Chapter One "("Intro")"

1.7K 18 8
                                    

No Prologue

Chapter One

Ayan bongga na ngayon ang role ko di na model, katulong na.

Walis dito! Walis doon! 

  Wala kasi kaming katulong. Ako lang. ayaw ko kasing may gumawa pa ng mga gawaing bahay na dapat ako ang gumawa. Hindi kasi ako pinalaking spoiled. Tinuruan ako ng mga magulang ko kung paano maging responsible at dumisiplina sa sarili. Pero minsan lang naman ko to ginagawa kasi may pumupunta naman ditong katulong sa bahay 3 times a week.

At least may libangan ako except sa pagbabasa ng libro.

‘’Hoy!’’ nagulat ako ng may sumigaw sakin. Grabe kung makasigaw wagas na wagas parang walang bukas. Mabuti na lang wala akong highblood. Agad nman akong humarap dito.

‘’May pangalan ako!’’ irap ko sa sumigaw. Nakabihis siya at mukang may lakad. Siguro haharap naman ito sa camera eh yon lang naman ang ginagawa nito beside sa study nito. Isa kasi itong model ng mga brief! Joke lang! heheh. Actually fashion model siya. Panu ang gwapo kasi niya. Parang inukit ng iskultor ang katawan at mukha.

Palagi ito kinaguguluhan sa school at syempre  sa mall. Kulang na lang nga ay pumarada ang mga babae para dito, isama pa ang mga bakla. Habulin talaga kasi siya. Ang lakas kasi ng karisma niya. Ngiti pa lang niya ulam na. Lahat ng babae napapalingon pati nga pusa napapanganga. Sino naman ang hindi di ba at kahit siya nga hindi nakaligtas dito

’Aalis muna ako.’’ Paalam niya. Hindi na ako nagtaka. Madalas kasi itong umalis at gabi na kung maka-uwi.

Jackpot din dahil  Mag-isa lang ako dito sa bahay. Haha. Yes! Solo lang ako walang abala.

‘’So?’’sabi ko na lang syempre hindi ko pinahalata na masaya ako. Pakialam ko kung aalis sia. Eh di mabuti.

‘’Wag mo na akong hintayin mamaya ha?’’ ngiting sabi niya. Aba anong feeling niya hihintayin ko siya? Duh! hindi ako ganun kadesperada noh. Akala niya siguro seseryosuhin ko ang pagkakaroon ng asawa. In his dreams!!!

’Ha! Talagang hindi kita hihintayin.’’ Sabi ko sa kanya na nakataas ang kilay. Duh! Ano sya mayor na hihintayin ko? Feeling niya lang yon.

‘’Really? Eh di ba yun ang ginagawa ng asawa?’’ Lalong inilapit niya ang mukha sakin. Nilayo ko naman agad ang mukha.

‘’Tse! Mangarap ka dahil hindi ko yon gagawin’’ tinalikuran ko na lang sya baka kung ano pa ang masabi ko.

’Sige! Bye Trixia!’’ malambing na sabi niya sakin. Nagtaka ako sa ginagawi niya. Himala at hindi mainit ang ulo. Kadalasan kasing umaandar ang tantrums niya. Pero Masaya na rin ako at hindi kami nagbangayan.

‘’Yuuucccckkkkk!’’ Sigaw ko. I rolled my eyes. Kahit kailan ang yabang niya talaga!!!

Humalakhak siya. Paglingon ko ay wala na siya. Nakalabas na.

Hmmp. Hanggang kalian ba yon magiging feeler? Akala niya siguro ma-iinlove ako sa kanya. Well nagkakamali siya dahil hindi yon mangyayari. Super yabang talaga!!! Nakakainis!

Oo, mag-asawa nga kami pero sa papel lang. 1 week pa lang kaming nagsasama sa isang bahay. Take note sa bahay lang hindi sa kwarto. Syempre separate kami. Bawal pa kasi. Hindi naman sa gusto kong magkasama kami it’s because bata pa kami. 2 years ang agwat niya sakin. He’s 18 and I’m 16 pa lang.

Ang nangyari ay arrange marriage. Pinagkasundo kami ng magulang namin. You know naman basta magbestfriends ang mga parents ano pa nga ba ang gagawin nila sa anak nila. Eh di ba ipagkasundo. Matagal na kasi daw nila yon napagplanuhan na kapag lalaki at babae ang naging anak nila, ipapakasal.

Hay! Sana naging lalaki na lang ako o siya ang nagging babae para hindi na ako nakatali sa bwisit ng marriage na ito. At syempre hindi ko makakasama ang mayabang na unggoy na yon.

At saka 4 years pa lang kaming magkakilala ng unggoy na yon. Sa States kasi ako nag-aral noon at nagtransfer dito sa Pilipinas ng mag-first year high School ako. Talagang pinlano talaga ng parents namin ang lahat lahat.

Hanggang ngayon sikreto ang marriage naming kasi nga bata pa kami. At malaking isyu yon sa school. At syempre ako rin namn ang nagsabi na wag ipaalam. Kung malalaman man ng iba siguradong hindi sila maniniwala. Sa itsura kong ito magkakagusto ang isang katulad ni Terrence Jade Montenegro? Iisipin lang nila na nahihibang ako.

 Dahil hindi pwede ang magpakasal dito sa Pilipinas ng below 18 ay nagpasya ang mga magulang naming na sa ibang bansa kami magpapakasal. Nakakainis nga dahil biglaan lang ng malaman ko ang tungkol sa kasal ay gusto kong magrbelde sa magulang ko. Nanaisin ko pa ngang magpabaril sa Bagumbayan kaysa makasama ito.

Una nastarstruck ako kay Terrence kasi gwapo ito. Halatang marami ang nagkakagusto sa kanya dahil napapalingon ang mga babae kapag dumadaan siya. Iniisip ko noong una kung mapapansin niya ako. Pero sino ba naman ako napapansin niya eh dakilang nerd ako ng campus. In short walang nagkakagusto sakin. Kung hindi pa siguro ako ipinakilala ng parents ko sa kanya hindi niya pa ako titingnan.

At ngayon ito nga kasal kami at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may asawa na ako. Sino ba naman ang papayag sa ganitong set up?  

My Status: Married (Secretly Married FanFic 3) - HIATUS-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon