Chapter 4

2K 195 22
                                    

The Archdevil of Greed, Gavrill, was tall with a body that was built and trained to endure anything. Noong unang beses na nagtagpo ang landas nina Maria at Gavriil ay nakasuot ito ng itim na balabal sa kagubatan. At present, he would still wear a black cloak from time to time. But most of the time, he would wear his formal suit. Over time, Gavriil had learned how to adapt and understand the modern man's overall way of life.

Gavriil now owned several giant companies in Southeast Asia and Europe. Nagtatalaga lang ito ng mga taong uupo bilang tagapamahala. Pero sa likod ng mga taong iyon ay ang anino nito. Those men Gavriil appointed became his little puppets. Ganoon kamakapangyarihan ang Arkangdiyablo.

May abogado ring nagtatrabaho para rito, si Atty. Solisto. Very accomplished and popular worldwide. But no matter how successful that person becomes, he will forever submit to Gavriil’s orders. Isa kasi ito sa mga taong nakipag-deal sa demonyo sa pa-krus na daanan. Akala ng iba ay biro lang ang bagay na iyon. But it was real. They’re actually real—the crossroad demons. Ang kinailangan lang gawin ni Gavriil ay agawin ang kontrata ni Solisto sa demonyo.

Sa hinaba-haba ng buhay ni Maria na kasama si Gavriil, halos alam na niya ang lahat dito. Alam niyang mababa lang ang antas ng mga demonyo kung ikukumpara sa mga Arkangdiyablo. Takot ang mga demonyo sa huli. If they were to follow what was written in the crossroad contract, the man will only have ten years to live before the hellhound of hell collects his soul. Kung tutuusin ay pinahaba pa ni Gavriil ang buhay ni Solisto.

Dahil hawak sa leeg ni Gavriil ang abogado kaya wala itong pagpipilian kundi sundin ang gusto ng Arkangdiyablo. Ang abogado ang umaasikaso sa lahat ng mga papeles. Ito rin ang kumakausap sa mga taong dapat kausapin ni Gavriil.

Kung hindi iisipin ni Maria ang puso niyang lihim na humahanga sa lalaki ay marami siyang masasabing kapintasan nito. The Archdevil was evil, cunning, and treated people like toys to entertain him. Wala itong puso. Iniligtas lang siya nito para gawing alila.

Bakit nga ba tumibok ang puso niya para kay Gavriil? tahimik na iyak ni Maria. Nasa loob siya ng kanyang pribadong silid, suot ang mahabang puting pantulog na gawa sa seda, habang nakaupo sa tapat ng kuwadradong salamin. Titig na titig siya sa repleksyon niya sa salamin. Itim na itim ang mahaba niyang buhok na hinayaan niyang nakalugay lang. Ang malasulta niyang balat ay nagniningning sa liwanag ng bilog na buwan.

Sino ang magsasabing minsan siyang nabuhay kasama ng mga aso sa kagubatan? Sino ang magsasabing inabandona siya ng kanyang mga magulang? Sino ang magsasabing halos isang siglo na siyang nabubuhay sa mundong ibabaw?

Ipinanganak siya ng taong mil novecientos treinta y dos. Eksaktong ochente y nueve años na siya sa kasalukuyan. Nasaksihan niya ang mga pagbabagong naganap, ang mga taong bumago sa mundo.

And all these years, she remained in that old mansion. No one was ever there to comfort her. Ang sarili niya lang ang meron siya. Gavriil was never hers. Pag-aari siya nito. Marahil ay matatawag na alila nito. Pero si Gavriil ay hindi naging kanya kailanman.

Sa lahat ng kalungkutan ay isa lang ang nagpapasaya sa kanya. Si Gavriil lang. Langit para sa kanya ang makapiling ito. For years, she wished that he would one day learn to love her. Isang hiling na napakahirap makamtam.

Iginuhit ng puso niya ang imahe ni Gavriil sa kanyang gunita. Mahal na mahal niya ito subalit kailangan niyang pigilin ang damdamin. It was already hard that he could hear her heartbeat. Mabuti na lang at sa haba ng panahong nabubuhay siya sa sanlibutan ay alam na niya kung paano gawing payapa ang tibok ng puso niya. Pero may mga pagkakataong katulad kanina na hindi niya mapigilan ang puso.

Afterall, tao pa rin siya.

Bumalik sa alaala niya ang nangyari sa nagdaang panahon na bumago sa kanya at nagbigay ng buhay na walang hanggan…

1950

Ngumuyngoy si Maria dahil sa sakit ng pagkakahampas sa kanya ng kahoy sa tuhod at likod. Hindi niya alam kung ano ang ginawa niyang kasalanan. Mababangis ang mukha ng mga taong umatake at nakapalibot sa kanya.

“Aswang iyan!” sigaw ng mga ito.

Hindi niya naiintindihan ang mga nangyayari. Takot siya. Takot na takot. Iyon lang ang alam niya.

Hanggang sa mula sa kung saan ay lumitaw ang isang lalaking nakasuot ng itim na balabal. Walang mababakas na ekspresyon sa mukha nito. Hindi niya nakikita ang bangis dito kagaya ng nakikita niya sa ibang nakapalibot sa kanya.

Itinaas ng lalaki ang isang kamay nito. Kasunod niyon ay lumipad ang malaking paniki at inatake ang mga tao. Nagsipulasan ang mga ito at naiwan siyang nakahandusay sa lupa.

Lumapit sa kanya ang lalaking naka-itim na balabal. Tumitig lang ito sa kanya, hindi pa rin kababakasan ng kahit anong emosyon ang mukha. Pero dama niyang wala itong balak na saktan siya. Humawak siya sa paa ng lalaki at tumingala rito sabay daing. Hindi na niya malaman kung saan pa kakapit maliban dito.

Tumaas ang mga kilay nito at mayamaya’y ngumisi. “You would make a good servant, won’t you?” Yumuko ito at hinaplos ang mukha niya. “Bibigyan kita ng buhay na walang katapusan. Tuturuan kita kung paano ang mamuhay nang normal kapalit ng buhay na buong lugod mong iaalay sa akin nang tapat. Ang layunin mo sa bagong buhay na ipagkakaloob ko ay ang pagsilbihan ako at ang manatili sa tabi ko.”

Hindi niya naiintindihan ang ibig nitong sabihin sa kanya. Pero sapat nang katiwasayan ang dala sa kanya ng lalaki kaysa takot at pangamba.

Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at inalalayang tumayo. Tumahip ang dibdib niya nang maghinang ang kanilang mga mata. Ang nagpaigtad sa kanya ay nang biglang naging purong itim ang mga mata nito.

“Natatakot ka ba?” tanong nito, malamig ang boses na tila hinahagod ang pisngi niya.

Umiling siya.

Ngumiti ang lalaki. Sumapo ang palad nito sa likod ng ulo niya. Pagkatapos ay bumaba ang mukha nito sa mukha niya. Hindi niya matukoy kung ano ang ginagawa nito. Pero nang lumapit ang mga labi nito sa kanya ay nakaramdam siya ng kakaibang emosyon.

“Open your mouth, pooch.”

Hindi niya naiintindihan ang lengguwahe nito. Gayunman ay naiintindihan ng utak niya ang nais nitong ipaabot sa kanya. Ibinuka niya ang bibig. May binhing pula mula sa labi nito na inilipat nito sa labi niya nang mainit siya nitong hagkan. Dama niya ang pagdaloy ng init sa bawat himaymay ng kanyang katawan.

Esperanto beatha,” sambit nito. “The breath of red life. The life without end.”

Buhay na walang hanggan…

Buhay na walang katapusan… sa piling ng Arkangdiyablo.

The Devil's Servant - GREED (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon