" Pagbalik ko papakasalan kita Eki pangako ko yan"
Isang panaginip...
10years ago pinangakuan ako ni Rush na papakasalan niya ako pagbalik niya dito sa pilipinas....
Pero hangang ngayon wala paring rush na bumabalik aasa paba ako? o kakalimutan ko nalang yung pinangako niya sakin dahil alam ko sa sarili kong wala ng rush na babalikan ako....
Ako nga pala si Eki Yakatashi , I'm a half japanese half filipino. 18 years old
Andito ako ngayon sa coffee shop inaantay yung mga friends kong napaka filipino time. usapang 5pm pero ang dating nila 7pm na ..."Maam excuse me po , Here's your order po Mocha frappe."
Kuya baka mali po kayonng bigay kasi hindi pa naman ako naorder kaya hindi po saakin yan.
Kayo po ba si Ms. Eki? may lalaki po kasi kanina na nag-order nito tapos tinuro nya po kayo sakin ibigay ko daw po sainyo.
Totoo ba yan kuya? anong itsura niya?
Matangkad po , Maputi , Mukhang may lahi baka kilala niyo po sya maam?
T-t-t-t-teka si rush na kaya yun? sige kuya kukunin ko na po salamat. Wala akong ginawa kundi titigan tong Frappe. Posibleng siya na kaya ito? Posible bang nagbalik na si Rush? Papakasalan nya naba ako? Ang daming gumugulo sa isipan ko ng biglang dumating sila Anna , Chelsea at Keno.
Hoy girl! ano tulaley itech? sabi sakin ni Keno na may paghawak pa sa bewang nya .
Hoy bakla wag mo ngang sinisigawan si Eki mamaya mapraning na ng tuluyan yan pagtataray naman ni Chelsea
kayo tong mga praning pano kasi nag antay nanaman ng matagal si Eki satin napakababagal nyo kasing mag si kilos daig pa kayo ng 10 year old boy na boyscout. Eki alam mo may magandang movie daw ngayon yung 50 shades of grey ba yun. Tara panuorin natin ng di naman boring tuwing saturday andito nalang tayo palagi tsaka ng matigil na yang pagbabasa mo ng mga pocketbook at magising kana sa katotohanang hindi na babalik si rush.
kahit kelan talaga tong si Anna walang kontrol ang bibig. Mga kaibigan ko na tong mga to simula highschool. kaming apat ang magbebestfriend maraming naiinis samin dahil palagi kaming top sa klase si Anna top 4 , si Keno 3 , si Chelsea 2 at ako naman ang top 1. nachichimiss na nga kaming apat baka daw binabayaran namin yung mga teacher namin kaya kami nalang palagi ang nag tatop sa klase. Pero hindi yun totoo dahil nagsisikap kaming apat na tumaas ang marka syempre kapag nag top may reward kaming makukuha sa mga magulang namin lalo na sa parents ko. Naikwento ko nadin sakanila yung tungkol kay Rush. nung una akala nila nababaliw nako dahil nag de daydream daw ako at baka nahanginan na daw tong utak ko kaya kung ano-ano nalang ang lumalabas sa bibig ko. Minsan kasi tong tatlong to mahirap kausap pero minsan naman binibigyan nila ako ng advice na wag na daw akong umasa dahil matagal na daw un at mga bata pa daw kami nila rush. Naiisip ko minsang sumuko nalang at sumangayon sa mga kaibigan ko pero may isang bagay na pumipigil sakin ayun yung pangakong binitawan sakin ni rush na hangang ngayon pinanghahawakan ko padin.
Pag-uwi ko sa bahay dala dala ko padin tong Frappe na iniabot sakin ni Kuya doon sa Coffee shop pagbukas ko ng pinto si Echiro agad yung bumungad sakin panigurado sermon nanaman ako sakanya.
Hi kuya echi kumain kanaba? ( Panglalambing ko sakanya para naman makalimutan nya yung galit nya sakin)
Eki alam mo naba? Pero siguro di ko na kaylangan pang sabihin sayo baka kasi alam mo nadin.
Pinagsasabi nitong kapatid ko?
Anong alam ko? at ano ba yang pinagsasabi mo? Okey ka lang ba?Si .. si .. Rushell nakauwi na sya dito sa Pilipinas nung isang buwan pa.
Wala akong ibang naging reaksyon kundi ang tumulala .. Panaginip ba to?
BINABASA MO ANG
Old Friend
Teen FictionMay mga pagkakataong nagtitiwala tayo sa isang tao dahil sa Isang pangakong binibitawan nila.