08: Danger

99 13 2
                                    

Jungkook.

Nakapag ayos at nakaligo na ako. Nakasuot na ko ng suit, handa ng magpunta sa law firm.

Time check 5:30 AM.

Maaga pa. By 6:30 AM dapat nandun na ko.

Hinigpitan ko ang necktie ko tsaka tinupi hanggang siko ang suit ko.

Bumaba ako sa sala tsaka binitawan ang briefcase bag ko sa sofa.

Mabilis lang akong nagluto ng breakfast ni Sana at tinakpan ko sa may lamesa.

Kumuha lang ako ng isang toasted bread at mabilis itong kinain. Uminom lang ako ng maraming tubig tsaka ko inakyat si Sana sa kwarto niya.

Masarap pa ang tulog niya. Sabi na nga di niya na ko aabutan.

Kinumutan ko lang siya at hinalikan sa noo.

"Good morning~" I whispered bago tuluyang lumabas ng kwarto niya.

Nagsuot na ako ng sapatos at lumabas ng bahay.

Agad akong sumakay sa may kotse at nagmaneho.

Pagdating ko sa law firm konti pa lang ang mga staffs.

I bet public lawyers palang halos ang nasa loob.

Naglog ako sa may information desk tsaka dumiretso sa office ko. May sarili akong office, ako may ari neto eh. Hahaha.

Naabutan ko ang folder sa taas ng desk ko.

Ito na siguro ang description ng kaso na sinabi ni Irene unnie.

Mabilis kong binasa ang buong case at napangisi ako.

Fast Forward.

"You just closed the case in one trial. You never fail to amaze me. Lugmok na si Lee." sabi ni Irene unnie.

Ilang araw ba? 5 days lang dumaan ang kaso sa mga kamay ko, sa first trial sarado agad.

Paano ba naman ang kalaban ko sa kaso sarili niyang anak pinatay niya. Dahil lang sa walang kwentang dahilan na nagkaalitan lang sa propesyon na pinili ng anak niya nagkaganyan siya? Tanginang yan.

Walang kwenta naman kasi ang rason ng taong yun.

"I have to go. Late na, Sana is waiting." paalam ko.

"Nauna ka pang ikasal sakin no. Sige na, ingat." sabi niya at tinapik ang balikat ko.

Lumabas ako ng law firm at napabuntong hininga. Ilang araw ko na nga palang di naaabutan ng gising si Sana dahil na lagi akong late umuwi.

Saturday ngayon at 6:30 ng gabi palang naman kaya maaabutan ko siyang gising.

Sumakay ako ng kotse ko tsaka binitawan sa passenger sit ang briefcase ko.

Niluwagan ko na ang necktie tsaka tinanggal ang black suit ko.

Dumaan ako sa isang convenience store para bilhan si Sana ng smoothie bago dumiretso pauwi.

Pagdating ko andun pa pala ang kotse ni Nayeon noona. Siya kase ang nagpunta dito para samahan si Sana.

As I entered the door, nanonood si Sana ng Mickey Mouse. Ha? Bago yun ah. Langya naging isip bata na nga talaga.

Busy pa siya habang kumakain ng noodles.

"I'm home." I said firmly.

"Umuwi ka pa." She hissed. Nagtatampo yata.

"Nayeon noona, salamat sa pagbantay mo kay Sana." lingon ko kay Noona.

"Wala yun. I have to go narin. Si Jeongyeon ang nakatengga sa cafe ko. Pinerwisyo ko muna." natatawang sabi niya.

Intoxicated » SakookWhere stories live. Discover now