Fortune

270 27 8
                                    





"OMG! Ito na ba talaga ang Disneyland?? Huhu. Ang ganda ganda naman dito!!!"
Masaya kong iniabot kay Ken yung phone ko para picturan niya ako sa entrance nito.. Kailangan may resibo ako na nakapunta talaga ako sa lugar na ito dahil matagal ko na itong pangarap. Mababaw na pangarap para sa iilan pero matayog para sa akin.. Hindi kami lumaking mayaman. Sakto lang ang buhay na meron kami, minsan ay kinakapos pero kinakaya. Alam kong madaming amusement park sa bansa natin pero kung iisipin ko pa lang na bibili ako ng ticket para sa isang araw ng panandaliang saya, umaatras ako. Sayang ang pera. Kaya masaya ako dahil nakapunta ako dito ng libre sa tulong ni Ken. Sobrang saya..








Matapos niya akong kuhaan ng photo ay nagtaka ako dahil lumapit si Ken sa isang girl, akala ko ay kung ano na ang gagawin nito , makikisuyo lang pala para kuhaan kaming dalawang photo.. Selosa ako. choss.. And I gave my big smile. Kasi totoong masaya ako. Lalo na't kasama ko ang lalaking nakaakbay sa akin ngayon..












Kasalukuyan kaming nakapila ni Ken ngayon dito sa Cinderellas Carousel.. Actually it was my idea na sumakay dito , diba nga, mas gusto ko yung kabayo-kabayuan kaysa sa nagtataasang rides pero sigurado akong mamimilit na naman itong katabi na sumakay sa ibang nakakalulang rides dito. Hmm, okay lang. Basta siya ang kasama ko. Handa ko siyang samahan sa ano mang rides. Kahit siya pa ang sakyan ko. chosss..









"Bakit di maipinta yang mukha mo?" natatawang tanong ko dito..





"Look around. Mga bata yung kasama natin sa pila." seryosong sabi nito ng naka poker face. Natawa ako ay pasimple ko siyang niyakap..






"Ako naman pagbigyan mo, pinagbigyan na kita sa ferris wheel kanina!" bulong ko dito and to my surprise, ninakawan na naman niya ako ng halik.



"Ken! May mga bata!" pinadilatan ko siya ng mga mata pero parang wala lang sa kanya na may mga bata na makakita sa amin..








Matapos namin sa FantasyLand ay sumunod naman naming pinuntahan ang Toy StoryLand.. At dahil hinahawaan ako nitong lalaking ito sa pagiging adventurous niya ay napilitan akong sumama sa kanya pasakay ng Toy Soldier Parachute Drop.. Nakakaloka.. Well, kinaya ko naman!









Medyo madami-dami na din kaming nasakyan at ng pareho na kaming napagod ay nagpasya na kaming tumungo ni Ken sa sinasabi nito kaninang Ice cream shop daw nila na dito sa DisneyLand.. Magkahawak kami ng kamay na pumunta doon. Pagpasok namin sa shop ay tila kilala na si Ken ng mga server doon. Nagulat ako na mga pinoy din ang mga bantay sa ice cream shop..








"Magandang hapon Sir Ken.." rinig kong sabi ng server doon pagbukas namin ng pinto... Bumati din si Ken at ako naman ay ngumiti lang sa lalaking server sa loob ..




"Sir Ken! Oh my God! Di po kayo nagsabi na bibisita kayo?" napalingon ako sa babaeng kakatapos lang magpunas ng table sa bandang dulo.. Mabilis itong lumapit sa amin ni Ken at si Ken naman ay hinawakan ang babae sa ulo nito na tila nakababatang kapatid niya. No jealousy vibes. Mukha lang silang magkapatid. bulong ng isip ko..







"Ah, Rita .. this is Moira and si Bj, mag-asawa yang dalawang iyan.. Sila ang namamahala ng shop namin dito sa Hongkong.." pakilala ni Ken sa kanila..




"Hello!" nahihiyang bati ko at nginitian naman nila ako.. Ngayon ay tumungo na kami ni Ken sa bandang dulo ng shop at doon umupo..






Accidentally on PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon