Simula

19 4 0
                                    

Simula

Sa hindi kalayuang lugar sa mundo ng bampira isang nakatagong palasyo ng kahirang Vista Praia na ang akala ng lahat ay isa lamang ito kathang isip na isinusulat lamang sa isang aklat at imahinasyon lamang ng may akda.

Ngunit ang palasyo na iyon ay totoo at doon naninirahan ang Hari at Reyna na matagal na itinakwil ng mga konsehos ng mga bampira at kapwa nilang bampira, kung kaya't sila ay tuluyan na lamang nagkulong sa kanilang palasyo at nagpunla ng nagpunla hanggang sa nakabuo sila ng labing walong supling ngunit sa labing walo na iyon ay dalawa lamang ang lalaki at labing anim ang babae na siyang ikinatuwa ng Reyna at dinadamdam ito ng hari ngunit sa mga nakalipas na taon ay tinanggap rin ito ng hari.

Masaya ang pamilyang Bloodsworth lalo na ang reyna at ang hari habang pinagmasdan nila ang kanilang prinsipe at prinsesa na kasalukuyang nakipaglaro sa mga embargo sa kanilang bulwagan sa loob ng palasyo.

Si Blade ang panganay sumunod ang unang prinsesa na si Hecate at sumunod ang ikalawang prinsipe na nagngangalan Kieran na hindi nalalayo ang edad sa unang prinsesa. Sunod sa kanya ay si Calista, Maeve at Akeldama na iisang taon lang ang pagitan. Si Primus, Thana at Narkissa ang sumunod, na sinundan kilaunan ni Lilith, Astrid, Zurie at Selene. Limang taon nakalipas nabuo ang kambal na nag ngangalan Ianthe at Dawn at sumunod sa kanila ang triplets na sina Akantha, Amber at Elena.

Sa Kasalukuyang nag eensayo ang dalawang prinsipe sa kakahuyan malapit lang ito sa kanilang palasyo. "kuya, nais kong talunin ka" habol hiningang saad ni Kieran.

Ngumisi ang kanyang kuya na nagngangalang Blade. "Kung nais mo akong talunin aking kapatid, tumayo ka riyan at simulan mo ako sugurin."

Walang inaksayang oras si Kieran at agad niyang sinugod ang kanyang kuya. Mabilis siyang bumwelo at sinipa ngunit agad din ito nailagan ni Blade nasiyang ikinainis ni Kieran.

Umihip ang napakalakas na hangin at isa lang ang ibig sabihin nito. Ginamit ni Kieran ang kanyang kapangyarihan.

Gulat ang mga mata ng kanyang kuya nakatingin sa kanya. Pulang pula ang naninigas nitong mata "Kieran,kumalma ka" ngunit tila'y walang narinig si Kieran.

Isa lang ang naisip ni Blade upang tuluyan itong magtigil sa pag labas ng kaniyang kapangyarihan. "Paumanhin kapatid" huling katagang binaggit ng unang prinsipe bago tuluyan niya pinatulog ang kapatid niyang si Kieran.

Sa kabilang dako ang limang nakakatandang prinsesa na sina Hecate, Calista, Maeve, Akeldama at Primus na kapwang may takip ang mata at nag eensayo rin kapwang nakapalibot sa kanila ang mga embrago na anumang oras ay susugurin sila. Hawak ang kanilang sariling mga armas at anumang oras ay susugod ang mga embargo.

Nang makarinig sila ng tunog ng gong ay umatake na ang mga embargo patungo sa kanila. Dahil sa talas ng tingin ni Calista sa kabila ng telang nakatakip sa kanyang mata ay agad niya itong napatumba ang embargo aatake sa kanya gamit ang kanyang espadang may kidlat na kung sinong hahawak at matamaan nito ay mamamatay dahil sa kuryenteng hatid nito. Hindi maiwasan mapangisi ni Calista. "ang aking kidlat ang siyang tatapos sa bawat nilalang saktan ako at maging ang aking pamilya."

Habang nakikipaglaban si Maeve sa embargo patungo sa kaniya na handang dambahin siya ay inayos niya na ang kanyang posisyon ang kanyang pana at laso ay nakahanda at anumang oras ay aatake na siya. Hindi pa tuluyan nakalapit sa kanya ang embrago ay natamaan na ito sa bandang ulo. "tsk. Napakahinang embargo" bulong nito at tamad na umupo sa tabi ni Calista.

Si Hecate ay kasalukuyang kaharap ang dalawang embargo, hawak sa magkabilang kamay ang kaniyang gintong espada na may bahid na lason at  agad siyang sumugod sa dalawang embargo sabay na tumagos sa katawan ng mga ito ang espada gamit ng unang prinsesa. Ngumisi siya sa kanyang tagumpay pero ang mata ay nanatiling naninigas sa kabilang manipis na tela ang siyang tumatakip rito. "Walang makakatalo sa akin, maski embargo" walang emosyon ngunit mapanganib niyang bulong sa sarili.

Los VampirosWhere stories live. Discover now