Part two

4 0 0
                                    

Pagka-alis na pagka-alis namin sa Food Hub na Clamsy pala ang pangalan na ngayon ko lang napansin ay dumiritso kami kung saan naka park ang mga sasakyan namin.

magkakasunod kaming apat nila Glaidel at Huri dahil iisang part lang naka park ang motor na ginamit namin. agad sumakay si Reign sa motor ngunit hindi pa man niya napapaandar ito nang magsalita si Anastasia na nakasunod din pala samin kasama sila Karlie

"San tayo?" tanong nito na ikinakunot ng noo ko lumingon din si Reign dito at parehas kaming reaction sa nagtatakang tanong

"yeah where are we?" Tanong din ni Karlie at sinuot nito ang pink na shades mula sa bag nitong sosyalin na nakasabit sa kili kili nito.

"iningles mo lang ih" ani ni Grace kay Karlie na sinagot lang nito ng pagikot ng mata

"ah baka sa Clamsy Food Hub?" sarkastikong sagot din ni Huri habang itinuturo ang pangalan sa itaas ng kinainan namin kanina

"psh! I mean San na tayo pupunta?" usal ni Karlie sa dalawa

"sorry naman maam, di mo kasi tinanong ng maayos ih" sagot ni Huri dito

"maam?" nagtatakang tanong ulit ni Karlie na ipinagtaka rin namin dahil sa tawag nito sa kanya

"Mukha ka kasing Literature teacher sa suot mong bag ih" sagot ni Huri na inismiran ni Karlie.  natawa naman kami sa inasal ng dalawa

"maarteng teacher na naka limang take na ng board exam pero di makapasa" dagdag ni Huri kung kayat natawa na din si Karlie sa huli

"Bakit, uuwi naba sana kayo?" singit ni Anastasia ng makitang nakasakay na si Reign.

"Oo sana, bakit may pupuntahan paba?" tanong ni Reign "wala na akong pera" dagdag nito

"Wow ah laki ng nagastos mo! ako nga nag gasolina" sagot ko dito

"kaninong motor pala yan? susunduin ko sana kayo kanina" sabi ni Anastasia

"motor ko bigay ni ninong" sagot ni Reign. psh yabang

"Maniwala naman sayo, bigay ni ninong? ni hindi ka nga ata nabinyagan" usal ni Huri na ikinatawa namin

"hindi ka nabinyagan?!" tanong ni Grace sa naglalakihang mata. mukhang naniwala naman ito

"Salaula!" usal ni Reign

"di nga, sa kanya yan?" tanong ni Glaidel sa akin ganon din ni Hanzel kahit hindi nag sasalita ay alam kong ganon din ang sinasabi nito dahil sa mata nitong nagtatanong. mukha kasing walang balak sumagot ng maayos ni Reign

"Sa ninong niya yan na bumisita sa bahay hiniram namin,  pasikat siya ih kaya imbis na magpasundo kami mas pinili niyang gamitin itong motor para ipakita sa mga tao Nmax kamo nga! " sagot ko sa kanila

"So uuwi  na nga kayo?" tanong muli ni Anastasia "mamaya na samahan niyo muna akong bibili sa mall" pilit nito

"huh? ang init" reklamo ni Karlie na di namin pinansin

"Tara" yaya ko "ako nalang magdrive mamaya maaga pa naman. baka lasing na nga sila papa" aya ko kay Reign

lasing na yun sila papa sa hula ko kaya hindi pa uuwi yung ninong ni Reign hindi pa din hahanapin ang motor nakita ko kasing ang laki ng alak na dala nito ih at bukod don pinaalam naman namin ng maayos.

"pag ako napagalitan ni ninong Niche ah tulog ka isang bwan" banta ni Reign at bumaba na sa motor para lumapit sa amin.  daming arte ba-baba din lang naman

"hindi yan. malakas ka don" biro ko dito

agad din naman kaming naglakad patungo sa likod ng Food hub dahil nandoon raw naka park ang dala nilang sasakyan. kahit panay ang reklamo ni Karlie ng maiinit ay walang pumansin dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding Anastasia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon