Chapter 1

5 2 0
                                    

Finding someone who will treat you the way you deserves to be treated is kinda hard. Nowadays, boys are treating girls like toys, dumping one girl to be with another, then dumped the another for other girls, doing the same thing over and over again-breaking someone's heart. I can clearly tell that I have a crush with my seatmate, Jacob. But I can't tell if he can like me back the way I like him. I can't see him as the man whom I will see waiting for me while walking down the aisles. Maybe I did like him but do not love him.

I guess I won't find love anymore, I'll just wait for someone who will make me the happiest girl by loving me. Someone who will make me feel that I am worth it. Someone's who's worth the wait.

Of all the girls in our school, masasabi kong isa ako sa nabiyayaan ng magandang pangangatawan at mukha. Hindi din ako kasingsama ng mga mean girls na walang ibang ginagawa kundi mangbully. I'm just a sophisticated-looking young girl. Straight lont hair, fitted body, fair skin, slender legs, brown eyes, and pinkish lips. Ilan lang 'yan sa mga katangian ko. They also known me in school because my parents are both highly respected architects around the world.

With that thoughts of mine, I immediately ran down the cafeteria to have some snack. Nakakagutom ang pag-iisip!
I bought some pancakes and juice and brought them in to one of the benches near the school's forest. Yes, may forest dito sa school namin and I kinda like it, though ang creepy kasi sobrang tahimik sa part na ito ngunit sobrang peaceful.

Umupo ako sa isang bench at nagsimulang kumain. Nagsimula na din maglakbay ang isip ko at gumawa ng kung ano anong imahinasyon. Pagkatapos ng labing-limang minuto ay bumalik na din ako sa room.

Third subject pa lamang ngunit nawawalan na ako ng interes sa pag aaral. Ni hindi ko maintindihan ang mga tinuturo, walang pumapasok sa utak ko!

Bumalik ako sa wisyo nang magring ang bell ng school. Tumayo ako at isinukbit ang bag at pagkatapos ay dumiretso sa parking lot. 'Ayun at naghihintay ang aking sundo para makauwi. Lumapit ako sa kotse habang pinagbuksan n'ya ako ng pinto. Sumakay ako sa loob at nagsimula na s'yang magmaneho. Tumigil kami sa isang napakalaking gate na napapaligiran ng matataas na bakod at pine tree. May kalamigan rin sa lugar na ito marahil ay gawa ng lokasyon nito na nasa mataas na lugar. Nabuksan na ang malaking gate at nagtuloy na kami sa pagmamaneho. Mahigit limang minuto bago kami nakarating sa bahay or should I say mansion.
Sa unang tingin pa lamang sa labas ng bahay ay masasabing moderno ito. Mula sa nakasabit na chandelier sa may main door, sa mga antique na statue sa may fountain, sa mga bulaklak na hindi biro ang pagkakakilanlan, at sa mga isda na galing pang ibang bansa. Malalaman mo kaagad na hindi tinipid sa pera ang pagpagawa sa ganito kalaking bahay.
Pumasok na ako at unang bumungad sa akin ay ang masarap na amoy. Ang paborito kong sisig!

Nagmamadali kong inilapag ang bag sa may sofa saka hindi nag-atubiling tumakbo papuntang kusina. Hindi nalalayo ang kusina sa sala kung kaya't maaamoy mo kung ano ang iniluluto sa pagtapak mo pa lamang sa loob ng bahay.

Nang makarating ako sa kusina, bumungad sa akin si mama na naglalagay ng calamansi sa sisig. Sa amoy pa lang ay alam na masarap na.

Humalik ako sa kaniyang pisngi bago umupo sa isa sa mga upuan sa dining table. Kapagkuwan ay sumunod s'ya sa akin bitbit ang nagpuputukang sisig. Sira ang diet ko nito pero ayos lang kasi sulit ang sarap.

Sinandukan n'ya ako sa aking plato gaya ng nakasanayan bago umupo sa tapat ko. Malaki ang dining table. Kakasya siguro ang dalawampung katao dito. Masyadong malaki ito para sa aming mag-ina lamang kaya tinawag ko si Mama Helena, ang aking itinuturing na pangalawang ina, upang tawagin ang iba pang kasambahay para ayain silang kumain.

"Mama Helen, halina kayo dito, sabay sabay na po tayong kumain", pagtawag ko sa kaniya na abala sa pagpupunas ng mga pinggan.

Naramdaman kong may humaplos sa aking kamay at nakita kong si Mama iyon.
"May ginagawa pa s'ya, ayaw mo bang ako lang ang makasalo mo ngayong hapunan?", tanong ni Mama Solidad, ang biological mother ko.

"Hindi naman po sa gano'n pero marami pa naman pong pwesto dito sa hapag kaya kasya tayong lahat kumain dito", paliwanag ko.

Ganoon na lamang ang gulat ko nang hampasin n'ya ang mesa nang sobrang lakas. Rinig na rinig sa buong kusina ang paghampas na iyon.
"Hindi mo ba maintindihan na ayokong kasabay ang mga katulong kapag kumakain tayo!?", sigaw ni Mama sa akin.

Hindi naman na bago sa akin ang ugali ni Mama Sol ngunit may ibang ugali s'ya na ngayon lamang lumalabas.

Napayuko na lamang ako at pinipigilang humikbi. Nag-angat ako saglit ng tingin bago tumayo.

"Di po pala ako kakain, busog po ako", may sama ng loob na sagot ko at nagmamadaling tumakbo papuntang sala, kinuha ko ang bag sa sofa ar umakyat sa kwarto. Inilock ko ang silid bago dumapa sa kama.

Bakit ganoon si Mama? Gusto ko lamang naman maging fair sa mga kasambahay namin. Gusto kong i-trato sila sa paraang mas deserve nila.

Kapag nandito si Mama sa bahay, lahat ng rules n'ya ay nasusunod. Kabilang na ang hindi pagsabay ng mga kasambahay sa amin kumain. Makakakain lamang sila once matapos ang utos sa kanila. Ganoon s'ya kalupit. Bagay na ayoko sa ugali n'ya.

Napansin kong umiilaw ang phone ko sa bag kaya kinuha ko ito at tiningnan. Nagf-flash sa screen ang caller ID. Drake?

Sinagot ko ang tawag at ininapat ang phone sa tenga.

"Hey, are you home?", panimulang bungad n'ya.

"Yes, and guess what?", saad ko.

"I already knew it base sa pagsabi mo, andiyan ang Mama mo 'no?", tanong n'ya.

I let out a sigh bago sumagot.

"Yes, ganoong set up pa din", sabi ko sa kaniya.

"Kaya pala feeling ko di ka okay ngayon kaya napatawag ako bigla sayo, anyways punta ako mamaya d'yan dadalhan kita ng Ice Cream", saad n'ya na ikinatuwa ko.

"Bilisan mo dude", huling sabi ko bago ibinaba ang tawag.

Si Drake ay isa sa mga kababata ko. Marami akong kababata ngunit s'ya lang yung pinakaclose ko. Sa school, kaming dalawa ang buddies. Magkaiba kami ng year, I'm a fourth year high school habang grade 11 naman s'ya. Sa uwian ay hindi kami halos magkasabay dahil magkaiba ang oras ng pag-uwi n'ya. Minsan naman ay nagsasabay kami umuwi depende sa schedule. Kilala rin s'ya ng parents ko kaya naman he is free to go in and out of our house. Let's just say na s'ya ang "trusted friend" ng mga parents ko. Though mapagbiro din s'ya minsan pero hindi n'ya ako pinapabayaan.

Nakahalumbaba ako sa kama nang makarinig ako ang busina ng sasakyan. Dali-dali akong bumaba ng bahay sa pag-aakalang si Drake ito ngunit hindi. Tumingin ako kay Mama Sol na palapit sa gawi ko dala ang isang maleta.
Humalik s'ya sa pisngi ko bago sumakay sa kotse.
"I have a flight na ngayon, next month pa ang balik ko, wag ka na magtampo iha, ingat ka ha, i love you", simpleng saad n'ya bago sinenyasan ang driver na magmaneho na. Bumuntong hininga na lamang ako. Sanay na ako sa set-up na ito. Lagi silang nakatutok sa pagpapalago ng business habang di na nila naaalala ang anak nila dito sa Pinas.

Papasok na sana ako sa loob nang marinig ko ang pamilyar na busina. Lumingon ako ulit at nakita ko ang lamborghini ni Drake na kumikinang pa. Bumaba s'ya suot ang isang Calvin Klein na brand ng damit. Kahit kelan ay hindi s'ya nawawala sa uso. Bitbit n'ya din ang pagkalaki laking paperbag. Nanguna s'ya pumasok sa loob ng bahay at sumunod ako. Umakyat s'ya sa kwarto ko habang nakasunod ako sa kan'ya. Binuksan n'ya ang ilaw at gaya ng nakasanayan,
"Ang dilim palagi ng kwarto mo e!", sermon n'ya sa akin.

Tumawa lang ako at lumapit sa kan'ya. Inunahan ko s'yang buksan ang paperbag na hawak n'ya. Naroon ay dalawang malaking gallon ng Ice Cream. Kasya na ata ito sa walong katao. Humiga s'ya sa kama ko na agad kong sinuway.
"Nadudumihan ang kama ko hoy!", sigaw ko sa kan'ya.
"Wow ha, mas mahal pa nga itong damit ko kesa sa kama mo e", banat n'ya.
"Hoy! Baka nakakalimutan mong Hastens Vividus 'yang hinihigaan mo, mahal pa yan sa buhay mo!", sigaw ko at kumain ng Ice cream.

Nagpatuloy ang kulitan namin hanggang sa nagpaalam na rin s'yang umuwi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A FORBIDDEN LOVE OF OURSWhere stories live. Discover now