2

5 0 0
                                    

" Papakasalan kita eki pangako ko yun" Yan ang paulit ulit na pumapasok sa utak ko... Pagkagising ko hindi padin ako makapaniwalang nakauwi na pala sya. Pero bakit hindi niya manlang akong sinabihan? Nakalimutan niya na kaya ako? Ano bang dapat kong gawin? Tumayo ako para pumunta sa banyo gusto kong maligo ng maaga. Pupunta ako ngayon sa Body Gym kung saan ako nag wowork-out. Pagkatapos kong maligo dumiretso ako sa kwarto ni Kuya Echi para mag-paalam kaso mukhang tulog pa sya kaya nagbilin nalang ako kay ate belen na sabihin nalang kay kuya dahil ayokong maistorbo ang pag tulog niya. Hindi ko pala nasabi sainyo si Kuya Echiro or Echi in short ay ang nakakatanda kong kuya pero isang taon lang naman yung agwat naming dalawa. kaming dalawa lang ang magkasama dito sa bahay dahil sila mommy at daddy ay nasa France para ihandle ang iba pa naming negosyo doon. Habang naglalakad ako palabas ng bahay hindi ko inakalang makikita ko si Rush sa labas ng bahay naglalakad at at ..... May kasama siyang babae na halos magmukha ng linta na makakapit kay rush... Pero hindi ako nasaktan ng dahil doon. Nasaktan ako dahil nakita ako ni rush pero parang dedma lang. mukha akong tanga na nakangiti sakanya at siya parang hindi niya ako kilala. Sa sobrang inis ko tumakbo ako palayo para maiwasan silanh dalawa ayokong makakita ng mga ganyan eksena. akala ko sa movie ko lang makikita ang mga ganung pangyayari di ko alam mangyayari din pala sakin. Pero pano na yung pangako nya sakin? pano nako ngayon? :( Isaisa kong dinayal ang number nila Anna lahat sila busy at may mga kanya kanyang lakad. hindi ko alam kung saan ako pupunta hangang sa mapahinto nalang ako sa tapat ng coffee shop. Imbis na makakapag work out ako ngayong araw mukhang dito ang bagsak ko.

Lumapit ako sa counter para pumili ng order halos 15mins akong nakatingin sa menu pero wala akong mapili. hangang sa magsalita si kuya cashier

Ma'am naaalala nyo po ba ako? - Kuya cashier

Oo naman kuya sagot ko sakanya pero sa Menu padin ako nakatingin. Kuya ito nalang ung oorderin ko for dine-in dalawang slice ng Devils Food Cake at isang Cappucino coffee. Nagbayad ako at iniwanan si kuya cashier na may pagtataka sa mukha..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon