Chapter 25

40.8K 1.1K 142
                                    

Chapter 25

"Dahan-dahan," ani ni Kiara habang inaalalayan ako papasok ng mansion.

Sa pananatili ko sa ospital na 'yun, hindi ako pumayag na makapasok man lang si Leslie o si Marco. Tanging sila Kiara lamang ang nagtitiis na bantayan ako sa ospital dahil ayoko pa silang makita.

"Hindi ako baldado, Kiara. I told you I can walk," I muttered.

"Ano ka ba. Nag-aalala lang ako baka madulas ka o ano. Hindi pa naghihilom ang tahi sa ulo mo kaya dapat sa bawat hakbang mo ay maging maingat ka," she replied. "At sigurado ka bang ayos lang na dito ka manatili? My house is open for you."

I nodded my head and wandered my eyes around the mansion. Walang katao-tao. Marahil ay may kanya-kanya silang trabahong ginagawa.

"For now, I just need to act like I didn't remember everything. In that way, magiging madali lang sa 'king malaman ang lahat ng gusto ko pang malaman," mahinang saad ko. I know it sounds like I'm a masochist, but I don't care.

Sabay kaming napaangat ang tingin sa pangalawang palapag nang makarinig kami ng mga yabag pababa...

"Glad you're finally home, my daughter." Ngumiti ito ng matamis.

My hand balled into a fist watching how sweet her smile is despite of what she did to me in the past.

Pero bakit hindi niya pa ako pinatay?

"Ihahatid kita sa kwarto mo, Keith," malakas na saad ni Kiara para gisingin ako sa reyalidad.

I forced a smiled and acted nothing as I nodded my head. Inalalayan naman ako ni Kiara paakyat ng hagdanan.

I was careful with every steps I take. Panay ang bulong ni Kiara na nanggigigil siya kay mommy na ikinangiti ko. Hindi ko siguro alam ang gagawin ko kung hindi ko naging kaibigan si Kiara. Baka nangangapa ako ngayon.

Nang makarating kami ng silid ko ay siya mismo ang nagbukas ng pinto para makapasok kami. Kinapa ko ang lights sa gilid at pinailaw ang buong silid. Rinig ko ang pag-click ng lock at sabay kaming naglakad palapit sa 'king kama.

"Careful," she said.

Umupo ako sa kama at humikab habang siya naman ay parang lantang dahon na bumagsak sa kama ko at nag-inat ng katawan.

"Anong plano mo bukod sa magpanggap na hindi mo pa naaalala lahat? Si Marco? Kailan mo siya kakausapin?" she asked.

I took a deep breath and bit my lip. "Kakausapin ko siya bukas."

"Really?"

I nodded my head. "Wala ng ibang makakatulong sa 'kin sa pagpunta ng Samar kundi siya. Kapag gagamit ako ng mga aircraft na pag-aari ko, malalaman kaagad ni Leslie 'yun."

"How about your husband?" Bumangon ito sa kama at hinarap ako. "Anong gagawin mo? I'm sure uuwi siya rito mamaya. Paano mo siya haharapin?"

Natahimik ako. Then slowly, a devilish grin appeared on my lips. "Asawa ko naman siya, 'di ba?"

"Oo. Pero anong pinaplano mo?" nagtatakang tanong nito.

I bit my lip and let out a nonchalant chuckle. "Seducing him won't be a bad thing, is it?"

"It is!" angal nito. "You're playing fire with fire! Paano na lang kung ikaw ang masunog sa apoy na lalaruin mo? Nag-iisip ka ba? With the look of your husband, I know he can make you kneel. Marupok ka pa naman."

Napaisip ako sa sinabi ni Kiara. Tama nga naman siya. There's really a big chance that I'll end up in his bed and moaning his name.

But why not give a shot, right?

Forbidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon