Chapter 3 "("Rules")"

476 14 32
                                    

Chapter 3

‘’Rules?!’’

‘’Wow! Ang sweet namn ng asawa mo pa rules rules pa!’’ bulalas agad ni YhyashiraHVH ng matapos kong maikwento ang deal naming ni Terrence.

Yhyashi is my bestfriend. Ang haba ng pangalan niya nuh? At ang hirap bigkasin. Ganito ang pagbasa nun Yashirah. Just simply as that. Hindi ko pa rin nga alam kung saang lupalop ng universe kinuha ng parents niya ang pangalan para sa anak ng mga ito. Hindi ba nila inisip na balang araw pwedeng mahirapan ang anak nila sa pangalan pa lang. Tinanong ko sya noon kung ano at bakit yun ang pangalan niya. Sagot niya ay Choosen One daw ang ibig sabihin nun sabi ng parents niya.

‘’Duh! Kailan pa ngging sweet ang unggoy na yon?’’ sabi ko habang nandidilat dito.

‘’May naisip ako.’’ Iniwan niya ako at pinuntahan ang PC. Meron siyang niresearch at print agad. Nagtataka ako kung ano yun. Grabe my koleksyon ba ito ng rules?

Iniabot niya ang ppael sakin. Nagtatakang binasa ko ang nakasulat. Pumalatak  ako.

‘’Rules of a happy marriage? Nagjojoke ka ba?’’ bulalas ko.

Ano bang pumapasok sa kokote niya?

‘’Gusto mo ba talagang maging katawa-tawa ako sa harap ng unggoy na yon? Ano na lang ang sasabihin niya pagbinigay ko to? Na ang talino ko hindi man lang marunong gamitin ang utak? At saka iisipin nun na may gusto ako sa kanya?’’

‘’Bakit? Wala nga ba?’’ aba parang wala lang sa kanya. Siya lang kasi ang nakasaksi at naka-alam kung gaano ako ka-obsessed kay Terrence noon.  Alam niyang pinipigilan niya ang pagtawa. Sige try niya lang akong pagtawanan at makikita niya ang hinahanap niya.

‘’Heh! Noon pa naman yun at saka wala na akong gusto sa kanya ng malaman ko ang totoong sya. At beshi mali ang nasa isip mo!’’ nahilamos ko ang kamay sa mukha.

 ‘’Eh kasal naman kayo ah. Sino man siguro ang gagawa ng rules of marriage na yan, yan ang ilalagay nuh! Wag ka ngang OA!’’ sinermunan niya pa ako habang nakangisi. Lumulutang ba ang utak nito?

‘’Beshi! Hindi to ang ibig kong sabihin. Ni sa hinuha ko nga hindi ko ma-iisip na magkakaroon kami ng happy marriage. Akala ko ba nakikinig ka sakin kanina.’’ Lalong nanlaki ang mata niya.

‘’Syempre nakikinig. Alam mo bago lang ako nakarinig na ang mag-sawa hindi gusto ng happy marriage eh! Hahahah!!!!’’ humagalpak siya ng tawa.

Binato ko siya ng unan. Swerteng naka-iwas siya.

‘’Wag mo nga akong pagtawanan!’’ naiinis na sabi ko.

‘’Ikaw namn kasi sino ang hindi matatawa di ba? Tandaan mo ikinasal kayo!’’ hindi na  ito tumatawa pero hawak pa rin ang tiyan.

‘’Hello!  Baka nakalilimutan mo na arrange marriage lang ang nangyari samin.’’ Paalala ko sa kanya.

‘’Ah oo na po. Naiintindihan ko na!’’ pero bumungisngis pa rin siya. Hinampas ko siya ng unan. At jackpot natamaan ko siya. Naghabulan kami habang naghahampasan ng unan sa silid nito. Ng makontento na kami at napagod ay napahiga kaming pareho habang habol ang hininga.

‘’So ano na ang ilalagay ko dito?’’  tiningnan ko sya. Malalim ang kunot niya sa ulo. Mukang ang lalim ng iniisip.

‘’Ah! Alam ko na!’’ pumitik pa ito sa ere na parang naka-isip ng bright idea.

‘’Talaga? So anong ilalagay ko dito ng matapos na to!’’

‘’Ganito…..’’

O ayon nga nagtulungan kaming dalawa sa pag-iisip na g pwedeng isulat. May times na isinisingit niya pa rin ang happy marriage at nauuwi kami sa hampasan.

Meron din siyang isina-suggest na hindi ako sang-ayon. Kasi ang iba ay out of this world na. at ang iba ay likha na naman ng maduming utak niya. Tawa ako ng tawa sa mga sina-suggest niya.

Ilang oras rin kami sa ganoong ayos.

’Ay salamat na tapos rin! Grabe parang kumuha ako ng exam sa UP sa kakaisip na ilalagay dito!’’ sambit agad niya habang nakahiga sa kama. Inabot sila ng tatlong oras sa silid niya.

‘’Salamat best ha! Alam mo naman na hindi ko kaya ‘to kung wala ka!’’ sabi ko.

‘’Hmmp…wala yon at saka bestfriend naman kita!’’ Niyakap ko siya. Sa panahon ng kalungkutan ko ay siya ang karamay ko. Siya ang nagpapatawa sakin at nagcoconsole. Lalo na ng panahong sinabi ng parents ko ang tungkol sa kasal. Siya ang nilapitan ko at hindi naman ako nabigo  dito.

Parang kapatid na rin ang turing naming. Wala kaming inililihim sa isa’t-isa kaya nga siya lang ang nakaka-alam sa mga kaibigan ko tungkol sa pagpapakasal ko. Lahat ng sikreto ng bawat isa samin alam pati ang sekreto sa katawan. Siya lang ang nakaka-alam ng tunay na pagkatao ko. Kung ano ako. Kung bakit binansagan ako ng campus na NERD. Alam niya ang lahat lahat. Kaya grabe ang tiwala ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin kung wala siya.

Matapang rin naman ako. Pero pagpamilya at emosyon ko na ang problema lumalapit agad ako sa kanya. Nagpapasalamat nga ako sa Maykapal na binigyan niya ako ng bestfriend na kagaya ni Yhashi. Para sakin isa siyang anghel na ipinadala ng Diyos para makasama ko.

Natapos nga namin ang ginagawa. Dun na ako kumain ng dinner sa kanila. Pagkatapos ay nagpa-alam na ako dito. Lubos ang pagpapasalamat ko sa kanya sa pagtulong sakin. Habang umuuwi ay  nakangiti pa rin ako. Maraming nakakalokong pangyayari ang naiisip ko sa magiging reaksyon ni Terrence pagnabasa ang rules na gusto kong ipagawa sa kanya. J

:)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Status: Married (Secretly Married FanFic 3) - HIATUS-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon