Jungkook.
"Jimin texted me, pupunta daw sila dito. Mga walang magawa sa buhay." sabi ko kay Sana na abala sa pagbabasa ng libro.
Nasa sala lang naman kami at Monday ngayon pero di ako pumasok.
Naglalambing 'tong isa, ayaw nanaman akong paalisin.
Nasakto namang libre ang mga baliw ngayon at mapapadpad naman sila ngayon dito sa bahay namin.
"Pakisabi kay Nayeon unnie gusto ko ng Milktea. All flavors." sabi ni Sana ng hindi man lang ako nililingon.
Langya, ayan nanaman. Waldas pera nanaman tayo.
Nagtext agad ako kay Nayeon noona para mabili na yung pinabibili ni Sana.
Maglilimang buwan na yung bata sa sinapupunan ni Sana and sa next na pagbisita namin sa doctor we will know the baby's gender.
Ang bilis nga ng paglipas ng mga araw. Lumalala rin ang moodswings niya.
Pero gaya ng sabi ko noon, wala akong gagawin kundi intindihin at alagaan siya.
Paulit ulit lang ako neto pero sana naiintindihan niyo. Hirap mag alaga ng buntis no.
Tinigilan na nga niya si Spongebob pero lagi naman siyang nagbabasa ng libro.
Well, mas okay na yun. Lagi nalang akong pinabibilhan ng CD eh. Mahirap maghanap lalo na lahat yata ng episodes napanood na niya.
Hinawi ko ang mga kurtina sa mga bintana para pumasok fully ang liwanag nang magmukhang maaliwalas ang bahay.
Matapos nun, umakyat ako sa kwarto para magpalit ng tshirt.
Pagbaba ko, busy pa rin si Sana sa binabasa niya.
Uminom lang ako ng tubig hanggang may nag doorbell na.
Andito na sila Jimin. Lumabas ako para buksan ang pintuan.
Andami nilang dalang pagkain. Grabe lang.
"Tara pasok kayo." yaya ko sakanila at sinundan naman nila ako.
"Oy oy oy! Kamusta si Sana unnie?" tanong ni Tzuyu at tinabihan siya.
"Ayos lang." tipid na sagot ni Sana. "Nayeon unnie! Yung milktea ko!" agad na usal niya.
"Ito na oh. 12 flavors, bahala kana dyan." sabi ni Nayeon noona.
Umupo nalang sila sa may sofa at itong si buntis nilalantakan na yung mga milktea.
"May dala kaming foods! Hahaha. Party na 'to!" hyper na sabi ni Jeongyeon noona.
"Mina, Tzuyu. Samahan niyo nga ko, lagay natin sa kusina yung mga pagkain." yaya ni Jin hyung sa dalawa na agad naman nilang sinunod.
"Kamusta naman ang pag aalaga ng buntis?" tanong sa akin ni Jeongyeon noona.
"Nakakapagod pero nawawala rin agad kapag nakikita ko siyang masaya." agad na sagot ko.
"Nakalimang buwan kana nga. Nakatagal kana." sabi ni Jimin sa akin.
"Pag naman nilayasan ako niyan, di na niya ako makikita." sabi naman ni Sana.
"Yabang eh." sabi ni Mina na papunta na dito.
Kumuha nalang ako ng pizza tsaka kumain.
"Teka, 5 months na pala yung baby. Paano yan? Kailan ang ultrasound niya?" tanong ni Taehyung.
"Sa Wednesday." sabi ni Sana.
"Ay bet. Pa-gender Reveal party kayo." suhestiyon ni Nayeon noona.
YOU ARE READING
Intoxicated » Sakook
Random❝Let's continue everything because I'm proud to say that I'm inlove with you.❞ Current Status: [ON-GOING]