YAMD - Chapter 6

21 2 0
                                    

IRIS P.O.V

Arrggghhh. Napakamot ako sa ulo ko. Nakakainis naman yung ginawa nila sa bida. Bakit ba masyadong maldita tong kontabidang to? Kaya nga tinawag na kontrabida Iris.

"Nakakainis ka! Bakit palagi mong pinapahirapan si Marimar?" sabi ko habang sinasapak ang unan ko.

"Hoy Anak! Kawawa naman yung unan oh. Ginawa mong punching bag!" saway ni mama sakin.

"Ma! Epal kasi ung character ni Katrina eh. Nakakainis." pasimangot kong sagot.

"Kaya nga kontrabida eh. Baliw ka?" sarcastic na sagot ni mama.

"Magluto na lang PO kayo dun Ma."

"Okay."

Ayoko na. Naiinis na talaga ako. Tumayo na ko at pinatay ang T.V. Baka kasi maibato ko pa ang TV. Aba naman, kahit mayaman ang tunay kong pagkatao, at bilhin ko pa ang lahat ng TV, may awa pa rin naman ako sa TV namin.

Tok Tok

May kumatok?

Tok tok

May kumakatok nga! Agad akong pumunta sa may pintuan. Binuksan ko ang pinto at ang isang di inaasahan bwisit ang bumungad sakin.

"Miss me?" sabi niya at nagsmirk pa.

"No." sarcastic kong sagot. Inirapan ko lang naman ang epal na to.

"Remember me?"

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Halos maduling na ko sa lapit.

"Yes. Kilalang kilala ko ang mukha mong epal ka."

Tinulak ko siya ng konti at baka magpalit kami ng mukha. Mahirap na. Baka kasi pagkamalan akong nakikipaghalikan sa epal na to.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Para pakasalan ka at mahalin ka."

"Utang na loob naman Mr. Stephen Blue, mamahalin at papakasalan ka? NO WAY!!"

"NO WAY" ginaya pa ko ng epal na to.

"I will make you fall for me Iris."

SOMEONE'S P.O.V

Nakita kong dumaan ang isa sa mga sasakyan ng pamilyang Blue. Ang sasakyan ni Stephen. At papunta sa way nina Iris. Agad akong lumabas ng bahay at sinundan siya. Tama nga ang hinala ko na kina Iris siya pupunta. Bakit si Iris na naman? Lahat na lang. May bumaba. Si Stephen nga. Ang gwapo niya pa rin hanggang ngayon.

"Stephen, mahal pa rin kita." mga salitang nabanggit ko sa sarili.

Pinanood ko sila. Wala kang karapatang halikan ni Stephen. Malandi kang Iris ka. Akin lang si Stephen. AKIN LANG.

"I will make you fall for me Iris." narinig kong sabi niya kay Iris. Bakit si Iris pa? Andito naman ako. Nagmamahal at naghihintay sayo?

Dapat AKO NA LANG.

Dapat AKO NA LANG.

Sana AKO na lang

At ng di na ko nagseselos at nagmumukhang tanga sa kakaasa na ako ang mamahalin mo.

Itinataga ko sa batong to. Mapapasakin ka Stephen. Akin lang.

IRIS P.O.V

Walang Kwentang Kausap Tong Lalaking To

"By The Way, invitation."

Inabutan niya ko ng isang blue and white na invitation. Ano na namang pakulo ang meron ang pamilya nito?

"Invitation. Dahil andito na ko."

"Dahil bumalik ka kailangan may party? Ganun ka ba kaimportanteng tao?" pagmamataray ko.

"Oo. Dahil ako ang tagapagmana ng mga company ng pamilyang Blue."

Ang hangin. Tinatangay ako. Grabe. Porket tagapagmana ang epal na to.

"Pumunta ka at isama mo si Tita. I want you to be there. Andoon din ang iba ninyo pang relatives. And kung wala ka, I will make sure na mawawala sa landas mo ang lalaking nagpapasaya sayo."

Wow lang ha. Kelangan pa kong umattend. Pero kelangan kong umattend dahil andoon daw ang iba naming relatives.

"Mawalang galang na ha. Umalis ka na nga. Nakakabwisit ka eh."

"Good bye baby. See you there."

Bumeso pa sakin. Kadiri. Nakakasuka!! Yaaakkkkkk!!!!! Baby daw. Kotongan ko siya sa pancreas niya. Bago siya sumakay sa sasakyan niya, nagflying kiss muna siya.

"Saluhin mo naman baby. Sayang eh. /wink/"

-_______-

Bwisit na Stephen Blue to. Bwisit.

================================

A/N: Angtagal kong di nag update. Almost a month din. Sorry naman. Hahahaha xD

Tara gala kahit maulan. Choss!!

- CherryIcePrincess

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Are My Destiny (YoonWook Fic.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon