MT FATHER HATES ME

7 2 0
                                    

                      -part2-
             @danielashinlim

One day, day off ni ate sa trabaho at halfday lang sila sa school. Kaya naisip namin maglakad lakad muna.
Pero ang sabi ko kay ate na gusto ko matuto mag motor. Kaya tinuruan nya 'ko mag motor.
Nagpaalam muna kami kay papa at pumayag naman ito.

"Papa? Lalabas muna kami ni Riyelah ha?! Tuturuan kolang sya mag motor." Paalam ni ate kay papa.

"oh sige wag lalayo ha." Bilin ni papa.
Kaya agad kaming nag asikaso ni ate.

Andito na kami ngayon sa kalsada.
Walang dumadaan dito na ibang sasakyan atsaka walang masyadong tao, kaya libreng libre mag aral magmotor.

Tinuturuan na'ko ni ate mag motor.
Pinagbabalanse nya muna ako para hindi ako mahulog.

"Ate pagod nako! Gala muna tayo te punta tayo saglit sa plaza" pakiusap ko sakanya at agad naman itong sinunod.

" oh ito suotin mo 'tong helmet baka madisgrasya ka." Aniya ni ate at sinuot kona yung helmet.
Sa hindi sinasadya ay nawalan ng preno yung motor ni ate at nawalan kami ng balanse, bumangga kami sa Poste. Hindi kona alam yung sumunod na nangyari dahil nawalan kami ng malay matapos kaming mabangga.

At pagmulat ko ng mata ay nasa hospital na ako.Una kong hinanap si ate, nakita ko si tita amanda(kapatid ni papa) at tito roy(asawa ni tita amanda) na umiiyak.

"Tita? Tito? Ano pong problema?! Bakit po kayo umiiyak?! Nasan po si ate?" Tanong ko kila tito at tita.

"Riyelah? Comatose ang ate mo!!
brain injury. " iyak na sabi sa'kin ni tita amanda.

"Tita nasa'n po si ate? Gusto ko syang makita." Iyak kong pakiusap kay tita.
At ako ay nagtamo lamang ng sugat at gasgas sa tuhod at hita pati sa kamay.

Nang makita ko si ate na nakahiga sa hospital bed.napaluha ako dahil nakita kong andaming nakatusok na mga tubo sa kanya at may bandage ang ulo.
Nakita ko din si papa na nakatabi kay ate at umiiyak din ito.

"Ate? Ate? Gising kana diyan!! Ate andito na kami oh?ate please gumising kana. Ate sorry ng dahil sskin kaya ka nag ka ganito kung hindi sana ako nag aya na pumunta tayo ng plaza hindi sana mangyayari sayo 'to. Ate bangon kana"  Iyak kong Saad kay ate.

Nang makita ako ni papa ay bigla nyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko.

"Ikaw na bata ka!! Ng dahil sayo nag ka comatose si Xeah!! Ng dahil sayo na aksidente sya. Ikaw talaga ang malas sa buhay ko.buwisit kang bata ka.sana hindi nalang kita binuhay. Sana ikaw nalang yung nakahiga ngayon at ikaw nalang sana yung na comatose." Sigaw sakin ni papa.
Sasampalin na sana ako ni papa ngunit pinigilan ito nila tito at tita amanda.

"Tama nayan Berto!! Bata yan, walang kasalanan sa nangyari dahil Hindi natin ginusto na mangyari ito." Saad ni tito roy.

"Ilayo nyo nga sakin yang batang yan baka masaktan ko lang yan" Utos ni papa kila tito at tita kaya sumundo nalamang sila. Dinala na ako kung sa'n ako nakahiga kanina.
Bukas daw ay pwede na 'kong makalabas ng hospital.
Pero si ate hindi ko alam kung kailan sya makakalabas ng hospital.
____

Ng makauwi nako dito sa bahay ay
Gabi-gabi kong pinag pepray na sana gumaling na si ate.si papa ay hindi pa umuuwi. Todo bantay sya kay ate.
Kaya pinakiusapan konalang si tito at tita amanda na alalayan si papa. Kasi kung ako naman ang pupunta dun ay magagalit lang sakin si papa.

MY FATHER HATES MEWhere stories live. Discover now