitna ni Grace at Hanzel pero hindi pa ako nakakaupo ng sumingit din sa gitna namin ni Hanzel si Huri

"Ano ba yan?!" reklamo ni Grace at lumipat ng upuan

Finding Anastasia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon