Prologue

8 0 0
                                    

Hindi ko alam kung kailan nagsimula.

I saw how he smiled when he saw me entering the classroom. That gesture hid his eyes. I can't stop thinking about it.

"Ella, titig na titig ka. Alam ko namang gwapo ako. Huwag mo na itanggi."

Inayos ko ang aking tayo at naglakad palapit sa upuan nya. Oo na, Ryle. Gwapo ka na. But I will never admit it to you, atleast not in front of you.

"Ikaw lang ata nakakaalam non." Sambit ko bago umupo sa tabi nya.

"Patingin naman ng assignment mo sa English. Reference lang hehe." baling nya sa akin.

"Ayan tamad-tamad mo kasi. Puro ka laro!"

"Si Mama ka ba, Estrella? Parehong-pareho kayo ng sinasabi eh. Sige na patingin ako." Saka nag-puppy eyes.

"Oo na, sige na." Sabay labas ng notebook namin sa English.

"Doon ka na sa upuan mo. Babalik ko na lang mamaya." Sabi nya sa akin.
"Mangongopya ka na lang, papaalisin mo pa ako." Saka ako tumayo. "Bibili mo ako ng chicken wings mamaya! Mababaog ka kapag hindi mo ako nilibre!" Pagkatapos ko sabihin yun ay naglakad na ako papunta sa aking upuan.

Since halos kakasimula lang ng klase ay marami pang professor na hindi pa pumapasok. Wala kaming ginawa sa classroom kung hindi magdaldalan nang may biglang kumatok sa pinto.

"Ella, pinapatawag ka ni Ms. Arianne sa faculty." Anang ng lalaki.

Tumayo ako at naglakad papuntang faculty. Habang naglalakad ay maraming tumatawag sa akin.

"Miss, pahingi naman ng number mo?"

"Miss, ang ganda mo lumilinaw mata ko kapag ikaw ang nakikita ko."

"Miss! Ang sarap mo!" At doon na ako nainis. Agad kong nilapitanh at kinuwelyohan ang lalaki.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo?" I stated in a cold tone.

This guy has the guts to smirk. "Sabi ko, ang sarap mo." I grinned and started to knee his "where-it-hurts-the-most".

"Tangina mo!" Sigaw ng lalaki. Tutuhurin ko na sana ulit nang may narinig akong sumigaw ng pangalan ko.

"Estrella Louise! Hindi ba sabi ko huwag ka nang makikipag-away. Hindi ka makakagraduate ng may Latin Honors kapag nagkaroon ka ng record!" Si Ryle pala.

"Pasalamat ka may pumigil sa akin. Kung wala, malamang ay baog ka na ngayon." Sambit ko sa lalaki. "Halika na, Ryle. Samahan mo muna ako sa faculty saka mo ako ibili ng chicken wings." Baling ko kay Ryle.

Pagpasok ko sa faculty ay nakita ko ang isang estudyanteng babae, mukhang transferee.

"Ms. Arianne, bakit n'yo ho ako ipinatawag?" Sabi ko.

"Ella, this is Jenelle. Transferee. Since ikaw ang may pinakamataas na grado sa department n'yo, ikaw ang inaatasan ko para makahabol si Jenelle." Pag-eexplain n'ya sa akin.

Binalingan ko ang babae saka ko nginitian. "Hi, I am Ella. Halika na, sumama ka sa akin. Kakain kami nung kaibigan ko."

Pag labas namin ng faculty ay nakita ko si Ryle na nakatulala sa amin. I snapped my fingers in front of his face at mukhang bumalik naman ito sa huwisyo.

"Ryle, si Jenelle, transferee. Jenelle, si Ryle, bestfriend ko." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Hi, Jenelle. I am Ryle" Namumula ang tenga ni Ryle habang inooffer ang shake hands.

Masama ko s'yang tinitigan.

"What, Estrella?" Baling nya.

"Kailan ka pa nahiya? Pulang-pula yang tenga mo oh." Sagot ko sa kanya.

"Huwag mo pansinin sinasabi n'yan, Jenelle. Sumama ka sa amin kakain kami ng wings." Aya n'ya rito.

Habang kumakain ay nakatingin lang ako sa kanila. Mukhang enjoy na enjoy si Ryle sa bago naming kasama dahil hindi nawawala ang ngiti nito sa mga labi n'ya.

Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa classroom. Si Jenelle ay umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Ryle. Dumeretso ako sa upuan ko at pumikit.

May naramdaman akong humawak sa ulo ko at sinandal ako sa balikat n'ya. Pagdilat ko nakita ko si Ryle.

"May problema ka ba?" Tanong n'ya sa akin.

Tinanggal ko ang pagkakasandal ko sa balikat n'ya. "Pagod lang." Tipid na sagot ko.

Inilagay n'ya ulit ang ulo ko sa balikat n'ya. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Rest." Sabi nya.

Pinikit ko ang mata ko at dinama ang yakap ng kanyang braso. Nakakatakot na baka maramdaman n'ya ang bilis ng tibok ng aking puso.

"Binastos ka ba kanina?" Tanong n'ya.

"Huwag mo na sila pansinin. Nakaganti naman ako." Sagot ko.

Nung uwian na ay sabay kami umuwi ni Ryle.

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Mom na naghahalaman sa kanyang garden.

"Ma. I'm home." At sinalubong sya ng yakap. "Ano ulam?" Tanong ko.

"Naku, nagkasakit si Manang. Walanh nakahain. Ito na lang pera. Kumain ka sa labas." Sabi nya sa akin.

"Sige Mom. Thanks." Saka ko s'ya hinalikan sa pisngi.

Umakyat ako sa kwarto ko saka nagbihis.

To: Ryle
Tara, kain tayo sa labas. Walang pagkain.

He replied.

From: Ryle
Sure. Puntahan kita in 5 mins.

Instead na kumain sa labas ay nagdala s'ya ng pagkain para sa lahat ng tao sa bahay.

Para sa kanila yung dala, akin na lang sana yung nagdala.

Catching the StarWhere stories live. Discover now