THE WORLD OF SURVIVAL
It's now living and dead's war. Insane or sane, violence can still be seen. Only hope can stand in between as all of them wants to survive and win.
 ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄ ̄
THIS is boring but the way Drio and the guys walked is fun to watch. Naglalakad sila na parang mga pagong sa sobrang bagal at para namang huminto ang mundo kapag may lumalapit sa amin na mga ulol. It's like I'm watching pause and play live video. Ngumisi ako at umiwas ng tingin dahil baka matawa ako ng wala sa oras.
Ilang buwan na ba ang lumipas? Ba't nagmukhang ganito ang lungsod na 'to? Kung sabagay, di na nakakapagtaka kung bakit ganito.
Sa bawat dinadaanan naming mga gusali, kung hindi man basag ang mga salaming pinto, sira naman ang mga pader. Ang mga sasakyang nabangga, natumba at iniwanan ay nasa gitna o gilid ng kalsada. Dried bloody hand marks are either on the car's glass windows or on the establishment's walls.
Abandonadong-abandonado ang buong lugar. Walang ingay o kaluskos na maririnig. Wala ni anino ng kahit sino. Ang tahimik.
Tumingin ako sa lalaking nangunguna sa amin. "Malapit na ba tayo, Dri?"
"One block away."
Tumango ako at senenyasan ang dalawa pa naming kasama na ibaba ang mga baril.
Apat kami ngayo'y ipinadala ni General sa lungsod na 'to para sunduin ang mga survivors. The camp's monitor detected a blue blinking location which stands for civilians. Nakausap ni Officer Larcel ang mga ito at nakumbinsing manatili sa kampo namin.
The two men who are with us are guarding behind me. Pinakilala na sila ni General sa'kin bago pa kami umalis, nakalimutan ko nga lang dahil hindi talaga ako magaling pagdating sa pagtanda ng mga pangalan. I noticed the way they held their guns are too tight that's why I gestured them to calm down.
I silently chuckled. "Huwag nga kayong kabahan."
Sabay silang napalunok habang bahagyang namumula ang mga pisnge nang tiningnan ko sila. General Oligar said, these two are soldiers that's why they have well built bodies but before they could have their official rank or title, the outbreak happened. Hanggang dibdib lang nila ako at kasing tangkad sila ni Drio. I bet these guys are skilled and well-trained, base on their muscled body with biceps peeking!
Uunahan ko na sana sa paglalakad si Drio dahil huminto siya nang hinawakan niya ang braso ko.
I want to ask why did he hold me when my first rule is: they should be a meter away from me. Sinamaan ko siya ng tingin dahil kahit anong pagpupumiglas na ginawa ko, hindi niya parin binitawan ang braso ko. He knows how I repeatedly told them not to make any physical contact with me because they are currently gross.
Mula ulo hanggang paa nilang tatlo ay may mabahong dugo at laman loob ng isang ulol. Their faces are the only part that they haven't covered with an ulol's bloods and organs. Literal na nakakasuka ang mga amoy nila. They're wearing masks for their safety. They could get the virus from the blood they put on their body or they could infect me so they should really stay away from me. They agreed on that but what Drio did is half wrong and right.
I've done too many bad decisions today and number one for not wearing a mask!
"Code 1. Focus, eaters are around." Mahinang sabi ni Dri bago ako binitawan at may pinulot na lata ng juice sa may paanan ko na muntik ko nang maapakan.
YOU ARE READING
The World Of Survival
Science Fiction( A Filipino Zombie Apocalypse Story) The World Of Survival book 1 of 3. The news about the unknown virus spreads quickly as population of sick people increases rapidly. Small hospitals or even big, private or not, are always busy and full of patien...