Chapter 2
Maaga akong nagising. Isinuot ko ang eyeglass ko at inayos ang higaan.
Nasanayan ko na kasing magising ng maaga. Pagdating ko sa kusina ay nagulat ako. Wow! Ang aga niyang nagising. Don’t me tell may pupuntahan siya. Pero infairness ang gwapo niya pa rin kahit bagong gising. Hindi pa kasi ito nakakabihis ng knyang pantulog.
‘’Ang aga mo naman nagising’’ sabi niya sakin habang ngumunguya ng tinapay. Sana mabilaukan. Joke lang!
‘’ Eh maaga naman talaga akong gumising palagi ah. At himala nauna ka pa sakin.’’ umupo ako sa harap niya at kumuha rin ng tinapay.
‘’Don’t worry wala akong pupuntahan’’ Sinagot nga nito ang tanong niya sa isip. Pero syempre inaasar niya na naman ako. Paki-alam ko.
‘’As if I would care!’’ Kahit nga hindi ka pa umuwi ok lang. Syempre hindi ko na yon idinugtong. At saka ang aga pa para sa laban.
"Gusto mo ng gatas?’’ offer niya sakin.
‘’No thanks titimpla rin naman ako.’’ Wala kasi akong mood na sakyan ang trip niya.
“May gagawin ka ba mamaya?” Tanong niya habang nakatingin sa bawat galaw ko.
‘’Wala!’’ agad na sagot ko. Bakit naman kaya to nagtanong?
‘’May pupuntahan?’’ tanong ulit niya. Bakit? Sasamahan niya ba ako kung meron?
‘’Alam mo pareho lang naman ang tanong mo eh. Kapag sinabi kung wala meaning wala talaga akong gagawin o pupuntahan.’’ Litanya ko. Tanga ba to? Eh pareho lang naman ang tanong.
‘’Oo na matalino ka na. Naninigurado lang naman.’’ Mukang uminit ang ulo niya dahil 1 point na naman ako. Haha. Kumain na lang ito ng tahimik at ganon din ako. Matapos niyang kumain ay umalis na.
Siguro nasira ang mood o baka naman meron siya. Ang galing ko kasi. Haha. Kahit wala akong pambato ng face may utak din naman ako nuh.
Tinapos ko ang pagkain at dumiretso sa Veranda. Naabutan kong tumitingin si Terrence sa hawak nitong papel at syempre may ballpen rin sa harap nito at blank paper. Ano to?
‘’O mabuti tapos kana. Akala ko after 10 years pa!’’ hala mukang meron ng sya. Haha.
BINABASA MO ANG
My Status: Married (Secretly Married FanFic 3) - HIATUS-
HumorDi ba sa isang agreement lang ang rules na yon? Bakit sa marriage meron?