-part3-
@danielashinlimJuly 23, 2018 10:30 ng gabi ay may kung anong tumunog sa cellphone ko.
Tumatawag si tito roy, ay agad ko naman itong sinagot."Oh tito roy kamusta po? Kamusta po lagay ni ate jan? At si papa po?" Tanong ko kay tito ngunit napansin kong iba ang boses nito na parang umiiyak.
"Riyelah? Ang ate mo wala na! Binawian na sya ng buhay" Sambit sakin ni tito na agad ikinatulo ng luha ko.
"Tito nag jojoke ka po ba? Hindi pa patay si ate? Diba tito nag jojoke kalang?tito please naman hindi pa patay si ate." Pahiyaw ko kay tito dahil hindi ko matanggap na wala na si ate.
Kinabukasan dito na dinala ang kabaong ni ate at dito na nilamay sa bahay namin.
Agad akong lumapit sa kabaong ni ate at umiiyak."Ate xeah ang daya mo! Akala ko ba walang iwanan? Bakit mo 'ko iniwan.
Bakit hindi ka lumaban ate? Ng dahil sakin nagkaganyan ka! Sana ako nalang yung nanjan ate.
Ate ikaw nalang yung kakampe ko sa mundong to eh.ikaw lang yung pinaka gusto kong kasama sa lahat. Yung yung the best ate in the world.
Pero bakit moko iniwan ate.
Ate kooo sorry sana ako nalang yung nawala at hindi ikaw." Yan nalamang ang pinagsasabi ko sa harap ng kabaong ni ate.1 buwan na ang nakalipas simula nang inilibing si ate ay araw araw nang umiinom si papa. Hindi na sya pumapasok sa trabaho nya, at araw araw din nyang sinisisi sakin ang lahat ng nangyari sa pamilya namin.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Ayaw sakin makinig ni papa dahil nga sa galit ito sakin.And one time habang nasa terrace ako nag mumuni muni ay narinig kong nag uusap si tito roy at papa.
"Tol musta na?" Tanong ni tito roy
" heto nagpapakalunod sa alak para mawala lahat ng problema ko." Sagot naman ni papa.
"Alam mo tol, hindi sa nanghihimasok ako sa buhay mo. Pero may isa kapang anak! Hindi lang si xeah ang anak mo!! kundi si riyelah din.
Bakit ba kasi hindi maalis sayo ang galit. Andiyan pa si riyelah! Wag mong baliwalain yung anak mong yan kasi balang araw yan din ang tutulong sayo" pangangaral ni tito roy kay papa at hindi nalang ito umiik._______
Tatlong taon na ang nakakalipas simula ng mawala si ate..
Ngayon college na ako at graduating na sa kursong law/lawyer.
Nag woworking student din ako
Sa restaurant.At si papa naman ay bumalik na sa pag tatrabaho pero galit parin ito sakin.
Kapag nasa bahay kami ay nasa loob lang ako ng kwarto.at sya naman ay nasa terrace lang nakaupo at umiinom.pero pag gawaing bahay ako na kumikilos ako na nagluluto at nagsasaing kapag free time ako at day off ko sa trabaho.____
Nandito ako ngayon sa school ng iannounce ang names ng mga nasa top at isa ako sa napili valedictorian ako.
Tuwang tuwa ako ng malaman ko yon.at agad akong umuwi ng bahay para ipaalam kay papa yon.
Pero akala ko matutuwa sya sa balita pero hindi pala, lalo lang ito nagalit sakin."Papa may balita po ako sainyo
Valedictorian po ako sa school namin" masayang bungad ko kay papa ngunit ngumisi lang ito at sinabing.."Oh tuwang tuwa ka diyan? Wala akong pake kung valedictorian ka.
Yung ate mo nga suma cumlaude tapos ikaw valedictorian lang ang hina mo talaga nakakahiya ka sa pamilya" Saad ni papa sakin. At unti unti rin napalitan ng lungkot ang aking masayang mukha."Grabe naman ho kayo sakin pa!! Parang hindi nyo 'ko anak, kung pagsalitaan nyo 'ko ng ganyan" sambit ko kay papa na naiiyak.
"At bakit? Ikaw naman talaga may kasalanan kung bakit nagkanda letse letse yung buhay ko. Yung asawa ko namatay dahil sa'yo.dahil pinanganak ka nya!! Si xeah namatay din dahil sayo. Sana ikaw nalang yung namatay at hindi sila.sana ikaw nalang ang nawala. Edi sana hindi ako nagkakaganito." Sumbat ni papa..hindi ko na matiis yung mga masasakit nya'ng salita kaya sumagot narin ako.
"Oo na pa!!sana ako nalang yung nawala, sana ako nalang yung namatay!! Sana nga ako nalang eh.kasi kahit anong gawin ko balewala lang ako sainyo. Sana nga ako nalang
Talaga namatay. Siguro magiging masaya pa kayo kung nawala ako." Iyak kong sagot kay papa at sabay hinagis ni papa ang bote ng alak."Putragis na buhay!! Bakit pa kasi ikaw yung naging anak ko?!! Bakit? bakit? bakit? Malas ka sa buhay ko" sunod sunod na sambit ni papa.
