No

239 26 13
                                    



Rita's POV

HINDI KO alam kung saan ako papunta. Naglalakad ako sa gilid ng highway. Madilim. Madaming naglalakihang mga truck. Mga mabibilis na sasakyan. Alas onse na ng gabi. Sigurado akong nasa trabaho na si Pen kaya hindi ako maaaring pumunta sa bahay niya. Nanlalabo ang paningin kong nakatingin sa malaking karatula..






Bawal tumawid, nakamamatay..








Sana yung pananakit ni Ken ay tulad ng nakasulat sa karatulang iyon, nakamamatay.. Para matapos na yung paghihirap ko. Para wala na akong problema.. Kung mamamatay ako, hindi ako iiyak, sila ang iiyak para sa akin, siya yung magsisisi at mamamatay rin siya sa pagiging guilty. Pero hindi eh. Buhay ako. Nanghihina nga lang pero buhay ako. At kahit gaano kasakit ang pinagdadaanan ko, hindi ko ipipikit ang mga mata ko para salubungin ang kamatayan.



Nagpatuloy ako sa paglalakad nang walang ideya kung saan talaga ako patungo. Dapat na ba akong umuwi sa province at harapin ang posibleng galit nila Mama at Papa? Uuwi akong handbag lang ang dala ko? Nakapambahay pa na damit at tsinelas. Ano na lang ang sasabihin nina Mama sa akin? Hindi ko kaya.. hindi pa.







Karma Lounge. Huminto ako sa harap ng isang bar sa corner ng Scout Tuazon Street at pinagmasdan ang pangalan nito. Maraming tao ang pumapasok at lumalabas at may mangilan-ngilan ding nakatambay sa harap. Sigurado ako na madaming tao sa loob . Kung papasok ako at tatambay lang ay hindi ako mapapansin ng nga server at bouncers. Nag-ooperate ito hanggang 5am kaya okay na lang din na dito ako tumambay kaysa  magchek-in sa hotel. Tama. Magbabayad naman ako ng entrance fee pero tatambay lang ako sa loob. I still care for my baby so I can't drink alcohol.




Pagpasok ko ay may kumakanta sa stage. Tila mga amateur ang mga ito dahil medyo sintunado pa at pumipiyok. Umupo ako sa pang apatang mesa sa left side na medyo malapit sa stage. Ito na lang kasi ang bakanteng upuan. Pagkaupo ko, nilapitan agad ako ng server. Syet. Wala nga akong balak omorder pero no choice ako baka palayasin ako. Omorder ako ng isang tanduay ice pero hindi ko iinumin. Pagkaalis ng server ay napapikit ako ng mariin ng maramdaman kong kumikirot ang puson ko. Ayaw yata ni baby na nandidito kami sa bar . Hinaplos ko ang tummy ko at tahimik na humihiling na sana kumalma ang sakit. Di nagtagal, -umokey naman din.





Nakailang kanta na ang babae sa harap ko. At kahit hindi ganun kaganda ang boses ng kumakanta ay kanina pa ako iyak ng iyak. Puro ba naman kasi lovesong!! tsss.. Ito na ang huling gabing iiyak ako dahil kay Ken. I'm going to forget my feelings for him. Kahit mahirap ay gagawin ko. Alam kong makakaya kong itaguyod ng mag-isa ang anak ko. Kaya nga ng iba, kaya alam kong kaya ko din.







Napahawak ako sa ulo ko ng biglang nanlabo ang mga mata ko, siguro ay dahil na din sa kanina ko pang pag-iyak. Dahil na din siguro kanina pa ako pagod. Sobrang pagod na pagod na ako. Physically and emotionally. Ito na naman, sumasakit na naman ang puson ko. Syet hindi ko na talaga kaya.









"Rita?? Ikaw nga!!" may lumapit sa aking lalaki pero hindi ko ito makilala. Ngunit pamilyar ang boses niya..





"Huy! Di mo ba ako natatandaan? Ako to! Si Fabio! Yung kababata mo! Yung kalaro mo sa jolens dati?? Grabe hah! Pumuti ka lang, nakalimot ka na!"






Umiling ako upang ipakita na wala na akong naiintindihan sa mga sinasabi nito. Napahawak ako sa braso niya nang maramdaman ko ang paglambot ng aking tuhod..






"Oy?? Okay ka lang?? Namumutla ka!" muli na naman akong umiling. Hindi ko alam kung napansin niya. Pinilit kong tumayo pero wala talaga akong lakas ng maglakad pa kaya hinayaan ko na lang ang sarili ko na bumagsak sa sahig.

































Nagising ako sa loob ng emergency room. Anong nangyayari sa akin? Nagcheck ako ng body parts baka may nawawala, baka may opera ako or tahi.. Luckily, wala naman..




Bakit ba dinala ako agad sa ospital? Ayoko dito. Ayoko ng amoy ng ospital. Ayoko ng dextrose, ayoko ng karayom, ayoko ng injection. Tama na yung nararansasan kong sakit ng dahil kay Ken. Gusto ko ng umuwi.








Pinilit kong bumangon kahit hinang-hina ako. Wala namang ibang tao dito eh. Iniwan siguro nila ako dahil alam nilang walang lamang pera ang bag ko at wala akong pambayad sa kanila. Haaays. Pero may dextrose ako. Sino kayang nagdala sa akin dito. Dapat makilala ko siya para mapasalamatan manlang kahit papaano. Ano ba to. Nasaan ba kasi yung nga nurse? Tama bang iwan akong mag-isa? ER ba talaga to? Nasa ER ba talaga ako?

Sinikap kong naglakad. Paisa-isang hakbang para marating ko ang pinto. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. Nang mabuksan ko iyon ay nakarinig ako ng pag-uusap sa malapit. Isang boses ng babae at isang pamilyar na boses ng lalaki..



"Boyfriend niya ho ako." narinig kong saad ng lalaki. Hindi ako gumalaw para hindi nila ako mapansin na nakikinig. Sinilip ko ang nagsasalitang lalaki. Siya si Fabio. Ang kababata ko sa province. Tama. Pero hindi ko siya boyfriend. Bakit niya yun sinabi?


"Since wala kang mapapuntang immediate family member ni Miss Salazar ngayon, ikaw na lang ang pumirma dito sa waiver."  Miss Salazar? Ako ba yung pinag-uusapan nila?





"Para saan to Dok?"





"Kailangan na kasi siyang operahan. Kailangan namin ng consent mula sa guardian ng pasyente, that if something happens to her during or after the operation, the hospital and the doctors will not be liable.."





"Ooperahan? Pero bakit??" tanong ni Fabio. Kinakabahan ako sa salitang opera. Bakit ako ooperahan e buntis ako? Bakit? Anong nangyari sa akin? Anong sakit ko? Bakit ako ooperahan??




























"More than 48 hours na kasing patay ang fetus sa loob ng kanyang sinapupunan."
















nanlambot ako.







🤟🏻

Accidentally on PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon