Nagising ako, dahil sa init na nararamdaman ko sa bandang hita. Naririnig ko rin ang himig ng mga ibon sa labas.
Sakto naman ang pag-alarm ng phone ko. Kinuha ko yun banda sa unan ko tinignan ko pa kung anong oras na. 6:30 pa lang. Madali ko pinatay at binalik sa unan ko.
"5 minutes" pipikit-pikit na sabi ko at muling bumalik sa pagtulog.
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na hampas sa hita ko. "Pota?"
"Katelyn tumayo ka na dyan late na tayo hayop!" Habang nakaupo sa higaan ko at nagsusuot ng sapatos nya.
"Bakit kailangan mo manghampas?" Kunot-noo sabi ko. Kitang kita ko ang pagbakat ng kamay nya sa hita ko. Letcheng babae to.
"Kanina pa kita ginigising halos batohin na ako ni Altheo nang kaldero dahil sa kabobohan nyang nasend yung text nya sa kaharotan nya sa selpon. Tangina, hirap gisingin ang isang Katelyn Akera nakakawala ka nang boses depota." Inis na sabi nya.
Tumayo sya. "8:12 na dalian mo!"
"8:12 pa l--?" Pagkatapos ko matauhan mabilis ako pumasok sa loob ng banyo at sinusumpa ang alarm clock ko, inis ako napapikit ng mariin at napamura sa isip ko.
"Tangina, Yan walang sabon dito!" Sigaw ko sa labas.
"Sisihin mo si Altheo nashot nya yung sabon sa inidoro tignan mo!"
Napatingin naman ako sa inidoro, hindi ko alam kong bakit ko ba sila pinatuloy dito. Nababaliw ako sa kanila.
Pagkatapos ko kunin ang sabon sa inidoro dahil wala akong choose ano? Magiinarte pa ba ako? Syempre hindi na dahil ilalagay ko yun sa bag ni Kupal.
Pagkatapos ko magbihis tinali ko ang buhok ko ng ponytail dahil panigurado na diretso praktis ako, kinuha ko ang duffels bag ko at bumaba na.
Kaagad nag-init ang ulo dahil sa nakikita ko ngayon. Nakangiti si Altheo nagtitipa sa selpon nya. Landi.
"Hoy! Blaizer umagang-umaga ang pangit ng bungad mo!" Insulto ko rito. Pero imbis na mapikon nginitian lang ako nito.
Piste.
Hindi na ata ako mabibiyayaan ng maganda'ng araw kapag kasama ko ang mga ito. Simula na'ng patuloyin ko si Yanyan at Altheo sa bahay ni Tita Arlene ng ngayon kasambahay nila Thalia kaya ako lang ang mag-isa dito dahil nakastay-in sya don, Wala nang araw ang lumipas ng hindi ako badtrip minsan pag-gising swerte na lang kung hindi mambwe-bwesit ang dalawang ito. Isang sabog at isang hindi maintindihan kong lalaki ba?
Sumangyon lang naman ako na dito muna panandalian si Yanyan dahil magulo sa bahay nila kailangan nyang mapag-isa pero nandito. Si Altheo iwan ko ba saan nya nalaman nadito tumutuloy si Yanyan, hindi ako sumangayon na dito sya tumira dahil puro kami babae at lalaki sya. Pero malakas ang alas nya at may-ari nang bahay sya nagpaalam ito naman si Tita tuwang-tuwa sa pambobola ng isang kupal na to kaya yun, kung hindi ko daw sya ipatutuloy ay mas mabuti ako na lang daw ang umalis. Favoritism.
Kaya sa huli sumangayon na rin ako dahil sa sinabi ni Yanyan mas kakailanganin namin si Altheo dahil delikado at puro babae kami para rin daw sa security namin. Security e daig pa nito ang babae kung tumili.
"Ano pang ginagawa mo dyan at kumain ka na,alam kong yan lang ang tatahimik sa nagaalburuto mong bulate." Pag yaya saakin ni Yanyan.
Sa katunayan mas matanda ito saamin ni Altheo parang kaedaran nya lang si Kelex katulad nya ayaw nya rin na tinatawag syang ate kapag ganito at puro kasama nya ay bata sakanya. Pagbigyan bata-isip e.
Same school lang ang pinapasokan namin pero hiwa-hiwalay ang department nang College sa High School. Isang sikat na paaralan kasi pinasokan namin na pagmamay-ari nang Lolo ni Thalia. Kaming tatlo ay scholar dun. Laking pasalamat ko rin na kilala ako ng pamilya ni Thalia dahil na rin sa Tita ko na namamasokan sakanila at kaibigan ako ng apo ng may-ari, kaya napadali ako sa gastosin sa pag-aaral ko.
Tinawag na rin ni Yanyan si Altheo na ngayon ay puro ngiti lang ang ginagawa habang sumusubo sa pagkain nya. Badtrip.
"Hoy! Ano bang meron sa pagkain at todo ngiti ka?" Suwestyon ko kay Altheo.
"Nagpapasalamat lang yata sya Kate. Sa araw-araw natin kinakain." Inosenting sagot ni Yanyan.
"Oo, ang sarap mabuhay!" Masayang sabi nya.
Ano'ng masarap mabuhay? Marami'ng tao nagre-reklamo dahil sa hirap ng buhay nadina-danas nila tas ito'ng kaharap ko nasasarapan?
Diba dapat sakit muna bago sarap.
Hindi na ako nagsalita dahil nakakabobo lang ang mga sagot nila. Edi ikaw na matalino.
Nagmamadali na rin ako pumasok sa Court, kasabay ko pumasok si Altheo same sport lang naman ang kinuha namin dahil doon kami magaling at may alam. Volleyball.
Si Yanyan pumunta na sa building nya dahil isang minuto na syang late sa klase nya, mamaya pa ang klase namin sa hapon. May praktis lang talaga kami kaya maaga kami dito, tsaka diretso pasok na din kami.
"Napaka-special talaga!" Bungad saakin nang kateammate ko na si Angel.
Lumitaw kaagad ang ngisi sa aking labi. "Mahilig ako sa Rebisco e!"
"Apaka corny!" Piniringan nya lang ako ng mata. "Captain! Nadito na si Kate!" Tawag nya sa captain namin na si Tricxy.
Napatingin ako kaya Tricxy na kanina nag-aayos ng mga bola ngayon tumutungo sa pwesto namin ni Angel.
"Pinapatawag ka ni Coach Luweyn."
Napa-awang ang bibig ko. "Ha? Bakit daw?"
"Hindi ko alam e, basta pinapatawag ka lang nasa office sya ngayon."
Tumango ako. "Sige, punta na ako!"
Kaagad ako pumunta sa office ni Coach hindi ko alam kong bakit pero sobrang kinakabahan ako gayon wala naman akong nakikitaang mali, maliban sa lagi akong late.
"Nabalitan mona ba, bumalik na daw si kuya galing states!" Hindi makapaniwalang sabi nung 4th year na babae ng kasunod ko.
"Oo alam ko yun! Laki ng pinagbago nya."
"Oo nga.." malungkot na sabi nung babae.
Hindi na ulit ako nakinig sa usapan nila dahil labas ako dun. Malapit na ako sa office ni Coach ng makita ko na lumabas sya, mukhang masaya. Literal na masaya.
"Coach!" Tawag ko, tumatakbo ako papunta sakanya.
"You're late again miss Rivera!"
Yumuko ako. "Sorry sir!" Inangat ko ang tingin ko kay Coach kaagad nanliit ang mata ko sa katabi nyang lalaki.
"It's okay, pero alam mo ang rules natin right?" Pag-papaalala nya ulit.
Huminga ako ng malalim bago tumango, panibagong penalty na naman, kapag sunod-sunod kasi ang late mo sa tatlong araw makakatanggap ka ng penalty kung ano ang inassign sayo dapat taposin mo din yun ng tatlong araw. Unfair kasi yun sa mga ma-aaga pumasok.
"Let's talk about that later." Bumalin sya doon sa pamilyar na lalaki. "Hindi ko sya kanina na introduce sayo dahil late sya, by the way this is Katelyn Akera Rivera my player." Ngumiti Ito saakin ganun din naman ako sakanya. "and this is Harold Matthew Ruanzo."
"Nice to meet you, just call me Kate." I offer my hand to him.
Tumingin lang sya don. "Nice to meet you Kate."
Napapahiyang binawi ko ang kamay ko dahil sa hindi pakikipag hand shake saakin. Edi wow.
Napaka-arte akala mo kung sinong tong may pangalan na Arinola.
____________________________________________________________________________
Hi guys! I just recently change my username LUNARUBYJAE into ELYSIANLUNA30 because I've wanted to change it before, ngayon lang ako nagkaroon ng time.
If you wanna ask why ELYSIANLUNA30
ELYSIAN
-(adj.) beautiful or creative;
divinely inspired; peaceful and perfect.you can search it in Google.
LUNA
- Im inlove with moon. so yeah!
Soon I will explain why, but not now.30
-the day I exist in this world.
YOU ARE READING
Chasing in the Sunlight (Sports Series #2)
Teen FictionSport's Series #2 Katelyn Akera Rivera is A Volleyball player, She will do her best to make around her happy even she can't do it herself, she really hate about commitment.Until Harold Matthew Ruanzo 'a biker' came to her life.