"Papa bakit ba ako ang lagi mong sinisisi sa pag kawala nila. HIndi ko rin naman ginusto na mawala si mama at ate. kahit na lagi mo kaming pinagkukumpara ni ate.okay lang sakin kasi alam ko naman namas matalino at maganda si ate kaysa sakin.
Pero papa anak nyo rin naman ako?! Sana naman naisip nyo rin ako.
Bakit pa? No'ng nabangga kaming dalawa ni ate. Nasugatan din naman ako ah.tinanong moba kung okay ako?hindi diba? Nung elementary at high school magpahanggang ngayon ni minsan ba umattend kayo ng events sa school? Ni minsan ba tinanong nyo 'ko kung okay lang ba ako?
Papa anak nyo rin po ako!!
Sana naman ituring nyo din po akong anak nyo. Kahit bilang tao nalang po kahit wag na anak. Kasi pa ang sakit sakit sobra eh. Na yung mismong at sariling ama ko.ang trato sakin parang hindi anak. Mula bata pa'ko alam ko naman na mas paborito mo si ate xeah. Pero may narinig ba kayo sakin? Wala diba. Tahimik lang ako. Kasi mahal ko din si ate. Sya lang yung nag iisang kakampi ko sa lahat ng bagay.
Sige pa tama na po ito.tama narin po yung pag iinom nyo ng alak.
Aalis nalang po ako dito sa bahay para hindi na po kayo magkaroon pa ng problema." Yan lahat ang sinabi ko kay papa, hindi kona mapigilan ang pag hagulgol ko ng iyak.at habang nag iimpake ako ng gamit ay nakita kong umiinom pa si papa ng alak.
Na parang wala lang lahat sa kanya.Umalis nako ng bahay at naghanap ng apartment.
May kasama ako sa apartment ko si gracia bestfriend ko.
Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari saming pamilya.
____Hindi nagtagal ay naka graduate na 'ko at isa nang ganap na abogado.
Simula nung lumayas ako sa bahay ay wala na akong balita kay papa.Hanggang sa may tumawag sakin.
Si tita amanda
Nasa hospital daw si papa inatake sa puso.
Agad naman akong pumunta sa hospital na sinabi ni tita amanda. At nakita ko si papa na parang hinang hina.tinanong ko si tita kung anong nangyari kay papa.
Inom daw ng inom ng alak
At hanggang sa hindi kinaya ng katawan nya inatake sa puso.Dali dali akong pumunta sa doctor para sabihin na pagalingin si papa.
Binalikan ko ulit si papa sa puwesto nya.at nang magising ito ay agad kong hinawakan ang kamay ni papa.
"Papa kamusta kana po?ayos kalang po ba ? Ano pong masakit sainyo? Wag kayo mag alala pa! gagaling din po kayo, kinausap kona yung doctor na gawin lahat para mapagaling lang kayo" aniya ko habang umiiyak sa harapan ni papa.
"Anak?? Riyelah? Patawarin mo 'ko sa lahat ng kasalanan ko. Patawad kung ikaw ang sinisisi ko sa lahat ng nangyayari sa pamilya natin. Patawad anak patawad!! Sobrang laki ng kasalanan ko sayo. Hindi ko alam kung anong magagawa ko para mapatawad moko.anak patawad.
Mahal na mahal kita anak ko" sambit ni papa sabay yakap sakin. Hindi ko sya matiis. Kahit anong tampo ko sa kanya ay papa ko parin sya.3 days past ay unti unti nang gumagaling si papa. Araw araw kong minementain si papa.
Pagtapos ko sa trabaho ko ay deretso na agad ako sa bahay para alalayan si papa."Papa? May dala po akong prutas para sainyo" ngiting bati ko kay papa.
"Salamat anak, ikaw kamusta kana?" Tanong naman sakin ni papa.
"Okay lang po pa! Eto po masaya kasi Hindi kana galit sakin.Ganito pala yung pakiramdam ng walang kinikimkim ng sama ng loob at yung maayos pamilya natin." Aniya ko kay papa.
"Anak pasensya kana ha?! Sa mga inasal ko sa'yo no'n. Pinagsisisihan kona lahat ng kasalanan ko sayo. Dahil hindi ako naging ama sa'yo." Sambit ulit ni papa.at lumapit ako dito para yakapin si papa.
"Okay lang po pa! Naintindihan ko naman po kayo.tsaka matagal nayon past is past.ang mahalaga okay napo tayo. At ang mahalaga ay magaling na kayo" saad ko sa kanya.
Simula no'n ay nagka ayos na kami ni papa. Nag ka asawa narin ako at ngayon at may tatlo nang anak.
Sana may natutunan kayong aral sa kwentong ito. Thank you:)-END-
wp: daniela shin lim
YOU ARE READING
MY FATHER HATES ME
Random/Errors ahead/ Always remember; plagiarism is a crime, thank you♡ Family is one of the most important, if not the most important thing in our lives. Taking time every day to appreciate your loved ones for all that they do helps us to reconnect as a...