Hindi ko maintindihan itong aking nararamdaman, may lihim nga ba akong pagtingin sa aking matalik na kaibigan?
Kay sakit na malaman na may mahal kang iba. Masakit isipin na kahit kailan hindi mo ako kayang ibigin na higit pa sa isang kaibigan. Ang tanging tingin mo lang sa akin ay isang matalik na kaibigan.
Sana naman huwag mo akong bigyan ng sinyales na umasa pa na mamahalin mo ako balang araw dahil ayoko ng masaktan pa.
Bakit hindi ko kayang kalimutan ka? Kung alam mo lang na pilit akong ngumigiti upang hindi mo malaman itong sakit na aking nadarama at lumbay dahil gusto kang makasama.
Bakit sa kay daming-dami ng tao sa mundo bakit nga ba ikaw ang napili nitong puso kong mahalin, sana'y hindi na nasasaktan. Minsan ko nang sinubukan na ika'y iwaasan at magpakalayo-layo ngunit hindi kaya ng aking puso na ika'y layuan.
Sa danami-dami ng ating pinagsamahan, para nga bang ang aking mundo at buhay ay umiikot sayo.
Hinihiling ko nga minsan na kahit kaunti man lang sana mahalin mo ako na higit pa sa isang matalik na kaibigan o kapatid.
Kahit masakit pipilitin kong maging masaya basta't alam ko na masaya ka sa piling niya, kakayanin ko na huwag masaktan kapag nakita ko kayong magkasamang dalawa.
Sana balang araw malaman mo na mahal kita higit a sa kapatid o matalik na kaibigan. Narito lang ako kapag ika'y may problema o kaya nangangailangan ka ng tulong. Handa akong magsakripisyo alang-alang sayo.