Mabilis na lumipas ang mga araw. Tapos na ang graduation namin at dito ako ngayon sa hacienda ng mga Guerrero dahil sinama ako ni Lola kaninang umaga. Ngayon ang huling araw ni Lola sa pagtatrabaho dito sa hacienda.
Nag-usap kami nung nakaraan na ako na ang papalit sa kanya sa pagtatrabaho dahil pahina ng pahina ang katawan ni Lola. Madalas itong atakihin ng hika niya nitong mga nakaraang araw. Natatakot ako na baka bigla na lang itong hindi makahinga at baka pati siya mawala sa akin.
"Tandaan mo ang bilin ko sayo Amethyst Louisse, bawal dito ang maingay sa hacienda. Ikaw pa namang bata ka kapag nagsimula ka ng magdaldal ang hirap mo ng patigilin."
Napasinghap ako at nanlalaki ang mga mata kong humarap kay lola. Umakto akong nasaktan kaya tumawa ito at ginulo pa ang buhok ko.
"Grabe ka naman sa akin La, sa iyo lang naman ako maingay." paglalambing ko sa kanya na totoo naman. Hindi naman ako masyadong palakibo sa ibang tao. Doon nga lang sa school dati kailangan kong makipagchikahan para may bumili ng mga paninda ko.
"O sya sige na, linisan mo na yong swimming pool dadating ang mga kaibigan ng alaga ko, baka maliligo ang mga yun mamaya."
Agad ko namang sinunod ang utos ni Lola, pero ingat na ingat ako. Hindi pa naman ako marunong lumangoy baka maligas yong paa ko dito sa pool tiyak na malulunod talaga ako.
"Hoy Knight, tumulong ka muna dito! Gagong to pabebe!" malakas na sigaw ng lalaki.
"F*ck you, Bro! Talo ka sa pustahan kaya bitbitin mo lahat ng yan!" sagot nito na na tila malapit na sa pwesto ko.
"Gago! Tumulong kayo dito!"
Dinig ko na ang maiingay na tawanan ng mga lalaki palapit sa pool area. Nagmamadali kong kinuha ang mga gamit ko panglinis para hindi nila ako makita, pero huli na dahil may nakalapit na pala sa pwesto ko.
Nahihiya akong yumuko. Iiwas na sana ako pero maagap nitong nahawakan ang aking siko. Alanganin akong nag-angat ng tingin sa kanya. May matamis na ngiting sumilay sa mga labi niya pero hindi ko magawang gumanti.
"Excuse me po, Sir." magalang kong sabi sa kanya sabay hila sa siko kong hawak niya.
"Opps careful." Aniya dahil muntik akong mawalan ng balanse.
"Knight! Leave her!"
Dumagundong ang boses ng isa pang lalaki kaya para akong napasong lumayo sa lalaking tinawag nitong Knight. Hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko may nagawa akong mali, unang araw ko pa naman ngayon.
"Hey Dude! Relax...Ang init ng ulo ah. Hindi mo naman sinabi na may isang miss beautiful pala dito sa bahay niyo."
"Fuck off, Brute!" ganting sagot ng isa.
Hindi ko na hinitay na magtalo pa silang dalawa. "Pasensya na po.." tanging nasabi ko ng hindi man lang tumingin sa mga mukha nila. Bitbit ang ginamit kong panglinis nagmamadali akong lumayo sa kanila.
Dinig ko pang nagtatalo silang dalawa hanggang sa dumating na ang iba pa nilang mga kaibigan.
"Anong problema William? Bakit ang init ng ulo mo?"
Napatigil ako saglit pero kumubli ako sa malaking halaman para hindi nila ako makita. Lima silang magkakaibigan ang andun, yong isang lumapit sa akin na tinawag nilang Knight, tapos may tatlo pang lalaki maliban dun sa tinatawag nilang William.
"Tang-ina kasi tong si Knight eh hindi na nga tumulong sa pagbitbit ng mga gamit, kung ano-ano pang ginagawa. Ang gago pati katulong pinapatulan."
"Ano ngayon kung katulong? Ayos lang sa akin Bro, ang mahalaga mabait, bonus na kung maganda pa." tumingin pa ito sa dinaanan ko kanina.
"Bakit wala ka na bang mahanap na chicks sa Manila kasi pumapatol ka na sa katulong?" sarkastikong tanong niya dito.
BINABASA MO ANG
TAINTED SERIES#3: THE BILLIONAIRE'S MISTAKE (William Anthony Guerrero) COMPLETED
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY "Sorry works when a mistake is made, but not when trust is broken." Sa buhay minsan tayo'y nagkakamali, may mga desisyong hindi napag-isipan at may mga pangyayaring kailangan nati...