Chapter 27

41.1K 1.2K 125
                                    

Chapter 27

"Miss Keith. I rescheduled your flight to London next week. May gaganapin po kasing board meeting this coming Thursday together with the investors that's why you need to be there. I already give Mr. Jordan a call that this is important and he agreed to meet you next week," Imporma sa akin ni Gemma.

Tumango ako at matamis na ngumiti. "Nakausap mo na si Marco?"

Namula ang mga pisngi nito at nag-iwas ng tingin. "A-ahh, ano po. Oo po, Miss Keith. Kailan po natin gagawin 'yun?"

"This afternoon. Everything's in set. Sana lang ay may maabutan akong marriage contract doon." Pinanliitan ko siya ng mga mata. "May namamagitan ba sa inyo ni Marco?"

"Po?! Wala po!" Biglang reaksiyon nito na mas lalong ikinapula ng kanyang pisngi. "I mean, wala po, Miss Keith."

Napangiti ako dito at napailing. I closed the folder I'm reading and arranged the things above my desk. Nanatili namang nakayuko si Gemma marahil na rin siguro ay nahihiya sa naging reaction niya kanina.

Alam ko namang hindi ko na kailangang pahirapan ang sarili ko para sa marriage contract na 'yan. I mean, I can ask someone to pull some strings and get another copy of our marriage contract. Ngunit gusto ko munang makasiguro. Gusto ko makita 'yung mismong orihinal kahit na nalipasan na 'yon ng panahon. 

I yawned and checked my time. Tumayo ako sa 'king kinauupuan at tumungo sa 'king vanity mirror.

"Gemma," I called her. "Wala ba akong schedule for the rest of the day?"

Umiling agad ito. "I cleared all your schedules for today, Miss Keith. What time po ako pupunta sa bahay ni former Chairman?"

I twisted my lips and combed my hair using my fingers. Inayos ko ang nagusot kong damit at ang suot kong itim na pencil skirt. "Mamayang hapon. Tatawagan kita mamaya. For now, I'll be paying him a visit."

Tumango si Gemma at agad niyang naunawaan kung sinong him ang ibig kong sabihin. Nagpaalam agad ito na may tatapusin pa sa ini-encode niya at agad na lumabas ng aking silid.

Hinagilap ko agad ang dala kong Hermes bag na bigay sa 'kin ni Bailey. He really love expensive things that even his socks costs a hunded dollars! That brute. Si uncle ay tipid na tipid sa pagwaldas ng pera habang siya parang kung sinong bilyonaryo.

Well, he's a billionaire indeed.

Humikab ulit ako. Natigilan ako nang mahagip ng mata ko ang litrato naming dalawa ni daddy na nakapatong sa ibawbaw ng mga nakasalansan kong folders na dapat pirmahan.

Mapait akong napangiti bago pinulot ang handbag at naglakad palabas ng opisina. Nakangiti namang bumati si Gemma sa 'kin na sinuklian ko lang ng tango. Nagpaalam agad ako dito at nagmamadaling pumasok sa loob ng elevator.

I pressed the ground floor button and waited for me to arrive at my destination. I fished my phone inside my bag to check if someone sent me a massage. Napanguso ako nang walang notification na nalagay sa notification pannel ko.

The door opened and I immediately went out of the elevator. Pinatunog ko ang aking sasakyan at binuksan ang pintong na sa tabi ng driver's seat. Pumasok ako sa loob at agad na binuhay ang makina.

I placed my bag on the passenger's seat. Napansin ko naman ang pag-ugong ng bag ko kaya't kunot-noo kong kinuha ang phone sa loob. I looked at the caller ID and found out it was Leslie.

Sumariwa sa alaala ko ang mga ginagawa kong kagaguhan nitong mga nakaraang araw. And hell, the satisfaction to see my mother getting mad at me made me happy.

Forbidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon