"Kate ang ganda mo!" Puri saakin ni Thalia sa videocall.Tumingin ako sa katapat na salamin para makita ko ang sarili ko, grabe kahit ako napamangha sa sarili ko sa nakikita ko ngayon. Nakasuot ako ng caramel satin ruffle side cami midi dress and 3 inch silhouette naka suot rin ako ng malaking round earrings para bumagay sa suot ko, nakalugay rin ang bagsak ko'ng buhok.
Ako ba ito? Hahaha oo tanga!
Humarap ako kay Xarvianne na ngayon nakaharap sa salamin para makita ang Sexy blackless drawstring mini dress summer sleeveless strap na white with 4 inch silhouette black nakasuot rin sya ng small circle earrings, nakatali pa ang buhok nya nang paikot pero may naiwan parin na hibla ng buhok nya para makita ang makinis nyang likod.
Grabe, wala akong masabi parang napaka-expinsive nya tignan yung tipo'ng hindi mo pwede hawakan dahil masyado'ng mamahalin.
"Dapat ba talaga kasama ako?" napakamot ako sa ulo ko, hindi ko naman kasi kilala kung sino ang may birthday, tsaka hindi ako sanay sa mga sosyal na birthday party, ngayon nga e nangangawit na ako sa heels ko kahit kakasuot ko lang.
Inaya kasi ako ni Xarvianne dito dahil nalaman nya na wala naman ako ginagawa ngayong araw ng sabado, hindi kasi pwede si Cia dahil marami sya'ng ginagawa sa Council at kailangan asikasuhin kahit sabado ayaw nya daw kasi'ng natatambakan, president kasi namin sya sa buong school ng Saavedra high na pagmamay-ari nila Thalia. Si Thalia naman hindi talaga sya pwede dahil ayaw ni Tita Dalia lalo't na sobrang higpit nito kay Thalia ever since nung bata pa sya.
Napatigil sya sa pag make-up nya at tumingin saakin."Wait hold on, wag mo'ng sabihing aatras ka? No way, Kate pumayag ka right?" Habang nakaturo saakin ang brush nya sa make-up."And beside bihis na tayo..."
"Oo nga Kate, sayang kung hindi ka pupunta ang Ganda pa naman ng dress mo?" Puna ni Thalia sa kabilang linya.
Huminga ako ng malalim bago sumang-ayon, paano pinagtutulongan na ako ng mga ito.
Kasi naman bakit ba kasi kailangan magdress? Eh saamin nga pag may birthday party okay lang kahit wag ka na magdamit, pagkatao mo lang ang kailangan kahit hindi ka pa nga invited okay lang, eh sa mga party ni Xarvianne kailangan may invitation party ka pa bago makapasok tapos magsusuot pa nang kamahal-mahal na damit isang araw lang naman susuotin para sa lintik na event, tsk pero ang kinagusto ko lang naman rito e maraming masasarap na pagkain hindi tulad saamin na spaghetti at pancit nagkakaubosan pa.
"Girls ready?" Tanong ni Kelex sa labas ng pintoan.
Kasama rin namin sya sa event kaibigan nya ang pinsan ni Cia na si
Lyod mas matanda nga lang sila saamin ng 2 taon."Sige, mag-ingat kayo bye!" Paalam ni Thalia, nagpaalam mona ako bago ko ibaba ang tawag.
Papasok na sana kami sa sasakyan ni Kelex na mazda, Nang bigla'ng hawakan ni Xarvianne ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad taka ko sya tinignan.
"I forgot the mask oh my gosh!" Tumatakbo sya pabalik sa bahay nila. Bago pa ako magsalita inunahan nya na ako."Babalik ako just wait!"
Itatanong ko sana sya kung para saan ang mask kaso nagmamadali ito bumalik kaya hindi ko na natanong.
"Where's Xarvianne?" Biglang sulpot ni Kelex sa gilid ko.
Hinarap ko sya. "Bumalik sya sa loob, sabi nakalimutan nya yung mask para saan ba yun?" Tanong ko, Wala kasi'ng sinabi si Xarvianne about sa mask.
"She didn't tell you?" Taka nya'ng sabi, kaya taka ako'ng tumingin sakanya at umiling.
"Really? Ang theme kasi ng party na pupuntahan natin is Mask party, grabe hindi nya sinabi about don?" Sabi nya.
YOU ARE READING
Chasing in the Sunlight (Sports Series #2)
Teen FictionSport's Series #2 Katelyn Akera Rivera is A Volleyball player, She will do her best to make around her happy even she can't do it herself, she really hate about commitment.Until Harold Matthew Ruanzo 'a biker' came to her life.